Chapter 2: Uneasy Life

6 3 0
                                    

Masayang ginuguhit ni Harris ang mukha ng kanyang ina sa sketchpad, may talento siya sa pagguhit ngunit wala namang pakialam ang kanyang pamilya rito. Gusto niyang maging isang sikat na artist balang araw ngunit gusto naman siyang maging engineer ng kanyang mga magulang dahil wala naman daw makukuhang malaking halaga sa ganung propesyon.

"Pag natapos ko to...panigurado matutuwa sakin si mama." Sabi niya sa sarili habang maingat na ginuguhit ang mukha.

Maya-maya pa ay kaunting shading na lang ay matatapos na ito, gayang-gaya niya sa kanyang guhit ang mukha ng kanyang ina. Pwede na itong i-display sa kanilang bahay dahil sa ganda ng pagkakagawa.

"Next kong idodrawing si Papa para maging proud sa akin sa galing kong mag-drawing hehe." Sabi niya habang nakangisi.

Nang matapos niya ito ay sinara na niya ang sketch pad niya, niligpit muna ang mga gamit tsaka lumabas ng kanyang kwarto dahil balak niya na itong ipakita sa kanyang ina.

Bababa na sana siya sa hagdan papuntang sala ngunit biglang dumating ang kuya niya galing trabaho, isa na itong ganap na engineer habang siya ay nag-aaral pa lamang.

Sinalubong naman ng kanyang ina ang kuya niya at niyakap ito.

"Buti umuwi ka ng maaga ngayon, ano kamusta?" Sabi ng ina.

"Okay lang mom. Tsaka yung bahay natin matatapos na rin ipagawa." Masayang sabi ng kuya niya.

Nakaupo lamang sa hagdan si Harris habang nakikinig sa usapan nila, nahihiya pa kasi si Harris na ipakita ang guhit niya sa kanyang ina kasi baka tawanan lang siya ng kuya niya.

"Aww, salamat talaga anak ha? Ikaw talaga ang magpapayaman sa pamilya natin." Nakangiting sabi ng ina, napangiti din si Harris dahil proud din siya sa kuya niya.

"Syempre pati ang little bro ko." Plastick nitong sabi dahil nakita niya si Harris na nakaupo sa hagdan ngunit sa loob loob niya ay naiinis ito kung bakit nakikinig pa si Harris sa usapan nila.

"Hay, di ko lang sure anak kasi iba ang gusto niya sa buhay eh. Bahala na siya sa buhay niya, mas nagiging pabigat lang siya sa atin. Ang sakitin niya pa, paano siya makakapagtrabaho niyan?" Dissapointed na sabi ng ina niya, nagkibit balikat na lamang si Haiden, ang kuya ni Harris.

"Mabuti na lang talaga at may Haiden tayo hon, di na natin kailangan si Harris dahil wala naman siyang nagagawa eh." Natatawang sabi ng ama ni Harris.

Napayuko na lang si Harris sa lungkot, unti na lang ay tutulo na ang luha niya. Umakyat na lang siya uli sa kanyang kwarto at pinunit ang isang page ng sketchpad niya kung saan pinaghirapan niyang iguhit ang kanyang ina. Ni-crumple niya ang papel at tinapon ito sa sahig, wala kasing basurahan sa kanyang kwarto at ayaw din niyang lumabas dahil sa sama ng loob.

Naalala niya bigla ang iba pang masasakit na salitang sinabi sa kanya ng mga magulang niya kaya naman di na niya napigilang humikbi, hanggang nagtuluan na ang luha niya. Maya-maya lang ay nahihirapan na siyang huminga kaya naman hinanap niya ang kanyang inhaler ngunit di niya matandaan kung saan niya ito nilagay.

Kinuha niya ang phone niya sa kama at tinawagan ang kanyang yaya, hinire ito ng kanyang ina mula nang siya'y magkasakit upang ito na lamang ang mag-alaga sa kanya dahil wala siyang gana at time asikasuhin ang anak.

Maya-maya lang ay dumating na si manang Beth na may dala-dalang inhaler at tubig, inalalayan niya agad si Harris na makaupo sa kama at pinagamit ang inhaler, pagkatapos ay binigyan niya ito ng tubig at pinahiga sa kama.

As you can SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon