5am ng magising ako. Sunday pala ngayon, may pasok na ang mga cute na cute na chikiting na tinuturuan ko bukas. After ko mag pray, saying my thank you to God na binigyan niya pa rin ako ng chance na ipagpatuloy ang buhay ko sa earth. Naghilamos na muna ako at nag tootbrush after nun nagpalit na ako ng damit para makapag jogging na ako, tuwing weekends ko lang kasi madalas nagagawa tong pag jogging eh, jogging pants at tshirt ang madalas ko isuot dahil dito ako comfortable hindi kasi ako sanay magsuot ng mga sports bra pag nag jojogging. Sa may park ako madalas mag jogging nakahiligan ko rin kasi manood ng sunrise tuwing nag jojogging ako kung pwede nga lang araw araw ko panoorin ang sunrise ay gagawin ko e kaso hindi naman pwede kasi tuwing free time ko lang nagagawa to. Maaga ako nagigising dahil sa trabaho ko. Teacher kasi ako sa preschool na malapit lang din dito sa bahay siguro 30 minutes na biyahe papunta sa Archangel Montesorri School. Bata palang kasi pangarap ko na talaga ang maging teacher, thankful naman din ako sa parents ko na sinuportahan pa rin nila ako sa course na napili ko noon kahit na ang gusto talaga nila ay maging chef ako katulad nila.
Ring. Ring
Kinuha ko ang phone ko ng marinig ko itong mag ring. Patingin ko si mama lang pala.
"Hello ma?" sagot ko sa tawag.
"Anak. Nag jogging ka ba ngayon? Kung oo, pwede ibili mo ako ng pandesal diyan sa may labas ng subdivision. Namimiss ko na kasi kumain ng pandesal e."
"Nag-ccrave ka yata mama ng pandesal? Luh wag mo sabihin buntis ka ha." biro ko kay mama.
"Ikaw talagang bata ka! Kung ano ano yan pinagsasabi mo, lagot ka talaga sa akin paguwi mo. Makukurot talaga kita."
Napailing nalang ako ng babaan ako ni mama, kahit hindi ko siya nakikita alam ko umuusok na ilong nun sa inis. Madali kasing mainis si mama pero pag siya ang nang iinis, syempre hindi kami pwede mainis, baka makurot pa kami nun sadista pa naman yun hahaha. Sa hindi inaasahan may nakabunggo ako, napaupo tuloy ako sa lakas ng pagkakabunggo ko.
"Ano ba naman yan. Hindi ka naman tumitingin sa dinadaanan mo!" asik ko dun sa naka banggaan ko ng hindi tumitingin, ang sakit tuloy ng pwet ko kainis naman oh.
"Sorry miss, hindi kasi kita napansin e." ani niya habang tinutulungan akong makatayo.
"Maliit ba ako para hindi mo mapansin ha?!" galit kong sabi sakanya sabay tingin sa kanya, natulala siya ng makita niya ako. Bakit natulala to? Teka, Parang familiar siya sa akin a. Pilit kong inaalala kung saan ko nga ba siya nakita. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit, anong akala niya sa akin teddy bear na pwedeng yakapin ng sobrang higpit.
"Misha Baboy! Namiss kita." ani niya habang nakayakap sa akin.
"Teka nga! Teka nga!" tinulak ko siya sa pagkakayap sa akin, kung makayap naman tong lalaki na to kala mo close kami e. Hindi ko naman siya kilala.
"Sino ka ba ha? Kung makayakap ka kala mo jowa mo ako a. Saka ano baboy?! Bulag ka ba? Tignan mo nga mukha ba akong baboy sa sexy ko na to ha! Ha!"
"Misha baboy ako to yung crush mo simula grade school hanggang high school tayo si Clyde." sagot niya sa akin habang nakangiti pa. Crush?! Nanlalaking matang napatingin ako sa kanya. Omg! Hindi ko siya nakilala, mas lalo siyang pumogi ngayon ah. Hindi ko tuloy maiwasan na tignan siya. Brown hair, makakapal na kilay, matangos na ilong, well muscled na pangangatawan, tingin ko rin ay 5'9 ang height niya all in all ang laki na ng pinagbago niya hindi na siya yung patpatin na kilala ko hahahaha.
"Crush?! Wala akong crush na patpatin no!
" sabi ko sakanya sabay roll eyes. Natawa naman siya sa naging reaction ko."Hindi ka pa rin nagbabago baboy! Tinatanggi mo pa rin na crush mo ako kahit crush mo talaga ako nun, binibigyan mo pa nga ako ng cookies e." sabay hagod niya ng buhok niya. Shems ang pogi!
BINABASA MO ANG
Forever with You
General FictionNo Boyfriend Since Birth or NBSB yan ang status ng Relationship ni Misha Jane Bernardo. Marami naman nanliligaw sa kanya kaso nga lang hindi naman tumitibok ng sobrang bilis ang puso niya sa kanila. Naniniwala din siya na matatagpuan din niya ang so...