PROLOGUE

236 10 1
                                    

Medyo iibahin natin ang ibang pangalan ng mga characters. Hindi naman ibang iba, minsan yung mga middle names nila. Thank you :)

---------------------------------

"Boss, nandyan na si Chan sa labas. Anong gagawin natin?" ramdam ko ang takot sa boses ni Joon habang sinasabi niya ang salitang yun kaya napangisi nalang ako.

"Natatakot kaba kela Chan?" tanong ko dahilan para magbago ang reaksyon ng mukha niya at mapatindig siya ng ayos.

"P-po?"

"Anong pake ko kung nandyan sa labas si Chan at ang mga bata niya? Hindi nila tayo kayang talunin kaya wag kang matakot"

"Boss hindi po ako ta---"

"You are" tumayo na ko mula sa kinatatayuan ko at tsaka kumuha ng bubble gum sa may bulsa ko at nginuya ito tsaka ko humarap sa mga bata ko na halatang natatakot. "Natatakot ba kayo?"

Nagtaka ang mga reaction nila at nagkatinginan sabay iling. "Hindi ko kayo kinuha bilang maging mga bata ko para maging duwag!" sigaw ko. "Alam kong hindi niyo maiiwasang matakot dahil mahigpit talagang kalaban sila Chan pero wala tayong magagawa kundi lumaban, naiintindihan niyo ba ko?"

"Y-yes boss" sabay sabay nilang sagot at napatingin nalang ako sa labas ng kampo ko.

Hindi ako papayag na maulit ang nangyari noon, kung kailangan kong unti unting parusahan si Chan ay gagawin ko.

---------------------------------

"Pengeng pera!"

"Wala nga kong pera ano ba!"

"Anong wala? Nagtrabaho kapa! Lagi mo nalang dinadaing na wala kang pera"

"Aba kasalanan ko pa ngayon? Kung hindi mo sana inuubos yang pera mo sa pagsusugal edi sana mayaman na tayo ngayon!"

"Wala kang pake sa ginagawa ko"

"Edi wag ka ding humingi sakin ng pera, wag na nating paki alaman ang isa't isa. Sawang sawa na ko sa buhay na to!"

"Mas sawa na ko"

Napatulala nalang ako sa may kisame habang nakahiga sa kama ko ngayon dahil sa bungad sa umagang pag-aaway na naman ni Mama at Papa. Sawang sawa na ko sa buhay namin, palagi nalang ganito ang nangyayari.

"KIM TAEHYUNG! GUMISING KANA DYAN MALELATE KANA SA SCHOOL!" malakas na sigaw ni Mama pero hindi pa din ako bunangon. Ano pang purpose ng pag-aaral ko kung nawawalan na ko ng gana sa lahat ng bagay? Gusto ko nalang tumigil pero pinipilit pa rin ako ni Mama.

Napatayo nalang ako sa kama ko at tsaka napahilamos sa mukha, kinuha ko na ang tuwalya sa may upuan at nagtungo na sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis na ko ng uniform tsaka na lumabas ng kwarto. Naabutan kong naglilinis ng bahay si Mama kaya lumapit na ko para magmano.

"Aalis na po ako" sambit ko tsaka kinuha ang kamay niya at nagmano.

"Sige mag-ingat ka, mag-aral ng mabuti para hindi ka matulad sa Papa mo na puro sakit nalang ng ulo ang binibigay" inis na sabi niya at tumango nalang ako tsaka na lumabas ng bahay. Kinuha ko na ang bike na nasa garahe namin at pinaandar na ito patungo sa School. Medyo nakakapagod magpidal lalo na't malayo layo ang school ko sa bahay namin, sanayan nalang talaga.

7:30 am

Pagkapasok ko ng school ay saktong tumunog ang bell pahiwatig na nagsisimula na ang klase. Wala akong pake kung late na ko, araw araw ko naman tong ginagawa dahil wala na talaga kong interes sa pag-aaral kung di lang talaga mapilit si Mama ay matagal na kong tumigil.

Quite InnocentWhere stories live. Discover now