Kabanata 42

1K 30 2
                                    

"Lagot ka talaga kapag 'pag gising niyan hiwalayan ka."

"Oh, shut up! Imbis na makatulong ka diyan, tinatakot mo pa ako!"

"Pasalamat ka nga hindi ka niyan sinampal o sinuntok. Amazona pa naman 'yan."

"Bakit kasi nakalimutan kong tanggalin ang kamay ni Jessica, eh."

"Ang sabihin mo nagustuhan mo rin."

"Hoy! Hinding-hindi ko magugustuhan 'yun. Si Talia lang ang gusto kong humawak sa 'kin at wala ng iba."

'Yan ang rason kung bakit ako nagising. Ang boses ni Kiro at Jameson na nagtatalo.

Imbis na dumilat ay nagpanggap pa rin akong tulog.

"Eh, bakit nakalimutan mo?"

"Hindi ko nga alam basta naaalala ko lang no'ng nakita ko si Talia."

"Counted ba 'yon as cheating?" Kay Hirl yata na boses 'yon.

"Parang oo? Ewan. Basta ang alam ko magdasal ka na Kiro na 'wag kang hiwalayan ni Talia pagkagising niyan."

Bakit ko naman hihiwalayan si Kiro dahil doon?

"Sabi niya hindi niya ako iiwan."

"Nababali ang salita kapag may nagawa kang hindi tama." Sure ako na kay Richie na boses 'yon.

"Tama si Richie, Kiro. Matagl-tagal kaming nakatingin ni Talia kanina at kitang-kita namin na nakakapit talaga si Jessica sa 'yo na hindi mo man lang tinanggal ang kamay," ani ni Hirl.

"Nakalimutan ko nga, 'di ba? Kainis naman kasing babaeng 'yon, kapit ng kapit."

"Si Jessica pa ang sinisi mo na kung hindi ka nagpahawak hindi din naman 'yon kakapit ulit."

"Tumahimik na kayo. Kilala niyo naman si Kiro. Gentleman 'yan at ayaw makasakit kaya siguro hindi na tinanggal ang kamay ni Jessica."

Nandito din si Jenna? Kompleto ba silang nakabantay sa 'kin habang natutulog?

Nagkunware akong bumaliktad ng higa at naalarma agad sila.

At dahil maingay sila sa pagka alarma nila ay may rason na akong kunyareng nagising.

Dinilat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko at ang mukha nilang lahat na nakapalibot sa 'kin ang nakita ko.

"Oh, anong ginagawa niyo dito? Bakit kayo nakabantay sa 'kin?" taka kunwareng tanong ko.

Good actress kaya ako.

"Ah hinintay ka lang namin magising pero mukhang napilit ka naming magising dahil sa ingay namin," sagot ni Jameson.

"Ang iingay niyo nga. Lumabas nga ako at matutulog pa ako. Nakakapagod makipag away!" Inis kunyare na usal ko.

Kitang-kita ko kung paano nila tingnan si Kiro ng sabay-sabay kaya napatingin din ako kay Kiro.

"Oh, Kiro, lumabas muna kayo," pagsusungit ko kunyare.

Hindi ako galit sa kanina pero hindi din ako masaya. Alangan naman magpa-party ako, 'di ba?

Kung may pera lang sana kami, eh. 'De joke lang.

"Labas muna tayo, guys," aya ni Alex.

"Mabuti pa nga. Inaantok pa ako. Hirap magkaroon ng boyfriend na nagpapalandi lang, 'no?" Tawa ko kunyare.

Mabilis pa sa alas kwatrong lumabas silang lahat maliban kay Kiro na putlang-putla na.

"Ikaw din, Kiro, lumabas ka." Tinuro ko pa ang pinto para mas makakatotohanan ang acting ko.

Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon