A/N: I'll try updating everyday, like the last update.. I'll also try updating two times in a day! Enjoy reading!
*******
“Did you enjoy?” nakangiting tanong ni Grace sa kapatid na ngayo'y ngiting-ngiti. Kakatapos lang nilang nag road trip at ngayo'y papauwi na sila. Ayaw pa nilang umuwi kaso kanina ay tumawag ang asawa nitong si April at sinabihang umuwi na.
Napansin din ni Grace na may pagkabalisang sumagot si April sa tawag. Halatang halata na natatakot ito sa asawa. Napailing nalang si Grace, nagagalit sya sa sarili nya dahil wala manlang syang ginagawa para tapusin ang anumang dinaramdam na sakit ng kapatid.
Lumingon sakanya si April habang nakangiti. Mas lalo lang syang naawa at nakaramdam ng guilt para sa kapatid. “Of course, na miss ko narin ang ganitong set-up tsaka matagal-tagal narin 'yung huli nating road trip,” masiglang sambit pa nito.
Grace know her sister, at alam nyang sa kaloob-looban nito, nanginginig ito sa takot. Kaya't ang ginawa nya ay nag arcades muna sila para malipasan ng kaba si April. Ito nalang kasi ang makakaya nyang gawin lalo na't wala syang magagawa patungkol sa nagyayari sa mag-asawa.
Pagkababa nila ng kotse ay dali-dali nyang hinawakan sa kamay si April para gabayan sa pagpasok sa mall. Makikita sa mga mata nito ang pagkamangha sa mga nakikita. Hindi ito ang unang beses nilang pumunta, kanina kasi ay nasa private boutiques sila bumili ng mga gamit. Halos walang mga tao sa pamilihan kaya ngayo'y dito sila pumunta. Alam kasi ni Grace na hindi pa nakakapunta sa mga matataong lugar ang kapatid nya.
Marami din ang nakakakilala kay Grace at hindi na 'yun ipinagtataka ng kapatid lalo na't kilala bilang mahusay na doktor si Grace. Nakatapos kasi ito sa pag-aaral bilang Top 1 in the whole country sa larangan ng medisina at ngayo'y isang ganap na doktor.
Nakakatawa dahil sya ay wala paring nararating, pangarap nyang maging isang sikat na modelo ngunit hanggang ngayon ay heto sya't nakatayo at hindi pa humahakbang pataas. Kahit ano pang kagustuhan nyang maging modelo, hindi sya pinapayagan ng asawa. Nakakalungkot ngunit wala syang magagawa. Asawa nya 'eh.
“I'll get this one, this, that—” grace keep pointing at those dresses but april stopped her. Mahal kasi at hindi rin sanay si April sa mga magagarang damit kaya nahihiya sya sa kapatid. Baka nga masayang lang 'to dahil baka pag-uwi nya, ipapasunog lang ito ng asawa nya. Sayang lang ang pera. “Ate, madami naman akong damit sa bahay, you don't have to do this.” she pleaded.
“Ito lang, para naman may madala ka pauwi.” pangungumbinsi ni Grace sa kapatid kaya wala itong naga kundi ang sundin ang ate. Ganito naman talaga, lagi syang talo sa ate nya. Pwede sana itong mag abogado dahil ang galing dumepensa at halos memorize lahat ng Republic Laws. Multi tasking ata 'yun.
“Sige na nga, basta yan lang ha? Magagalit pa sya sakin...” ibinulong lang ni April ang panghuli dahil alam nyang kapag narinig 'yun ng kanyang ate, magtatanong na naman ito at papagalitan na naman sya. Hindi nalang sya pinansin ni Grace dahil masyado itong busy sa pagpili ng mga damit.
“Oh! Ms. A—Aquilla?” Napatingin si Grace sa tinig na tumawag sakanya, iirapan pa sana nya ito ngunit nagulat sya nang makitang si Mrs. Camari ito. “O-oh, nice meeting you again. What brings you here, madame?” malambing na tanong nya. Patagong natawa naman si April dahil sa inasta ng kanyang kapatid. Ganito kasi ito nagpapakita ng respeto sa mga matatanda, kita nya rin ang muntikan nitong pag-irap kaya ganito nalang sya kung tumawa.
She excused herself and plan to go to Cr, pinayagan naman sya ni Grace kaya malaya syang nakapag ikot-ikot sa mall. Mamaya nalang sya babalik dahil alam naman nyang aabot sa isang oras na makikipag-usap ang ate nya sa matanda. Lalo na't mukhang close sila. Hindi nya alam na may kaclose pala ang ate nya na isang matanda. Mahina syang napatawa sa naisip.
BINABASA MO ANG
Wicked Vengeance
Romance"You can hit me once, but i can hit you thrice harder." Written by : 𑁍Revengnidneelims Cover made by: Lucifael