Twitter

115 3 0
                                    

Tweets | July 24, 2014

Follow me on twitter (@TheTGWFH) and like my facebook page located on my profile! Thanks!

This story is fictional. The characters' names were based on real-life persons, however, their personal informations (age, school, relationship status etc.) weren't specifically used. Meaning, their names might be based on reality, but their personalities, ideals, charateristics and the like are pure fictional.

--**--**--

"Omg RJ! Tignan mo oh! Ang gwapo gwapo ni Jervy!" sabi ko at hinampas si RJ na katabi ko ngayon na nanunuod sa kaliwang braso bago nagtititili.

"Aray naman, Micah! Kailangan manghampas?" reklamo niya at hinimas yung braso niyang hinampas ko.

Kung tutuusin, dapat sanay na siya sa mga ganito dahil bestfriend ko siya. Sa kanya kasi ako nagsasabi ng mga nararamdaman ko kay Jervy dahil masyado akong duwag para umamin kay Jervy mismo.

Hindi ko siya pinansin at pinanood lang si Jervy habang sumasayaw.

Ang galing galing talaga ni Jervylabs sumayaw! Ang ganda ng pitik ng katawan niya tsaka yung pagka-payat niya, bagay na bagay sa kanya! Nakakadagdag ng appeal sa pagsasayaw.

"Go Jervy! Go Jervy! Go Jervy Jervy love!" hiyaw ko habang sumasayaw siya sa stage ng eskuwelahan namin.

Narinig niya ang hiyaw ko kaya napatingin siya sa direksyon ko at nginitian ako bago sumayaw ulit. Lahat naman ng babae sa harapan ko ay inakalang sila ang nginitian niya kaya nangingisay na sila sa kilig. Tsk, girls, wag feeling. Ako, ang asawa niya lang naman, ang nginitian niya.

"OMG RJ! NAPANSIN NIYA AKO! NGINITIAN NIYA AKO!" niyugyog ko si RJ sa sobrang kilig.

Ako, si RJ at ang tropa niya (VMG, John, Klarenz at Jervy) ay nagaaral sa iisang eskuwelahan. Lahat kami ay nasa Highschool na ngayon at ito ako, mahal na mahal si Jervy, na mahal na mahal rin ng ibang mga babae dito kasi sikat silang magtotropa.

"Tss.. sige, umasa ka pa. Para mas lalo kang masaktan sa huli." utas niya.

Sa kasamaang palad, nainlove ako sa isa sa kanila. At si Jervy 'yon. 3rd year na ako ngayon, at bale crush ko si Jervy eversince 1st year ako. Pero sa mas kasamaang palad, hindi niya ako asawa. Hindi niya ako girlfriend, at mas lalong hindi niya ako mahal.

Kasi hanggang kaibigan lang raw.

Kinagabihan, binuksan ko ang twitter ko at ang unang tumambad sakin ay ang tweet ni Jervy na nagdulot ng sakit sa puso ko.

"@JervyDLR: Goodnight babe, I love you. Tulog ka na rin, huwag kang magalala dahil bukas, mahal pa rin kita. @mikhaelabiluur :*"

Oo, ang tanging lalaking mahal ko ay may mahal na iba. At ang masaklap, mahal rin siya ng babaeng mahal niya.

Bakit kailangan ako pa ang masaktan kung wala naman akong ibang ginawa kundi ang magmahal?

Iniscroll ko lang ang timeline ko dahil hindi ko kayang makita iyon nang nakita ko naman ang tweet ni RJ.

"@RJRamoss: Minsan, kailangan mo lang tanggapin na extra ka lang sa love story nila."

Ni-quote tweet ko iyon at sinabi:

"@RJRamoss: Minsan, kailangan mo lang tanggapin na extra ka lang sa love story nila." ikr, bestfriend. :(

Maya maya, nakita kong nagtweet siya. Teka, bakit hindi niya ako nireplyan? At saka bakit ganito ang tweet niya?

"@RJRamoss: Oo nga naman RJ. Hanggang bestfriend ka lang."

--**--**--

Sa kanilang limang magtotropa, si RJ ang pinaka-mailap sa 'fans' niya. Siya yung Mr. Masungit. Siya lang yung tipong 'snob' at hindi nageentertain ng fans nila. Hindi naman sila sikat nationwide, kaso sa school namin, sobrang sikat sila dahil heck, ang gagwapo kaya nila!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon