PROLOGUE

16 1 1
                                    

Sa panahon ngayon ang mga kabataan ay nahihilig sa mga makabagong teknolohiya kaya ang mga libro ay hindi na nabibigyan pansin.


"Mia Signora, nanganganib na ang ating pinapangalagaan at iniingatan ng mahabang panahon dahil sa mga nauusong makabagong teknolohiya na ginawa ng mga bagong henerasyon ngayon upang mas mapadali ang kanilang pamumuhay."

Ang sabi ng aking pinakamamahal na tagapagbantay na aking naging sandalan at gabay sa mahabang panahon na ako ay namamalagi dito sa mundo upang maging tagapangalaga ng mga aklat.

"Kung gayon wala na akong pagpipilian pang iba, kinakailangan ko nang gawin ang huli nating alas upang mapanatili ang ating mga inaalagaan at ang buhay ng mga ito. Kailangan na nating sumugal at magsakripisyo para sa mundo na ating gingalawan."

Ang sabi ko sa kanya kahit alam kong tututol siya sa aking pasya.

"Ngunit mia signora alam nyo ang magiging kahihinatnan ng inyong pasya kaya ako ay tumutol dito. Alam kong marami pang paraan upang maiahon natin ang ating pinagkakaingatan, kaya ako ay humihilng sa iyo na bawiin mo ang iyong pasya."

Ngunit buo na ang aking pasya na gawin ang dapat gawin upang maibangon muli ang aking mga pinagkakaingat-ingatan.

"Pero ito nalamang ang paraan upang tayo ay makaahon. Sa tinagal ng panahon natin ay ngayon lamang bumaba ng husto ang tingin ng mga tao sa mga libro. "

"Haysss kung yan ang iyong nais ay hindi na ako makikipag argumento pa sa iyo. Alam kong nais mo lamang maibalik ang sigla at saya na naihahatid ng mga libro."

Ang sagot niya sa akin bago unti-unting nilasan ang lugar kung saan kami nag-uusap. Ngunit bago pa man niya malisan ang lugar ay may sinabi akong tiyak kong kanyang ikinatigil at ikagulat.

"Maghanap ka ng pitong babae na magiging tagapagligtas natin. Mahilig sa mga libro at higit sa lahat ay may pagmamahal para rito. Ibigay mo rin sa akin ang mahiwagang Libro. Ang BOOK OF MAGIC."




***

Hi Bloomers!!! It's been a while since I last updated. Marami kasi akong gingawang school stuff lalo na ngayon na patapos ang aming school year. Sa wakas after how many months of module ay makakapagpahinga rin. 

Stay Safe at Home mga Bloomers...

Book Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon