Hindi Naman Pala

113 4 1
                                    

Hindi Naman Pala by TheGirlWhoFellHard 2014 ©

Like my Facebook page: TGWFH Stories

Follow me on Twitter: @theTGWFH 

Tweet with the hashtag #HindiNamanPala 

--

Nandito kami ngayon, nakaupo sa bench ng park malapit sa school namin. May puno sa likod namin kaya naman yung mga sanga niya ay naiiwasan ako sa sinag ng araw. Gayunpaman, nasisinagan pa rin ako ng konti.

Mahangin ngayon. Feel na feel ko nga yung hangin na umiihip sa buhok ko eh. Parang nasa music video lang ako.

Magsasalita na sana ako nung bigla akong tinapik sa balikat ng katabi ko.

"Bridgette! Tara punta tayo ng SM mamaya. Sunduin kita sa inyo. Mga 4:00 pm." sabi niya sakin.

Napatingin ako sa kanya. "Oh? Ano naman gagawin natin dun, Migoy?"

"Wala lang." ngumiti siya ng sobrang laki, "Date tayo." sabi niya sabay kindat tapos inakbayan niya ko.

Nang dahil sa pag-akbay niya, napasandal ako sa dibdib niya.

dug dug.dug dug.

Hindi yan pintig ng puso niya.

Kundi pintig ng puso ko.

Ang tanging hiling ko lang ngayon ay sana hindi niya marinig ang malakas na pintig ng akin puso. Ang lapit niya kasi sakin.

Bakit kaya yung puso niya.. Hindi malakas yung pintig? Hindi niya ba talaga ako magugustuhan? O manhid lang ako para maramdaman na gusto niya ako?

"So ano.. payag ka?"

Sa mga ginagawa niya sakin, parang gusto niya ako, e. Tulad nito, naka-akbay siya sakin ngayon in public. Diba gawain lang 'to ng mag-syota?

"A-ahh a-ano kasi.." hindi ako makasalita ng maayos. Yung puso ko kasi, e. Parang.. di ako makahinga sa sobrang bilis at lakas ng pintig niya..

Lagi namang ganyan eh. Lagi naman ganyan yung puso ko kapag katabi ko siya, kinakausap ko siya, o anumang gawain na kasama siya. Siguro ganito talaga yung epekto niya sakin.

"Ops! Bawal tumanggi sa bestfriend. Sige na, minsan lang, e. Treat ko naman, e."

Kahit marami akong assignments..

"A-ahh s-sige. Mamayang f-four ah." 

Pumayag ako.

"Yes! Sabi na nga ba eh, hindi mo ko matatanggihan eh." ngumisi siya kaya nginisian ko rin siya.

Ano ba ang ineexpect mo?

Tinanggal ko yung pagka-akbay niya sakin at tumayo. "Sige na, uwi muna ako. 2:30 na oh. Baka hinahanap na 'ko ni ate Shaina."

Ngumiti siya kaya naman yung singkit niyang mata ay lalong sumingkit. "Sige. Tell her I said hi, okay?"

"Okay. Sige na. Bye!" kunaway ako sa kanya.

Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang maglakad.

Nung malayo layo na ako sa kanya, tinuloy ko na yung sinasabi ko sa isip ko kanina pa..

Napangiti ako ng mapait."Ano ba ang ineexpect mo? Mahal ko eh."

--

3:30 pm

Nakadapa ako ngayon sa kama ko habang ginagawa ko yung iba kong assignments. Minamadali ko na nga lang, e. Syempre, yinaya ako ni Migoy lumabas kaya hindi ako dapat tumanggi doon.

Wag niyo kong tularan, a? Pag niyaya kayo ng taong gusto niyo tapos may assignments pa kayo... tumanggi kayo ah? Dapat inuuna ang pagaaral kesa sa landi! 

Nagulat naman ako nung biglang nagvibrate yung phone ko. Tinignan ko yun. May nagtext sakin. 

"Bumaba ka na."

Ayan yung text sakin ni Migoy. Nagmadali naman akong bumaba. Hindi ko na nga inayos yung mga gamit ko sa kama, e. Kanina pa nga rin ako nakabihis ng dahil sa excitement, e.

"Migoy!" bati ko sa kanya pagka-labas ko ng gate namin.

Naka-itim na v-neck siya ngayon kaya ang hot niyang tignan. Magulo rin yung buhok niya na naka-style pataas at naka-pamulsa siya ngayon.

"Tara?" aya niya sakin nung nasa harapan na niya ako. Naglahad siya ng kamay sakin ngunit hindi ko alam kung tatanggapin ko ba 'to o hindi.

Napansin niya yata iyon kaya siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at itiniklop ang kamay niya doon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng kulisap sa tiyan ko.

Napangiti ako.

Hawak hawak niya ang kamay ko habang nilalakad lang namin yung SM. Kapag tatawid kami, aalalayan niya ako kaya kinikilig ako. Siguro nga napapansin niya na namumula na ang mga pisngi ko ngayon kasi tuwing tumitingin siya sa'kin, napapangiti siya.

Habang nasa SM kami, napansin ko na ang daming tumitingin kay Migoy. Sino ba namang hindi mapapatingin sa kanya? Agaw pansin kaya ang kagwapuhan niya. Hindi ko tuloy mapigilan maging proud sa sarili ko kasi habang naglalaway ang ibang babae sa kanya, eto ako, hawak ang kamay niya. Ang saya. Ang saya saya ko kasi kasama ko yung lalaking mahal na mahal ko noon pa man.

Ginawa namin ang lahat na pwedeng gawin sa loob ng mall. Naglaro kami, tinuruan niya ako magshoot ng bola ng basketball sa arcade, bumili kami ng couple bracelets.. lahat. Kaya hindi ko naman mapigilan ang kilig ko. Migoy, mahal mo rin ba ako?

Siguro ito na yung tamang oras para umamin ako.

"Migoy.." sabi ko habang kumakain kami ngayon ng icecream sa foodcourt.

"Bakit?" sabi niya at nginitian ako. Ayan na naman po ang puso kong nagwawala sa loob ko. Kumalma ka.

"Tutal naman, mag-aapat na taon na tayong magkaibigan. May gusto akong sabihin sa'yo." sabi ko. Sana hindi niya mahalata na kinakabahan ako ngayon.

Nakatingin lang siya sakin habang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

Bumuntong hininga ako, "Migoy, gu-"

Pinutol niya ako, "Ay! Ako rin pala may sasabihin sa'yo! Pwede bang ako muna? Hindi ko na kasi kayang itago 'to sa'yo, e.." sabi niya at napa-iwas ng tingin sakin.

Oh god.. ito na ba yun? Aamin na yata siya sakin..

Halos mapunit na yung labi ko sa sobrang lapad ng ngiti ko, "Sige, sabihin mo na." sabi ko ng nagtatago ng kilig.

"Ano kasi.. Tutal nga.. yun nga. Mag-aapat na taon na tayong magkaibigan.. Ano.."

Hindi niya ako matignan sa mata. Naluluha na ako sa sobrang tuwa ngayon. Kagat kagat ko na rin ang labi ko kasi hindi ko mapigilan yung ngiti ko.

"Pwede bang tulungan mo ako sa ate Shaina mo? Aakyat kasi ako ng ligaw sa kanya.."

Halos mabasag ang puso ko sa narinig ko. Si ate Shaina? Yung ate ko pa? Bakit hindi na lang ako? Ako naman yung laging nasa tabi mo, diba? Bakit kailangan maghanap ka pa ng iba?

Naramdaman kong nagingilid na yung luha sa mga mata ko pero ngumiti pa rin ako, "Ay syempre, tutulungan kita.. ano ka ba. Syempre.." mahal kita, e.

"Talaga? Grabe, ang tagal ko ng tinatago 'tong nararamdaman ko, e! Yes! Shaina.. mapapasakin ka na!" tuwang tuwa siya.

Napangiti na lang ako ng mapait. Tuwang tuwa siya.. sa piling ng iba.

"Ano nga pala yung sasabihin mo?" tanong niya sakin.

Umiwas ako ng tingin sa kanya, "Ay wala. Hindi na mahalaga yun."

Ngumiti lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.

Oo, Migoy. Hindi na mahalaga ang nararamdaman ko para sa'yo.. lalo na't may nagmamay-ari na pala ng puso mo.

Ako nga pala si Bridgette. At tulad ng pangalan ko, siguro hanggang tulay lang talaga ako.

Masakit, oo. Pero kasalanan ko 'to. Kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ngayon. Nag-expect kasi ako na ako yung mahal niya.

Hindi naman pala.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon