CHAPTER 11

45 9 3
                                    

Mabilis akong nagtungo sa Hospital na sinabi sakin nung nakausap ko kaninang lalaki kung saan daw dinala si Taehyung. Wala na kong pake kung may makabangga man akong naglalakad or what basta ang mahalaga sakin ngayon ay makita agad ang kalagayan niya.

What in the hell happened to you, Taehyung?

Pagkadating ko sa loob ng Hospital ay agad akong nagtungo sa isang nurse at nagtanong. "May pasyente po bang dinala dito na nagngangalang, Taehyung?” sagot ko at agad naman niyang tiningnan ito sa list.

"Yes sir, kakadala lang po kanina sa kanya. Nasa Room 7 po siya" sagot nung nurse at mabilis akong nag thanj you tsaka nagtungo sa sinasabi niyang kwarto.

Pagtigil ko sa harap ng Room 7 ay napabuntong-hininga muna ko ng malalim bago pihitin ang door knob at buksan ang pinto. Bumungad sakin ang dalwang taong nakaupo sa magkabilang parte ng kama. Napatingin naman sila sakin at nag bow ako.

"Ako po si Jungkook, kaibigan ni Taehyung" pagpapakilala ko at tumango naman sila. Bigla namang nabaling ang paningin ko kay Taehyung na komportableng nakahiga ngayon sa kama at wala pa ding malay. "Ano pong nangyari?" tanong ko.

"Tinawagan kami nung coach niya sa basketball at sinabing bigla nalang daw nagcollapsed ang anak ko at dinala nila agad dito sa hospital, ayon sa doctor ang dahilan daw ng sudden collapsed niya ay ang paninikip nang kanyang dibdib" paliwanag nung babae sakin na Mama pala ni Taehyung. Medyo may katandaan na ito pero angat pa din ang kagandahan at ngayon alam ko na kung saan nagmana ang anak niya.

"Iho, maaari ba naming iwan muna siya sayo?" tanong naman nung lalaki at tumango naman ako.

"Opo naman po, aalis na po ba kayo? Hindi niyo na po ba siya iintaying magising?" takang tanong ko at dahan-dahan na siyang tumayo tsaka muling tiningnan ang anak niya.

"Gustuhin ko mang intaying magising siya pero alam kong hindi siya matutuwang makita ako" sagot niya sakin at kitang kita ko ang malungkot niyang mukha. Siya ba ang tinutukoy na Papa ni Taehyung na mas monster pa daw kesa sa Daddy ko? Masasabi kong mabait naman ito at maamo ang mukha.

"Sige na iho mauna na kami, ikaw na ang bahala sa anak namin. Ipinagkakatiwala namin siya ngayon sayo at dalhin mo na din siya sa hotel na tinutuluyan niya ngayon once na magising siya. Salamat, nabayaran na din namin yung hospital bills kaya wag niyo na yung problemahin mamaya" sambit naman nung Mama ni Taehyung tsaka lumapit sakin at nginitian ko naman siya tsaka ako tumango.

Kahit na marami pa ding tanong sa aking isip kung bakit humilay si Taehyung sa kanila kahit na buo naman pala ang pamilya nila ay mas pinili ko nalang manahimik at hayaan silang umalis.

Katulad ng sinabi nila, aalagaan ko talaga si Taehyung not only for them dahil gusto ko ding suklian ang pagiging mabuti nito sakin lalo na kagabi nung mga oras na kailangan ko ng masasandalan.

Agad na kong nagtungo sa upuan na katabi lang ng kama ni Taehyung at tsaka ko siya tinitigan habang natutulog.

How can this man be so beautiful even when he is sleeping? Tas pag ako? wala ang panget talaga. Life is so unfair.

"Kagabi ko pa sinabi diba na stop staring at me" muntik na kong mapatalon sa gulat nung biglang magsalita si Taehyung at dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya.

"Hell what? Kanina kapa ba gising?" gulat na tanong ko at tumango naman siya tsaka dahan-dahang umupo. Aalalayan ko sana siya pero mabilis niyang ginawa yon.

"Hanga ka na ba sa acting skills ko?" biro pa niya pero hindi ako natawa.

"Magulang mo yung nandito kanina, paano mo nagawang magpanggap na tulog? Ayaw mo ba silang makita?" sunod-sunod na tanong ko dahilan para seryoso siyang mapatingin sakin pero umiwas din agad.

Quite InnocentWhere stories live. Discover now