CHAPTER 8

38 9 4
                                    

TAEHYUNG'S POV

"Boss! Nadikit na ni Mrs. Park yung mga grades natin sa bulletin board" tuwang tuwang balita sakin ni Namjoon na kakapasok palang sa classroom kaya agad akong napatayo at nauna siyang maglakad palabas tsaka ko sumunod.

Ewan ko kung bakit gustong gusto kong makita ngayon ang resulta ng exam ko pati ng grades ko, noon naman ay wala akong pake kahit mataas pa ito o mababa.

Pagdating namin ni Joon sa bulletin board ay maraming ng tao kaya nakipagsiksikan na ko sa kanila tsaka ko hinanap ang pangalan ko.

G10

46. KIM TAEHYUNG -

Exam result - 25/100
Average - 78%

"What???" malakas ko nalang na nasambit nung makita ko ang grades ko na mababa pa din. Naiinis ako at hindi ko alam kung bakit apektado ako ngayon sa resulta ng exam?

"Boss!" tawag ni Joon kaya umalis na ko sa dagsaang tao at lumapit sa kanya na walang ekspresyon ang mukha. "Ano boss? Tumaas naba ang grado mo?"

Hindi ko na siya nagawang sagutin dahil sa inis, kusa nalang lumakad ang mga paa ko sa taong inasahan kong magpapa angat sakin. Paniguradong sesermonan na naman ako ni Mama pag nalaman niya to at ayoko na yung mangyari, gusto kong matuwa naman siya kahit papaano at makalimutan ang mga problema namin sa simpleng pag improve ng grades ko.

Magagawa ko sana yon kung tinuruan ako ng ayos ng inaasahan kong tutor. Tanging mga tinuro niya lang sakin ang sinagot ko sa exam dahil pinagkatiwalaan ko siya pero mas lalo akong bumagsak.

"Jungkook!" sigaw ko nung makita ko siya kasama ang kaibigan niya at napahinto naman siya sa paglalakad, nung dahan dahan niya na kong lingunin ay tsaka ko siya nilapitan. Hindi ko alam kung paano ko ieexpress ang nararamdaman ko ngayon. "I don't want you to be my tutor again" huli kong sambit bago ko siya pakawalan ng malakas na suntok sa mukha dahil sa inis dahilan para matumba siya.

"What the--- Jungkook!" sigaw nung kaibigan niya tsaka inalog alog si Jk. Natigilan ako nung makita kong nawalan siya ng malay. "Tulonggggg! Jungkook wake up!"

"Boss, bat mo yun ginawa? Napalakas ata yung suntok mo!" nag-aalalang sambit ni Joon na nasa tabi ko na pala, hindi naman agad ako nakaimik dahil sa kaba. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon, kanina nainis ako dahil lang sa mababa kong grades na dati naman ay wala akong pake kahit ano pang resulta! At ngayon naman, sinuntok ko si Jungkook at nakaramdam ako ng kaba at guilty pero noon naman ay kahit sinong awayin ko kahit na mapatay ko pa ay never akong nagsisi.

"Bat mo yun ginawa?" napatingin ako sa kaibigan ni Jk ng bigla niya kong sigawan habang patuloy niya pa ding inaalog si Jungkook. "Bat mo siya sinuntok? Ano bang ginawa niya sayong masama?!" dagdag niya pa at saglit pa kong natulala bago ko mapailing at wala ng nagawa kundi buhatin si Jungkook sa likod ko at dalhin siya sa clinic dahil wala na namang ibang gagawa pa non.

Naramdaman ko naman na sumunod sakin si Namjoon at yung kaibigan ni Jungkook kaya mas binilisan ko ang pagtakbo kahit na nabibigatan ako dito sa buhat buhat kong isang beses ko lang sinuntok pero nahimatay agad. Kainis dagdag trabaho pa.

Pagdating namin sa tapat ng clinic ay sinalubong agad kami ng isang nurse. "Sir, anong nangyari?" tanong niya pero di ko na siya sinagot at pumasok na ko sa loob tsaka ko hiniga si Jungkook sa nag iisang kama doon.

"Sir, ano po bang nangyari?" tanong na naman nung nurse kaya inis na hinarap ko siya.

"Nahimatay siya kaya gumawa kayo ng paraan para magising yan" turo ko pa kay Jk.

"Sige sir, lumabas muna po kayo para magawa na namin ang dapat naming gawin" tinanguan ko nalang siya at tsaka na ko lumabas at bumungad naman sakin ang nag-aalalang mukha ni Namjoon at galit na mukha nitong kaibigan ni Jk.

Quite InnocentWhere stories live. Discover now