Kabanata 21

135 13 11
                                    

"Papa! Bakit hindi mo binanggit sa akin na si Ronnie pala ang nakabili ng motorparts?!"

Galit man ang tono ng boses ko ay alam ko namang sa loob ko hindi ko iyon sinasadya. Nagulat lang talaga ako roon at hindi iyon naikwento ni Papa sa akin kahit apat na taon na ang nakalipas.

"Hindi ka naman nagtanong anak kung sino" narinig kong nagpipigil siya ng tawa.

"Pa I know you want to laugh let it out" umirap ako sa kawalan "Magkano ang ibinigay mong presyo"

"Just enough to pay our hospital bills" sagot niya "Kailan ba ang uwi mo rito? Nakahanap na ako ng lugar kung saan mo pwedeng ipatayo ang restaurant mo"

Hindi ko pa pala naikwekwento kay Papa na dito ko na sa Manila ipapatayo. Dahil hindi pa naman ako sigurado at maraming pumapasok na bagong problema sa isip ko kaya hindi ko na muna sinabi.

Nagpaalam na ako kay Papa at ibinilin ko sa kanya na sasabihin ko na lang kung kailan ako uuwi at hindi na niya kailangan sunduin ako magcommute na lang para makatipid.  Bukod sa gas ay maghahanap pa kami ng driver na available sa araw na iyon. 

May schedule ako sa araw na 'to.  Iche-check ko ang lupa na nabili ko malapit sa gas station. Si Nixus ang nagprocess lahat ng mga papeles bago naitransfer sa pangalan ko.  Noong una ayaw ko sana siyang istorbohin pa.  Pero dahil wala naman akong malalapitan na iba ay kinapalan ko na lang ang mukha ko. 

"Are you going to check it today?" he asked.  Nakaloud speaker iyon dahil busy ako sa pag-aayos ng buhok ko. 

"Oo.  Hindi mo na ako kailangan samahan pa." inunahan ko na siya.  Alam ko naman kasing pipilitin na naman niya akong samahan. 

"I'm not going to accompany you.  May date kami ni Arissa" he laughed. 

I've been abroad for four years. At sa apat na taon na 'yon.  Nixus already found his better half.  Nakakainggit man pero wala pa iyon sa plano ko ngayon. 

"Kailangan ba talagang ipamukha mo sa akin na may jowa ka?" umirap ako kahit hindi niya man nakikita. 

"Someone is waiting.  Hindi mo lang kasi napapansin."

I sighed hearing that.  Alam ko na kung sino hindi na niya kailangang pangalanan pa. 

"Oo na sige na Nixus kailangan ko ng umalis. Bye!!!!"

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at agad ko na iyon pinatay.  Wala ako sa mood para pakinggan ulit ang pang-aasar niya. Nadala na ako.

Kung hindi man successful ang pag-ibig ko sana naman ay successful ang darating na negosyo ko.

Nag-taxi na lang ako papunta sa lugar.  Hindi naman kalayuan kaya hindi rin ako nainip.  Nang makarating ako roon ay siya namang pagdating ng isang sasakyan. 

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ni Ronnie.  May dala siyang pala/panghukay at may asul pang ribbon na nakatali.  May dala rin siyang hard hat na dalawa at nakasabit na camera sa kanyang leeg. 

Hindi na ako nag-dalawnag isip pa para  lapitan siya. Ang kultong 'to hindi man lang napapagod kakahabol.

"What are you doing here?!" pagalit kong tanong.  Ihahampas ko sana sa kanya ang bag ko pero nakailag naman siya.

"Welcoming your future restaurant" he smiled widely. Akala niya ay madadala ako sa pangiti-ngiti niya.

"And how did you find me? I mean paano hah?! Paano!!!!" I crossed my arms.

"Basic! I asked Nixus!"

"Titignan ko lang ang kabuuan Ronnie.  Saka na ang pagwelcome." tinalikuran ko siya. Anong gusto niyang gawin namin iwelcome ang future restaurant ko ng kaming dalawa at sa tingin niya ay ngingiti ako sa pagkuha niya ng litrato.  I mean why would I do that. Tssss.

The SettlementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon