O N E

65 5 0
                                    

"Nasasabik sa unang araw ng eskwela..."
- First Day High by Kamikazee

📼

HALOS limang minuto na akong nakatitig sa bagong plantsa kong uniporme na nakasabit sa pinto. Puting long-sleeve blouse at asul na plaid skirt. Unipormeng nagbubukod ng baitang ng mga estudyante. Unipormeng katulad ng sa ate ko. Unipormeng pang-high school.

Wala iyong bakas ni katiting na gusot. Ang bangu-bango pa dahil sa fabric conditioner.

Handa na para suotin. Iyong magsusuot na lang ang hindi.

Tinatamad naman kasi akong pumasok. Baka wala namang gawin buong araw kundi mag-introduce yourself. Ayoko pa namang nagsasalita sa harapan kahit na sawang-sawa na 'ko sa hitsura ng mga kaklase ko. Gusto kong um-absent. Sabihin ko na lang masakit ulo ko. Tama.

Pero kung a-absent naman ako, ano naman gagawin ko rito sa bahay? Hihiga lang? Boring!

Napa-buntong hininga na lang ako at kinuha ang uniform ko at isinuot. Maluwag iyon noong una kong sinukat pero tama na ang lapat nito sa katawan ko dahil ipinatahi na ni mama pagkabili pa lang.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Sobrang naninibago ako sa itsura ko. Hindi ako napapangitan. Hindi rin naman nagagandahan.

Sa kabila ng pagka-excited ko dahil makikita ko na ulit ang mga kaibigan kong hindi ko nakita nang halos dalawang buwan, hindi ko maitago sa mukha ang kaba ko. Dapat nga hindi na 'ko kinakabahan dahil halos literal na pangalawang bahay ko na iyong school namin dahil mula elementary doon na 'ko nag-aaral at matagal ko na ring kilalala ang mga kaklase ko pero hindi ko alam, binubundol pa rin ako sa kaba.

Siguro kasi ngayon ang first day ko hindi na bilang isang elementary at wala akong ideya kung anong magiging takbo ng buhay ko ngayong high school na 'ko.

Pero kaya ko naman 'to, 'di ba?

"'nak! Tanghali na! Bumaba ka na diyan! Napaka-tumal talaga ng batang 'to..."

Nagmamdali akong bumaba nang hagdan at nadatnan ko si mama na busy sa pagwawalis ng sahig habang ang magaling kong kapatid ay nasa sofa, naglalagay ng kung ano sa mukha niya.

"Ano ba 'yang pinaglalalagay sa mukha mo, Joyce! Pulang-pula 'yang pisngi mo, burahin mo nga 'yan!" ani mama.

Tinapos muna niya nag pagpupula ng labi niya tsaka nagsalita. "Grabe ka naman, 'ma! Uso kaya 'to ngayon!" depensa niya.

"Mag-mukhang clown? Uso ngayon?" sabat ko.

"Luh, papansin ka?"

Umirap ako at umupo ako sa kabilang sofa at nagsimulang magsuot ng medyas.

Lumapit sa akin si mama. "Naku naman! Tingnan mo nga 'yang buhok mo!" sabi niya at sinuklay ang basa kong buhok gamit kamay niya. Napa-aray pa nga ako dahil nakabuhol pa iyon. "Joyce, suklay nga!"

"Ew, high school na 'di pa marunong magsuklay," bulong ni ate habang inaabot kay mama ang suklay. Aagawin ko pa sana iyon sa kanya pero nakuha niya iyon agad.

"Hah, at least hindi ako mukhang clown," bawi ko.

"Tumigil na kayo!" suway ni mama. "Ikaw, bata ka, lagi kong sinasabi sa'yo na magsuklay ka. Lagi na lang nagbubuhol 'tong buhok mo, ayaw mo naman pa-gupitan..."

Hindi ko na lang pinansin kung anuman ang sinasabi ni mama. Nagsusuklay naman ako...hindi nga lang lagi at nakakalimutan ko kasi. Isa pa, ayaw ko pagupitan 'yung buhok ko kasi hindi pa naman ganoon kahaba.

Pagkatapos ay inayos na ni mama ang mga baon namin. Noon pa'y lagi na niya kaming pinagbabaon ng kanin at ulam kaysa bumili kami sa canteen. Bukod kasi sa tipid, gusto raw niyang luto niya ang kinakain namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Walk Down Memory LaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon