07

78 6 0
                                    

Nababaliw na ako.

Hindi ko dapat 'to tinatanong, e!

"Aly... we've met each other in time that everything should be temporary. You should have made yourself ready for this. You have to learn how to let go, okay? So you'll not hurt yourself more by holding on to someone that in the first place, is just your blank slate."

Napayuko na lang ako at tumango.

Nagkamali ako. Pinigilan ko dapat 'tong sadness na nararamdaman ko para hindi ako na-attach nang sobra sa kanya.

I should have not hold on to him that much...

"For tonight, you'll not just learn how to live and hold on to life. You will also learn how to let go and walk alone sometimes. I already helped you to stand again. It's time for you to walk again without me," tugon niya.

Tumango ako at inangat ulit ang tingin sa kanya.

"But we will see each other again, right? Right, Elias?"

Please say yes! I will hold on to you, too just for me to live longer. Please, Elias!

Ngumiti siya at tumango. "We will see each other someday, Architect." Napangiti ako at lalong naiyak. Sinunggaban ko siya nang mahigpit na yakap. Niyakap niya rin ako pabalik at hinaplos na naman ang buhok ko. "I'll wait for you," bulong niya sa tainga ko kaya napangiti ako kahit masakit. "Let's go!"

Hinila na ako ni Elias papasok sa building at tumakbo lang kami nang tumakbo sa hagdan. Dumaan kami sa gilid ng building kung saan may hagdan paakyat pero walang kailaw-ilaw.

Gawa naman sa glass ang isang bahagi ng pader kaya kahit paano ay maliwanag at nakikita namin ang hagdan na nilalakaran namin.

Shit!

Anong gagawin namin dito!? Walang katao-tao!

Tinatanong ko siya kung saan ba talaga kami pupunta pero paulit-ulit niya lang sinasabi sa 'kin na magtiwala lang ako.

Ilang minuto pa kaming tumatakbo paakyat sa hagdan na ito hanggang sa sumuko na talaga ako. Hingal na hingal na ako. Ang taas na ng narating namin. Ika-sampong floor na yata 'to. Hindi naman ako athletic para hindi hingalin, 'no!

"Wala bang elevator? Mag-elevator na lang tayo, Brad! Matatanggal na legs ko," sabi ko habang hinahabol ko ang paghinga ko.

Sumandal ako sa glass na pader habang hawak ang dibdib ko. Natawa naman siya at kinurot bigla ang pisngi ko.

Sasaktan ko sana siya nang bitawan niya na ang kamay ko na kanina niya pa hawak at tumalikod siya bigla sa 'kin at bahagyang bumaba.

"Sakay na!" tugon niya sabay tapik sa likod niya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Ano! Mapapagod ka agad. Mabigat ako," sabi ko sa kanya.

"Hindi nga. I thought, you trust me. Go on, Aly!" sabi niya pa at minamadali niya na talaga ako.

Sigurado ba siya? Nakakaloka naman 'tong taong 'to. "Huwag na kasi. Mag-elevator na lang tay---" 'Di ko natapos ang sasabihin ko nang nilingon niya na ako at nagsalita agad.

"Sarado ang elevator ng building na 'to kapag gabi. Sarado ang buong building na 'to," seryosong sabi niya.

Fudge!

Sarado pala, e 'di sana, hindi na kami pumunta pa rito. Nakakahiya naman kasi na aangkas pa ako sa kanya. Alam ko kung gaano nakakapagod ang pag-akyat dito at ayoko naman siyang pagurin.

"Kaya ko na pala! Nakapagpahinga na ako. Tara na!" yaya ko sa kanya at ako na ang naunang tumakbo paakyat sa hagdan. Humabol naman siya agad.

"Nahiya ka pa! Kung makayakap ka nga sa 'kin kanina," panunukso niya habang tumatakbo sa tabi ko. Hahampasin ko sana siya nang bilisan niya ang takbo niya. "Faster, Aly! May mumu diyan," pananakot niya pa.

Hello, Stranger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon