"Mama?" Sabi ni Marsha habang nagkukusot pa ng mata, kagigising niya lamang.
Wala namang sumagot sa kanya kaya naman dahan-dahan siyang umalis sa kama at kinapa kung nasaan ang cane niya, nang mahawakan na niya ay ginamit na niya ito para makalakad na ng hindi nababangga.
Kinapa niya kung saan ang doorknob at binuksan ito, nagtataka naman siya kung bakit ang tahimik sa bahay. Nagsimula na siyang kabahan at matakot dahil pakiramdam niya ay mag-isa lang siya, takot pa naman siya pag walang kasama.
"Mama? Papa?" Tawag niya sa kanila.
Naglakad pa siya ng naglakad hanggang sa makapa ng cane niya ang hagdan, dahan-dahang bumaba si Marsha upang di siya mahulog. Nang makababa na siya ay halos mapatalon siya nang bigla silang sumigaw.
"HAPPY BIRTHDAY, MARSHA!" Rinig niyang sigaw ng kanyang mama at papa.
"H-huh?"
"Anak, mukhang gulat na gulat ka ah." Sarcastic na sabi ng kanyang ama dahil imbes na magulat ay mukha lang siyang nagtataka.
"Ma! Pa! Nandyan lang pala kayo, bakit di kayo sumasagot kanina?" Alalang tanong ni Marsha.
"Sensya na Marsha, balak ka kasi namin isurprise sa birthday mo kahit na hindi ka naman mukhang na surprise." Sabi ni ng mama niya.
"Oo nga, kaya pansinin mo naman ang birthday mo anak at magwish ka na sabay hipan mo na ang cake." Sabi naman ng papa niya.
"Hihipan ko yung cake? Mainit po ba?"
"Hindi anak, ang ibig sabihin ng papa mo ay hipan mo ang kandila." Napatango-tango na lang si Marsha, bigla namang bumukas ang pinto nila at sumigaw ang kakapasok lamang.
"HAPPY PORKDAY, MARSHA!" At dito lang nagulat si Marsha, pamilyar kasi sa kanya ang boses.
"Eh? Mama, bakit siya nandito?"
"Ay hindi ko pala nasabi anak, niyaya ko siya eh. Nakita ko kasi siyang naglalakad mag-isa tsaka sinabi kong birthday mo kaya pumunta siya. I-welcome mo naman siya anak, kaisa-isa mo na nga lang na kaibigan eh."
"Hindi ko naman siya kaibiga--"
"Sige na anak, masamang tinataboy ang kaibigan." Singit ng papa niya.
"Hindi ko po siya tinataboy--ok, welcome, Aries." Sabi niya habang nakapilit na ngiti.
"Harris kase." Pagtatama ng binata.
"Nahuli lang siya konti ng dating kasi bibili daw siya ng pizza para naman may ambag siya sa birthday mo." Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Marsha at tuwang-tuwa sa sinabi ng ina.
"Oh! Eto na yung lima sa sampung box ng pizza na pinangako ko sayo." Sabi ni Harris.
"L-lima? Andami naman ata niyan." Gulat na sabi ng mama ni Marsha.
"Woah, talagang bumili ka." Sabi ni Marsha habang nakangiti, nakatitig lang si Harris sa mukha niya.
Ginamit ni Marsha ang cane niya habang palapit kay Harris, nang maangat ni Marsha saglit ang cane ay aksidente itong tumama sa eggnog ni Harris.
"Awwww!" Sabi ng binata habang nakahawak doon.
"E-eeehh? Bakit ano nangyari?" Tarantang tanong ni Marsha, agad naman inalalayan ng ina niya si Harris na naluluha na. Natusok kasi talaga ng cane ang kanyang eggnog.
"Tinamaan mo betlog ko." Sabi ni Harris.
"Hala!? Nako sorry! sorry!" Inangat naman ni Marsha ang kamay niya para patahanin si Harris ngunit nasampal niya lang ang mukha nito.
BINABASA MO ANG
As you can See
JugendliteraturHarris, is a lonely but goofy boy that accidentally barged in to the life of a blind young lady named Marsha. The destiny continues to play with Harris as he always ends up into Marsha's house. But because of his sadness and loneliness in their resi...