CHAPTER 9

34 8 4
                                    

Goodevening my lovely readers, sorry if the updates are taking too long. I was just too busy and i'm enjoying my life to the fullest ^,^ i hope y'all understand.

                       

                             ------

TAEHYUNG'S POV

"Ano? Sa hotel mo natulog yung sinuntok mo nung isang araw?" gulat na tanong ni Namjoon at tumango nalang ako tsaka pinatalbog ang bola na hawak ko at shinoot sa ring at pumasok naman ito.

Simula na kasi nang pagpapractice namin ng basketball. Pumasok talaga ko ng maaga dahil ayoko ng makita pa ang pagmumukha ni Jungkook na iniwan kong natutulog kanina. Tss, ewan ko lang kung gising na siya. Doble doble ang hirap ko sa kanya kagabi at ano ano pang sinasabe na nagpainis lalo saken.

"Okay boys, magpahinga muna kayo at magsipasok sa mga klase niyo, mamaya nalang ulit tayong lunch break magpapractice" pag aannounce ni coach at nagsitanguan naman kami, kinuha ko na ang mga gamit ko sa isang tabi tsaka kami sabay naglakad ni Joon patungo sa classroom.

"Taehyung!" napahinto ako nung marinig ko ang pamilyar na boses na yon. Not again pls. Hinayaan kong lumapit sakin si Jungkook na nasa likod ko at nung makarating na siya sa harap ko ay dahan dahan ko siyang tiningnan, kitang kita pa din sa mukha niya ang pasa na ako ang may kagagawan.

"Boss, maiwan ko muna kayo kelangan niyo atang mag usap" paalam ni Joon pero agad akong nagsalita dahilan para matigilan siya.

"Dito kalang" sambit ko. "Kung wala ka namang sasabihin, maaari kanang umalis sa dadaanan namin" baling ko naman kay Jungkook na hindi mapakali ang itsura.

"Uhm... Gusto ko lang sanang m-magpasalamat dun sa kagabi, sorry sa istorbo" sagot niya.

"Sa susunod na maglasing ka pwede bang wag mo na kong istorbohin? Mas lalo lang kasi akong naiinis sayo" medyo may diin na sabi ko at napatungo naman siya.

"I-i'm sorry talaga, hindi na mauulit. Hindi ko na kasi alam ang nangyari kagabi, kung ano mang mga nagawa ko kagabi i'm sorry ulit i mean it. Pero natatandaan ko na sinabi ko kay Yoongi na dalhin niya ko sayo at nawalan na ko ng malay non at di-"

"Wala kong pake sa paliwanag mo kaya pwede bang umalis kana sa dadaanan ko?" pagpuputol ko sa sinasabi niya dahil wala naman talaga kong pakeng makinig sa mga nonsense words niya.

Hindi niya na ko sinagot at tumabi nalang sa gilid at tsaka ko naglakad ng mabilis papunta sa classroom namin. Nung makarating na ko sa room ay inis na umupo ako tsaka tumitig sa labas ng bintana.

"Boss, sino ba yung nakausap mo kanina? Parang ang laki naman ng galit mo sa kanya?" tanong ni Joon pero di ko siya sinagot. "May ginawa ba siyang masama sayo? Sabihin mo lang samin kami na reresbak don. Pati diba pag may galit ka sa isang tao kulang nalang isumpa at patayin mo na? Tas papahirapan mo pa araw araw? Gawin mo din kaya yun sa kanya-"

"Hindi ko kaya!" bigla kong naisigaw dahilan para matigilan ako at nakita ko na napatingin din samin ang mga kaklase ko kaya napatingin nalang ulit ako sa labas ng bintana.

"What do you mean na hindi mo kaya boss?"

"Nevermind, manahimik kana lang dyan" inis na sagot ko at sinunod niya naman ako. Maya maya ay dumating na din si Prof at nagsimula ng bagong lesson, dahil sa determinado kong may ipagmalaki kay Mama ay nakinig na ko sa klase ni Ma'am at sumasagot sa mga question niya tuwing alam ko, maski siya ay nagugulat sa ginagawa ko ngayon.

"Boss, tara na ulit sa court" aya ni Joon at tinanguan ko naman siya tsaka kinuha ang bag ko kung nasaan ang mga t-shirt na isusuot ko. Naglakad na kami patungong court pero hindi pa man kami nakabababa nang hagdan ay natigilan kami ni Joon nung may narinig kaming sigawan mula sa baba.

Quite InnocentWhere stories live. Discover now