Chapter Five - Jessica's Past

57 7 3
                                    

Jess POV's


"Di ka pa ba lalabas ? " Tanong ko sa weird na lalaking katabi ko kanina .


"Anu bang pake mo ha ? " Sabi naman sa'kin ng weird kong katabi , Ang arte ah ! concern na nga ako eh !


"Wala . Nagtanong lang naman ako eh . " Sabi ko tapos lumabas na ko , wala na kong time para makipag usap sa lalaking weird na ito ! . Nung nasa tapat nako ng pinto , bigla siyang nagsalita .


"Nagtatanong ka lang pala eh . Mamaya pa ko lalabas ng room nato , Last subject ko na kasi 'to , eto na yung last subject ko sa araw nato , nga pala Ivan Charles Zamora , Ivan na lang for short . " Papapakilala nitong weird na'to , este ni Ivan .


"Jessica Morales , Jess For short . " Sabi ko tapos dumiretso na ko sa next class ko .


After ng class na kasama ko si Tiffany umuwi na din ako . nakaka-stress , andaming assignments ngayon . Hayy . for sure , Mapupuyat na naman ako nito .


Thursday palang kasi ngayon eh , friday pa bukas , then sabado . gusto ko ng magpahinga , anhirap pala talaga sa Southernside University , andami nilang pinagagawa , pero sulit tution ko , maganda kasi yung School , tapos andami pang activities sa Southernside University compare sa ibang schools dito sa lugar namin . P.E pala namin bukas , mag vo-volley ball kami bukas . Yey ! ,



I love Volleyball . oo mahilig ako maglaro ng volleyball , elementary pa lang ako gusto ko ng maging isang Volleyball player , katulad nung mga Grade 5 and 6 na volleyball player sa school namin .


---FlashBack---


Grade four ako ngayon at ilang months na lang malapit na kong maging grade five , excited ako . dahil new friends , new classmates , new teachers and new sports . tama yung nalaman nyo , new sports . mas advantage kasi ang Grade five and Grade six dito sa school namin ,


Ang Grade five and six kasi dito sa school namin , ay madami silang pwedeng salihan na sports , pero saming mga Grade four students , konti lang , unfair no ? .


Gusto ko talagang sumali sa sport na Volleyball , pero bawal pa daw kami sumali , kapag Grade five na daw pwede na daw kaming sumali . Inantay kong matapos ang school year namin and ......


This is it ! Grade five na kami , pwede na kaming sumali sa Volleyball . Pero nilipat ako ng school ng parents ko , sa isang private school na walang sports . puro activities lang katulad ng , girlscout and starscout , boyscout and kabscout , choir , jingle . etc . walang sports ,


kaya nawalan ako ng gana na magaaral ng mabuti nung mga time na yun . napansin yung ng parents ko , kaya lagi nila akong pinapagalitan dahil lagi daw mababa yung grades ko , Hindi naman daw ako ganun dati , lagi naman daw mataas lahat ng Grades ko .


Ang sabi ko lang sa kanila . Hindi ako magkakaganito kung hindi nila ako nilipat ng School , kung pinagstay nila ako sa dati kong school . Pero walang ng yari , natapos ang school year namin , pero hindi na nila ako binalik sa dati kong school . Hanggang sa pagdating ng graduation namin .

My Bestfriend Ex - BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon