Kabanata 37

1K 29 3
                                    

One week na kaming nandito sa probinsiya namin. One week to go at aalis na din kami.

Ang bilis talaga ng panahon kapag gusto mong bumagal pero kapag nagmamadali ka bumabagal naman.

Hay.

Walang trabaho ang boys ngayon kaya naisipan kong dalhin sila sa sapa kung saan kami naliligo dati.

Malinis 'yun ah baka akala niyo. Doon nga lahat ng taga dito sa 'min naliligo, eh.

Lumalangoy 'yung mga marunong habang 'yung mga katulad kong hindi ay nasa gilid lang. Nagtatampisaw!

"Talia, doon sa dadalhan mo sa 'min, malalim ba?" tanong ni Hirl.

"Oo nga. Paulit-ulit na lang tayo, Hirl."

"Mabuti na lang at nagdala akong bikini. Perfect 'to."

"Ano? Hoy, sapa 'yung pupuntahan natin, hindi beach." Tawa ko.

"Sige na nga. Shorts at spaghetti, okay naman na siguro 'yun?"

"Pwede na 'yun." Tango ko.

"Teka, magbibihis lang ako. Wait for me." Kindat niya.

Hay.

Kanina pa naghihintay ang boys sa labas. Kanina pa kami dito ni Hirl. Ang dami niya kasing tanong.

Mabuti na lang at lumabas na siya.

"Tara?"

"Okay."

Bumaba na kami at tumayo na din ang boys mula sa pagkakaupo sa kahoy na upuan.

Gumawa kasi si Papa ng upuan para sa 'min. Kasi gabi-gabi daw kaming nasa labas tapos sa lupa kami nakaupo.

"Babe, ba't ka nagbihis?"

"Hay nako! Hayaan mo 'yan, Jameson. Magbi-bikini nga sana 'yan, eh." Tawa ko at naunang maglakad.

Syempre may mga snack kaming dala. Mayaman sila 'di ba? Kaya ayon, bumili lang naman ng tatlong plastic ng mga acidic foods at mga soft drinks.

Lalabas na picnic ang gagawin namin imbis na swimming.

Ang may dala ng pagkain ay si Alex, Richie at Jomarie. Sa soft drinks naman ay si Steph.

Si Kiro at Jameson ay sa mga bag namin ni Hirl. Wala eh, nagpapaka-hero na naman.

Habang kami ni Hirl? Wala. Prenteng naglalakad at kumakain ng Piatos na malaki, share kami.

Maraming mga puno ng kahoy ang dadaanan namin papunta doon. Pwede namang gamitin ang van pero hindi ako pumayag. Mas masaya kaya kapag naglalakad.

"Malayo pa ba?" hingal na tanong ni Alex.

"Hindi. Ayon, oh." Turo ko sa sapa na kitang-kita na namin.

"Okay. Tara!" Mgiti niya at nauna nang maglakad.

"Dahan-dahan, madulas, " paalala ko.

Madulas kasi sa daanan papunta sa sapa.

"Bakit nag-aalala ka sa 'kin?" Ngisi niya.

"Shut up, Alex! Keep walking!" singhal ni Kiro na tinawanan lang ni Alex at nagpatuloy sa paglalakad.

"Lagi ka bang nandito dati, Tali?" tanong ni Jameson nang malapit na kami.

"No'ng bata ako, oo. Pero no'ng lumaki ako madalang na. Nakakapunta lang ako kapag may nagyaya tapos kapag payagan, at no'ng lumaki na ako madalang na din akong payagan kasi nga dalaga na daw ako hindi na daw ako dapat umastang bata," pagku-kwento ko.

Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon