0010

325 21 0
                                    

Raine's Pov

Naniniwala ako na lahat mababago
Naniniwala din ako na walang imposible basta naniniwala ang tao
Kaya hayaan mo akong maniwala sinta ko
Na balang araw mamahalin mo ako gaya ng pag mamahal ko sayo

-Justin your future

Basa ko ulit sa note kumakain ako ngayun

Ano ba toh ang corny mo Justin De Dios

Ganito ba siya manligaw sure ako di pa toh nasasagot ng kahit sino

Nagulat nalang ako nang biglang hinablot ng nanay ko ang note

"MY GOLLY anak sabihin mo kina Jairah at Jhenalyn may handaan bukas dito eat all you can" sabi pa niya ag ikinalito ko

"Hah bakit naman ma wla namang birthday bukas" ani ko at sumubo ng pag kain

"Icecelabrate natin ang muling pag kabuhay ng pagi giging babae mo WAHHH MAY JOWA NA NA LALAKI ANG ANAK KO" sabi pa niya

Nabulunan naman agad ako

"Ma tubig! Tubig!" Wika ko

Ano na naman ang naisip ni Mama at napasok yun sa utak niya

Kaka nood niya toh ng TV ehh

Sinalinan naman niya ako ng tubig sa baso at binigay sa akin

Nilagok ko lahat ng mga iyun saka tinignan ng masama si Mama

"Ma wala akong jowa na LALAKI ANG hanap ko ay Jowa na BABAE" napaismid naman siya

"Ehh ano tung note na may naka sulat na Justin your future sa huli ahh" nag isip naman ako ng idadahilan Kay mama

Ano nga ba self isip isip dali

"Ibibigay ko yan sa nililigawan ko at...." Sabi ko pa sa kanya

"At Justin ang ginagamit kong pangalan" dagdag ko pa

"Oo Justin ang gamit ko na pangalan" tsk self why so talino?

"Bakit naman Justin hah ang dami namang pangalan jan?" Tanong naman niya

"Kasi Justin gwapo"

Yuck san banda san napunta kagwapohan nung Justin na yun

"Matalino"

Utak nga niya may ubo tapos kung manligaw tula gamit tsk

"Habolin ng babae"

Oo mang aagaw siya ng chix mang aagaw

"Pero loyal" huling sambit ko

Sana naman galing ahh wala ni isang katangian si Justin dun ampork chop

"Sayang dodoblehin ko pa naman ang baon mo"

Napa tingin naman agad ako kay mama at bakas sa mukha niya ang pag ka dismaya

"Sayang dodoblehin ko pa naman ang baon mo"

"Sayang dodoblehin ko pa naman ang baon mo"

"Sayang dodoblehin ko pa naman ang baon mo"

"Ma Oo ma sa manliligaw ko galing yan ang corny ma noh sobra my golly"

Bigla naman siyang napangisi na parang demunyu

"You mean totoong may manliligaw ka"

Tumango naman ako

Kapag baon na ang pinag uusapan wala ng atrasan

"KYAHHHHHH"

Self I hate you nasilaw ka sa pera huhuhuhu

TitibotiboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon