06

74 7 0
                                    

Nang mapansin niyang nag-iba ang tingin ko sa kanya, nagulat siya.

Hindi siya sa 'kin nagulat, kun'di doon sa sinabi niya sa 'kin. Ngayon niya lang siguro napagtanto na p'wedeng iba ang dating nun sa 'kin.

"That's not what I meant!" mabilis na sabi niya. Natigil din siya sa paghaplos ng buhok ko pero 'di niya pa rin ito binibitawan. "What I meant was, it's not going to happen again. When I saw you, you already stop my plan. If I'm not with you this very moment, for sure, I'll do my plan why I went out of my house. I won't do bad on you, you know that," humina ang boses niya sa huling sentence na sinabi niya na parang nahihiya pa siya at pareho na lang kaming napahinga nang malalim.

Napangiti na lang ako at pumikit.

Sabi ko na nga ba, hindi niya 'yun gagawin sa 'kin.

He's my saviour! He is different from any other guy.

"Do you still trust me?" mahinang tanong niya at pinaglaruan niya na naman ang buhok ko kaya lalo akong napangiti. He's making me comfortable by playing with my hair.

"I trust you. And I believe in you," mahinang sabi ko habang nakapikit pa rin. Inaantok na ako.

"Why? After learning about my bad sides, you still believe in me?" takang tanong niya.

"Hmm." Tumango ako habang nakangiti. "I'm sleepy. But I don't want to go home yet. Can you tell me a story?" Inaantok na tanong ko dahilan para tigilan niya ang paglaro sa buhok ko.

Hinawakan niya ang balikat ko, halos leeg na nga iyon, at hinila niya ako nang marahan paayos ng upo kaya medyo nagising ako. Hinawakan niya ang kanang braso ko at hinila palapit sa kanya. Sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya kaya naging komportable na talaga ang posisyon ko.

Can this moment be forever? But that's too much for me.

Having him for a night is enough.

Having someone like him to have a talk is more than enough.

"You have to go home now," sabi niya habang nakaalalay ang kamay sa kanang braso ko at nakasandal lang ako sa kanya.

Kung iba ang makakakita, iisipin nilang boyfriend ko 'to.

Pinapauwi niya na ako, 11PM pa lang naman. Kakaunti na rin naman na ang tao rito. Karamihan ay galing sa bar kung saan may bandang tumutugtog. Kaunti na lang ang tao sa pwesto namin kaya hindi na ako naiilang na sumandal sa balikat niya.

"I don't want, Elias. I want to know more about you."

"For what?"

"I just want to know you. I dunno. I just admire you."

Hindi masama na sabihin sa isang tao na bumibilib ka sa kanila lalo na kung makakatulong 'yun sa kanila para maging mas mabuting tao pa. At gawing masaya ang loob nila by thinking that someone is admiring them even from a far.

"I admire you,, too. For being strong. For staying. I want to see you someday that you're still fighting to live and by that time, you're already an architect. I want to meet Architect Aly someday."

Kahit 'di ko siya nakikita, alam kong nakangiti siya habang sinasabi 'yun. I want to see Architect Chavez, too so I'll fight not just for me or for my family, but also for Elias.

This second life is for him, too.

Kasi tinulungan niya ako. Niligtas niya ako. Utang na loob ko sa kanya ang second life na 'to.

"I wanna see Doctor, Elias too, someday," nakangiting sabi ko.

Natawa siya nang bahagya. "I'll be a Doctor, Aly. And this course is my pre-med. I wanna be a brain surgeon."

Hello, Stranger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon