Kabanata 31

1K 34 1
                                    

Nandito kami ni Hirl sa basketball court ngayon kasi martes na naman at p.e na ulit.

Ngayon gagawin 'yung laban namin kontra sa section nina Jenna kasi foundation week last week so na suspende muna at ito na nga ngayon, matutuloy na.

As usual naka-sports bra na naman kami. Dahil wala pa ang teacher nasa tabi muna namin si Kiro at Jameson. Katabi ko si Kiro sa kaliwa katabi naman ni Hirl si Jameson sa kanan.

"Tata, 'wag kana kasing mag laro."

Kanina pa 'to si Kiro. Hindi ako papalaruin kasi baka daw matulad no'ng last game.

"Hindi nga ako nag-collapse kahapon, eh."

"We don't know what will happen, Tata."

"Kaya nga. Hindi natin alam ang mangayayari malay mo hindi ako mag-collapse, 'di ba?"

"What if din mag-collapse ka?" pakikipagtalo niya oa.

"Ang kulit mo naman, Kiro, eh." Kamot sa batok ko.

Kumapit siya sa braso ko. "Why are so hard headed, ha?"

"Mana sa 'yo." Tawa ko at ginulo ang buhok niya.

"Don't mess my hair." Ngumuso siya.

"Bakit? May pinopormahan ka ba para 'wag kong guluhin 'yang buhok mo?" Ngisi ko..

"None but I want to look presentable always."

"Alam mo, Kiro, bago ka magmukhang presentable, magmukha ka munang lalaki. Tingnan mo oh nakakapit ka sa braso ko." Humalakhak ako.

"Takot lang nila kapag pinag chismisan nila ako," bulong niya na hindi ko narinig.

"Ano?"

"Wala. Sabi ko nandiyan na si teacher. Balik na kami ni Jameson sa section namin." Ngiti niya tumayo. "Dahil matigas ang ulo mo, God bless na lang okay? Play well." Ngiti niya at bigla na lang akong ni-kiss sa cheek.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Pero halos mawalan ako nang malay nang nakita talaga ng dalawang mata ko kung pa'no magdikit ang labi ni Hirl at Jameson.

Narinig kong tumawa si Kiro kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Inggit ka? Don't worry kapag naging tayo na hahalikan din kita sa labi." Kindat niya at hinila si Jameson palayo sa 'min.

Hindi pa rin nag-sink in sa 'kin ang sinabi niya.

Kapag naging kami na?

Ano 'yun?

Hindi nga siya nanliligaw, eh?

At saka masama kaya ang nagki-kiss. Wala lang. Masama lang para sa 'kin. Lalo na sa public.

Pero teka, si Hirl!

"Hoy!" Hampas ko sa kaniya. "Ano 'yung nakita ko?"

"H-Ha?" Namumula siya nang malala.

"Wala sa sarili? Ano 'to palabas na pagkatapos halikan wala sa sarili?" Tawa ko.

"A-Ano, Talia, sorry..." Yakap niya sa 'kin bigla.

Kahit nabigla ay niyakap ko na lang din siya. Hinaplos ko ang likod niya.

"Bakit ka nagso-sorry?"

"'Wag kang magagalit sa 'kin, please?"

Pilit akong kumawala sa yakap niya at pinaharap siya sa 'kin.

"Hindi naman ako galit at saka hindi naman ako madaling magalit sa kaibigan ko."

"I don't know if you'll still treat me as a friend after this," malungkot na usal niya.

"Bakit parang ang seryoso mo naman ata?"

Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon