Chapter 5: A day with a stranger

4 1 0
                                    

"Marsha!" Masayang bati ng tita ni Marsha na si Felicia. Niyakap siya nito at hinalikan pa sa noo.

"Dalaga ka na talaga, mas matangkad ka pa sakin, ang ganda ganda mo pa." Sabi ng tita niya while cupping her face. (napa-english)

Natutuwa naman ang mga magulang ng dalaga dahil ang cute nilang tignan. Mukhang miss na miss nito ang kanyang pamangkin, napatingin naman si tita Fe kay Harris na nagniningning na ang mga mata sa pagkain.

"Ay ate, sino siya? Boyfriend ba siya ni Marsha?" Kinikilig na tanong ng tita ni Marsha sa mama niya.

"Hindi, kaibigan siya ni Marsha. Sinama ko na rin dito."

"Mabuti naman, andami ko kasing hinandang pagkain sana nagsama ka pa ng sampung tao." Sabi niya.

"Haha! Kung pwede lang buong barangay na namin eh." Singit naman ng papa ni Marsha at nagchismisan na silang lahat.

Kinalabit naman ni Marsha ang mama niya.

"Ma, pagkain." Sabi niya, kakakain lang nila kanina ay nagugutom nanaman siya.

"Hay nako, magkaibigan nga kayo ni Harris parehong matatakaw." Kumuha na ng plato ang mama ni Marsha tsaka binigyan ng pagkain ang anak.

"Harris, kumuha ka na ng pagkain mo diyan alam kong kanina mo pa gustong lumamon." Nakangiting sabi nito.

Bago pa tumulo ang laway ni Harris ay kumuha na siya ng gabundok na pagkain, pinaupo sila ni tita Fe sa may sala at doon sila lumamon. Dahil sa hindi naman makakita si Marsha ay wala siyang pake kung anong maisubo niyang pagkain dahil lahat naman masarap.

Mabilis namang nangalahati ang napakadaming pagkain kanina ni Harris, balak niya pang kunin ang isang hita ng manok ni Marsha pero agad itong kinuha ng dalaga tsaka kinain. Binalak niya namang kunin ang isang lumpiang shanghai ngunit kinuha rin ito ni Marsha tsaka sinubo. Kukunin naman niya ang isang chicken wing pero nilayo na ni Marsha ang plato niya.

"May nararamdaman akong kakaiba, Harris." Inis na sabi ng dalaga.

"Ano yun?"

"Kumuha ka ng sarili mong pagkain doon, dudukot ka pa sakin eh." Sabi ni Marsha.

"Luh? Pano mo alam?"

"Ang patay gutom mo, kahit di ako nakakakita malakas ang pakiramdam ko tandaan mo yan." Mariing sabi ng dalaga.

"Damot!" Sabi ni Harris tsaka kumuha  ng pagkain.

"Eto, may coke dito inumin ninyo." Masayang sabi ni tita Fe tsaka binigyan ng tig isang coke mismo si Harris at Marsha.

Kinapa naman agad ni Marsha kung nasaan ang coke at nakuha naman niya agad ito, bumalik na uli sa upuan si Harris na may dala nanamang napakaraming pagkain.

Hindi naman mabukan ni Marsha ang coke dahil madulas na ang kamay niya kakahawak ng pagkain. Inabot niya naman ito kay Harris na alam niyang nasa tabi niya lang dahil naririnig niya ang pagkagat nito ng crispy pata.

"Oh bakit? Akin na lang? Sige." Sabi ng binata.

"Hinde! Buksan mo, di ko mabuksan eh." Sabi naman ni Marsha.

"Sige, pagbalik ko neto sayo kalahati na." Sabay kuha ni Harris sa coke at binuksan ito.

"Subukan mo lang at tutuhugin kita ng cane ko." Sabi ng dalaga with imaginary na naglalaser ang mata.

"Joke lang eh." Takot na sabi ni Harris.

Ilang sandali pa ay busog na silang dalawa at nagpapahinga na lang sa sofa, sikreto naman silang pinicturan ng mama ni Marsha at balak imyday sa facebook ang dalawang patay gutom na nabusog na rin sa wakas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

As you can SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon