Kabanata 1:
Helliona
Nginitian ko nalang ang ibang estudyante na bumabati sa akin sa cafeteria. Tahimik lang akong nakaupo sa usual seat ko habang kaharap ang makapal na libro sa history. Ginugugol ko na lamang ang iilang minuto sa pag aaral. Lalo nat wala naman rito ang babaeng iyon. This is my usually routine. Studying.
Ililipat ko na sana ang pahina ng libro ng may malamig na bagay ang gumapang mula sa ulo ko pababa sa katawan ko. Sh*t na makulit, ang hapdi ng sugat ko. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata para sa hapdi na nararamdaman sa aking noo.
Mahinhin akong bumangon at lumingon sa taong may kasalanan nito. Oo, alam kong tao ang gumawa sa akin nito. Kung may tinaguriang Miss Prim and Proper meron din namang Miss Queen the Bully. Si Queenie. Ang babaeng pinakabully sa balat ng Montemory University.
Nagngingitngit ang kalooban ko taliwas sa ipinapakitang ekspresyon ko.
I gently smiled to Quennie at mabagal na pinadaan ang aking palad sa suot kong blouse.
"Are you okay, Queenie? Natalisod ka ba?" Although alam kong sinadya niya ay nagpanggap parin akong walang alam. Sana'y narin ako sa pangbubully ni Queenie. Hindi ko na lamang pinapatulan dahil alam kong anak ito sa isang shareholder ng Montemory University.
Ang pagiging Miss Prim and Proper ko ang nakakatulong sa akin para magkaroon ng scholarship sa school na'to plus narin ang matataas na markang aking nakukuha.
"Duh! Are you dumb? Alam kong alam mo na sinadya ko iyon, Miss Prim and Proper." Inirapan naman ako nito.
"Ganun ba? Ahh.. sige ako ng bahala rito. I can take care of myself.." I pick the table napkin at pinunasan ang basa sa aking katawan.
"Do I look like I care for you? You really a plasti--"
"Woah.."
All gasped for next happened. Standing in front of me is our ace soccer player Ezrael Sandoval.
Ang isang basong chocolate na ibubuhos sana sa akin ni Queenie ay hindi dumating dahil sa hinarangan ito ni Ezrael. Malapot na tumutulo ang chocolate mula sa kanyang mukha patungo sa puti niyang shirt. May mga tsokolate paring umalpas sa kanya at tumama sa akin. Ang puti kong uniform ay may bahid na ng chocolate.
"Oh my.. I'm sorry, Ezra.." Hindi magkanda uga uga ang mga kaibigan ni Queenie sa pagaabot ng tissue para punasan si Ezrael.
Sinipat ko ang sarili at tahimik na inayos ang aking mga gamit. Mabilis kong kinuha ang libro at ipinasok sa bag.
"Ayos ka lang?" Hinawakan ko sa kanyang braso si Ezrael ng tanungin ko ito na agad niya namang ikinapiksi.
Mabilis na bumaling siya sa akin at pinasadahan ako ng tingin. Nakita ko ang pagkuyom niya ng kamao at panlilisik ng matang bumaling kay Queenie.
"What the hell is this Queenie?!"
Napaatras ako dahil sa galit na nakikita sa kanyang mukha. Hindi niya naman kailangan sigawan si Queenie tutal siya naman yung humarang sa chocolate na dapat sa akin. Atsaka bakit ba narito ang isang 3rd year college student? Eh may sariling cafeteria naman ang college department.
"I'm sorry, Ezra." Palihim akong napairap sa hinhin ng boses ni Queenie. " It's should be for Hell!!" Dinuro ako nito ng kanyang kamay at inirapan.
Bumaling naman sa akin ang atensyon ni Ezrael at sinuyod ako ng tingin. Feeling ko mas lalong lumamig ang paligid dahil sa kanyang mga tingin. I secretly rolled my eyes at him then tapped his shoulder.
![](https://img.wattpad.com/cover/245980860-288-k948264.jpg)