Rafika Amalia heaved a deep sigh before walking towards the entrance gate of Ashford High. It's her first day in Senior High school that's why she can't help but to feel excited. She noticed few students whom she's familiar about because she's been studying at the said school during her Junior High years.
Ngunit, hindi pa rin niya mapigilang makaramdam nang kaba dahil alam niyang panibagong environment ang naghihintay sa kanya. Isa na siya ngayong Humanities and Social Sciences student ng nasabing paaralan. Habang sukbit sa kanyang balikat ang itim na leather backpack ay tinahak niya ang daan patungo sa faculty office.
"Good morning Ma'am!" masayang pagbati ni Rafika nang datnan ang kanilang magiging adviser sa faculty room.
Ngumiti naman ang ginang na nasa edad apatnapu't pataas na. Matagal na siyang nagtuturo sa Ashford High at isa si Rafika sa mga estudyanteng pinagkakatiwalaan niya. Consistent honor student kasi ito at madalas na kabilang sa Supreme Student Government officers. Nakikitahan niya ng potensiyal ang dalaga sa pamumuno sa mga kapwa nito estudyante.
"Rafika, can you help me accommodate new students?" Mrs. Costallejo asked while giving her a sweet smile.
Masayang tumango si Rafika bilang pagsang-ayon. Sadya talagang umagap siya sa pagpasok dahil alam niyang kakailanganin ng kanilang guro ng tulong. Nagpatiuna sa paglalakad si Mrs. Costallejo at sumunod naman sa kanya si Rafika.
"You will ask every student what strand or track they're belong." Mrs. Costallejo said when they reached the assigned tables and chairs located at the entrance of the SHS building. "Then, you'll distribute these flyers so that they'll find their respective classrooms and sections easily." She added then handed tons of flyers to Rafika's hand.
"Noted po, Ma'am!" Rafika energetically responded.
Bakas naman ang tuwa ng guro at tinapik pa ang balikat ng dalaga. Bilib na siya sa determinasyon nito na tumulong sa paaralan. May iilan nang mga bagong estudyante ang dumating kaya't naging abala na rin si Rafika. May mga kapwa niya rin SSG officers ang tumulong sa pamimigay ng flyers. Maya-maya pa'y nagpaalam na rin si Mrs. Costallejo na mayroon pang gagawin sa faculty office.
"Good morning! Welcome to Ashford High!" masiglang bati ni Rafika sa isang babaeng lumapit sa kinatatayuan niya.
"T-thank you.."
Ngumiti lang ito nang tipid at tinanggap ang flyers na binigay ni Rafika. Samantala, hindi napigilang pagmasdan ni Rafika ang babae sa kanyang harapan. Sa tantiya niya ay kaedad lang niya ito at posibleng kaklase pa nga. Maganda ang babae na mayroong maamong mukha na para bang mabilis lang siyang makagaanan ng loob. Mahaba rin ang buhok nito na bagsak at natural na kulay itim. Makinis ang kutis at mayroong mapupungay na mga mata.
"Enjoy and find your classroom there!" sambit ni Rafika nang papaalis na ang estudyante sa kanyang harapan. Muli itong tumango at nagyuko ng ulo, parang ayaw nang makipag-usap.
Sinundan siya ng tingin ni Rafika. Mukhang nahihiya at na-culture shock dahil halatang bago lang ito sa school.
"Ate Rafi! Ate!"
Halos mapatalon si Rafika sa kinatatayuan nang marinig ang malakas at matinis na boses sa di-kalayuan.
"Kai!" tugon niya at kumaway sa kaibigang patakbong lumalapit sa kanya.
"Ate Rafi, hindi mo naman sinabing maaga kang papasok!" ani Kai nang tuluyan ng mayakap ang kaibigan.
"Alam ko namang tanghali kana magigising." Bahagyang natawa si Kai sa sinabi ni Rafika. Talagang kilalang-kilala na nito ang kanyang ugali.
"Sabagay! First day rin kaya ganitong oras na rin ako pumasok."
Natawa at napailing na lang si Rafika. Si Kai o Kailani Mabel ay matagal na niyang kaibigan. Mula pa noong elementary ay magkakilala na sila at palaging magkasama sa mga kalokohan. Kaya lang, palagi silang magkaiba ng section at grupong kinabibilangan. Pala-kaibigan rin kasi sila pareho pero alam naman nilang kakaiba ang koneksiyon nilang dalawa. Marami man silang makilala, hindi pa rin nila nakakalimutan ang isa't-isa.
YOU ARE READING
The Infinite Squad
General FictionSynopsis In this world full of complications and uncertainties, it's very rare to find a genuine and pure friendship. Luckily, there are four people who found an endless bond and unexplainable connection towards each other in the midst of finding th...