Huling Pagkakataon

335 13 4
                                    

© TheGirlWhoFellHard 2012.

Like my Facobook Page --> TGWFH Stories

-

"Ayoko na, Zed! Pagod na ako! Palagi na lang tayong ganito! Mahuhuli kitang may kasamang iba tapos ano? Magdadahilan ka?" Umismid ako, "Sawang sawa na ako sa kakaintindi sa mga bulok mong palusot! Hindi ako tanga pero sa mga ginagawa mo sa'kin ngayon, iyon yung pinapamukha mo sa'kin.. Hindi ako tanga pero simula nung nakilala kita, tanga na kung tanga pero wala e.. Mahal talaga kita.."

Napaupo ako doon sa bench sa gilid ko, "Zed, 5 years.. to think na 5 years na tayo pero ano? Binalewala mo lahat. Yung tiwala ko sa'yo, yung loyalty ko sa'yo.." Hindi ko namalayan na may tumulong luha na pala galing sa mga mata ko kaya naman pinunasan ko ito at itinuloy ko yung sinsabi ko, "Pati pagmamahal ko, Zed.. binalewala mo. Binalewala mo lahat, Zed.." tumayo na ako at pinunasan ko yung mga luhang kumakawala sa mga mata kong pagod na pagod nang kakaiyak sa'yo.

Tumingin ako sa'yo, "Ayoko na. Tama na. Itigil na natin 'to. Tama na ang limang taon na pagiging tanga para sa'yo.. Eto na ang huling pagkakataong makikita mo akong umiiyak ng dahil sa'yo dahil eto na rin ang huling pagkakataon na makikita mo 'ko." Nagsimula akong maglakad palayo sa'yo pero tumigil ako nung hinawakan mo yung kamay ko.

"Rhianne.. please don't do this.. We can still fix this.." pagmamakaawa mo. Dahan dahan kong tinanggal ang mahigpit mong hawak sa kamay ko na pakiwaring dahan dahan ko rin na isinusuko ang limang taon na pinagsamahan natin. Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko kaya tumakbo ako papalayo sa'yo.

Mahal na mahal kita. pero bakit kailangan mo akong saktan ng ganito? Wala naman akong ginawa kundi mahalin ka ng buong buo pero bakit puro sakit ang binabalik mo sa'kin? Hindi na natin maayos 'tong problema natin, Zed. Mahal kita, pero siguro hindi pa sapat yung pagmamahal ko para sayo para tumagal pa ang relasyon natin.

---------------------------

Dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta ngunit kailangan ko ng makakausap dahil baka hindi ko kayanin kung lahat ng ito ay iipunin ko lang sa puso ko, pumunta ako sa bahay ng pinaka-matalik kong kaibigan. Nag-door bell ako ng dalawang beses at pinagbuksan ako ng isang katulong.

"Goodevening po, Ms. Rhianne. Pasok po kayo." sabi niya at yumuko sa'kin.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nagtanong, "Uhm.. nasan po si Angel?" tanong ko dun sa katulong.

"Ahh, nasa kwarto niya po, ma'am. Hatid ko na po kayo.

"Hindi na po kailangan.  Alam ko naman po kung saan yung kwarto niya."

Sabi ko bago niya ako nginitian at pumunta na ako doon sa kwarto ni Angel.

Kumatok ako sa pinto niya, "Best, pwedeng pumasok? Si Rhianne to."

May narininig naman akong mabilis na yapak papunta sa pintuan. Bumukas na yung pinto at bumungad sakin ang napaka masayahin kong bestfriend. 

"Rhianne! I heard what happened.." lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit "It's okay. Okay lang yan."

Eto yung gusto ko sa kanya. Sinasabi niyang okay lang kahit hindi naman talaga. Sinasbai niyang maayos pa kahit wasak na wasak na.

"Halika, pasok ka. I-kwento mo sa akin ang buong pangyayari at makikinig lang ako." sabi niya at nginisian ako. 

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon