CHAPTER 1: Neighbor

2 0 0
                                    

"Celine"

Pabulong na tawag sakin ng kaibigan kong si Avery. Kasalukuyan kasi kaming nasa library kaya hindi siya ngayon makasigaw. Umakto naman akong hindi ko s'ya narinig kaya patuloy parin ang pag tawag niya sa'kin.

"Celineee," Halatang mapipikon na 'to lumalakas na yung boses e. Pero dahil mabait ako, hindi ko pa din siya pinansin.

Nasa magandang part na ako ng pagbabasa nang biglang...

"Hoy Celine!" Malakas na pagtawag niya saakin at dahil dun madaming tumingin sa'min at yung iba ay masama na ang tingin. Ba't ko nga ba kasi dinala 'tong kaibigan ko dito, hindi nga pala 'to sanay manahimik.

"Library 'to, hindi ito school." Mataray na sita saamin ng librarian, mukhang maba-ban pa ako dito ng wala sa oras. Pero teka, parang familiar siya. Nakita ko na ba siya dati?

"Kaiven? You're Kaiven right?" Mukhang kilala din siya ni Avery dahil alam niya nga yung pangalan e. Matangkad ito, nakasuot ng specs at maganda ding pumorma. Pero may aura siya ng pagka-loner, GWAPONG LONER.

Hindi niya pinansin si Avery at nanatili pa ding malamig ang expression niya. Hindi niya sinagot ang kaibigan ko subalit tiningnan niya lang ito at
walang pagaalinlangang tinalikuran na kami.

"Aish, sungit." Pagrereklamo ni Avery, pero ngayong hininaan niya na yung boses niya. Takot na sigurong mapagalitan. "Gwapo sana."

"Sino ba yun? Familiar din siya sa'kin e," Tanong ko sa kaibigan. "Parang nakita ko na siya pero di ko alam kung saan, kailan, at papaano."

"Ano ka ba," sabay palo sa balikat ko. "Student librarian siya sa school natin at kabatch din natin siya." Napa-'ah' nalang ako with matching tango dahil parang natatandaan ko na din siya, "Palibhasa'y hindi ka pumupunta ng library,"

Tama siya, hindi talaga ako pumupunta ng library dahil napakalayo sa room namin noon. Eto lang naman si Avery ang nagtsatsagang pumunta dun e. Oo, hindi ko ikakaila na maingay siya pero matalino din naman kaya suki ng library.

Babalik na sana ako sa pagbabasa ng bigla niyang agawin yung librong binabasa ko. "Tama nayan, alis na tayo dito nababagot na ako." Pagrereklamo niya at halatang halata nga sa mukha niyang bagot na bagot na siya. "Dalawang oras na tayong nandito yung pwet ko malapit ng maflat."

"Diba sabi mo sasamahan mo din ako kung saan ko din gustong pumunta" Binawi ko ulit yung libro sakanya at bumalik sa pagbabasa. Nagpasama lang kasi si Avery sakin dahil bukas na yung pasukan namin pero ngayon palang siya bibili ng gamit sa school, sabi ko naman sasama lang ako pag sinamahan niya din ako. Pumayag naman siya kaya nandito kami ngayon.

"Kain tayo, libre ko" Bigla akong napatingin sakanya. Seryoso siyang nakatingin saakin habang tinataas baba pa ang kilay, at ang huling alam ko nalang ay nandito na kami sa isa sa paborito naming kainan ni Avery.

Hindi na kami nagulat ng madatnan naming madaming tao sa Cafe House. Sikat talaga kasi itong Cafe na 'to sa lugar namin dahil sobrang sarap ng mga produkto nila. Weekend din at wala pang pasok kaya medyo mahaba ang pila pero hindi namin yun inalala ni Avery. Nagpresenta ako na ako nalang yung mago-order kaya dumeretso na ako sa counter at pumila na din.

Hindi mawala ang tingin ko sa nagiisang blueberry cheesecake na nakadisplay at kanina ko pa talaga pinagdadasal na sana wala ng umorder nun. Halos ilang weeks na kasi ako nagkicrave nun at dito lang talaga sa cafe na 'to ako bumibili ng cake na yun, super sarap kasi e!

Yung nasa harap ko na yung magoorder. Mukhang hindi niya naman ata oorderin yun blueberry cheesecake eh. "One coffee latte, and cheese cak-. Ah no, blueberry cheesecake I mean."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now