Prologue

27 2 0
                                    

True and genuine friends are hard to find. Some of them come and go, some will just leave you behind. But still, there are few people who will remain at your side. A kind of friends who are willing to be your shoulder to cry on. A strong companion you can depend on during the darkest times of your life. A genuine embrace you could feel from them. And little by little, will make you feel at ease.

It's rare to find that kind of friendship, actually.

Iyong tipong kahit walang-wala kana at hindi mo na kilala ang sarili mo, may mga tao pa ring handang manatili. May mga kaibigan pa ring kayang tanggapin kahit ano pa ang mga naging pagkakamali mo sa nakaraan. Mga kaibigan na handang makinig at umunawa sa lahat ng problemang kinakaharap mo. Mga kaibigan na mahirap hanapin, mahirap bitawan at higit sa lahat, mahirap kalimutan.

Subalit minsan, nakakalimutan natin ang halaga ng pagkakaibigan kapag tuluyan na tayong nilamon ng galit at paghihiganti. Ang ilang taong pinagsamahan, masasayang kuwentuhan, matunog na halakhakan at maging mga problemang pinagsaluhan ay tuluyang natatabunan ng isang pagkakamali. May pag-asa pa kayang maibalik sa dati ang lahat? May pagkakataon pa kayang maayos ang samahang itinali na sa panghabangbuhay? Mayroon pa kayang pag-asang matupad ang mga pangarap na sama-sama nilang binuo? O pipiliin na lang nilang tapusin ang kanilang kuwento na hindi kasama ang isa't-isa. Dahil minsan, may pagkakaibigang kailangan nang tuldukan at hayaan na lang na panahon ang lumimot sa nakaraan.

Paano nga ba matutupad ang iisang pangarap ng apat na magkakaibigan gayong magkakahiwalay na sila sa kasalukuyan? Maaari pa kayang ayusin ang mga bagay na naging dahilan nang pagkasira ng kanilang samahan? Maibabalik pa ba ang walang hanggang samahan na sinubok ng mga maling desisyon at hindi tamang pagkakataon?

Pwede pa kaya?

Isang ordinaryong araw, habang may makulimlim na panahon. Sa apat na sulok ng isang sikat na restaurant, makikita ang isang babaeng abala sa pagtitipa sa kanyang cellphone. Nakaupo siya sa isa sa pang-apat na kataong mesa at upuan sa bandang sulok ng kainan sa lungsod ng Makati. Mahaba at itim ang kanyang buhok na nakalugay. Nakasuot din siya ng isang simpleng corporate attire, madali ring mapapansin ang suot niyang I.D na may logo ng isa sa pinakasikat na broadcasting company sa Pilipinas.

Habang abala sa pagtitipa ang naturang babae, eksaktong bumukas ang glass door ng restaurant at pumasok ang isang hindi katangkarang babae. Nagpalinga-linga siya sa paligid habang hawak sa kanang kamay ang black leather bag. Nakasuot siya ng beige na blouse at itim na slacks, nakasabit din sa kanyang leeg ang I.D bilang isang Faculty Member ng isang tanyag na paaralan sa Maynila. Mahaba rin ang kanyang buhok ngunit sadyang ipinusod kaya't lalong nadepina ang maamo niyang mukha. Ilang sandali pa ay natanaw niya ang hinahanap na abala pa rin sa kanyang cellphone.

"Ate Rafi!" aniya at naglakad papalapit sa babaeng tinawag na mabilis namang nag-angat ng tingin.

Kaagad na tumayo si Rafi at sinalubong ang papalapit na kaibigan. Bakas ang excitement sa kanyang mukha nang makita ito. Ilang buwan ring puro sa chats and video calls lang sila nagkakausap.

"Uy! Ada? Hi!" Rafi said and welcomed her friend a warm hug.

Masayang nagyakap ang magkaibigan na tila ba taon ang lumipas nang huli silang nagkasama at nagkita. Halatang na-miss nila ang isa't-isa.

"Ate Rafi, sorry kung nalate ako," sabi ni Ada nang maupo na silang dalawa.

Rafi just smiled at her and reached her hand.

"It's okay. Halos kakarating ko lang din," Rafi replied.

"Kumusta kana, Ate? Grabe! It's been a long time!" Ada seems joyful upon seeing her friend again.

The Infinite SquadWhere stories live. Discover now