Habang naglalakad ako papuntang hagdan hindi ko maiwasan na hawakan yung labi ko, nakakainis siya anong karapatan niyang halikan ako! qiqil mue aku koyaaa ha, pero kyaaa hinalikan niya akooo! Nagulat nalang ako nung may umakbay sa akin, pag tingin ko si asher lang pala. Tinatanggal ko yung pagkaka-akbay niya sa akin pero binabalik lang niya rin.
"Ano ba?! Wag mo nga akong akbayan!" sabi ko sa kanya sa naiirita na boses.
"Ayoko nga." maikling sagot lang niya, nung malapit na sa hagdan, nauna siyang maglakad habang nakaalalay sa akin napairap nalang ako sa ginagawa niya. Pagkababa namin hinila niya ako papunta sa playroom ni athena, katabi lang ng theater room yung playroom ni athena, pagpasok namin naabutan namin na naglalaro ng doll house si athena. Tinanggal na rin niya yung pagkaka-akbay niya sa akin buti naman tinanggal na niya. Naglakad na ako palapit kay athena saka umupo sa tabi niya. Napatingin siya sa akin nung umupo ako sa tabi niya, napangiti naman siya nung makita ako.
"Tita beshy look oh. They're pretty just like us diba?" magiliw na sabi sa akin ni athena habang pinapakita yung mga dolls niya.
"Yes they're pretty, pero mas pretty pa rin tayo baby beshy." sagot ko saka hinaplos yung buhok niya, mahaba din yung buhok ni athena hindi kasi pinapagupitan nila ly. Napahagikgik nalang si athena saka naglaro na ulit. Nagulat nalang ako ng umupo si asher sa may likod ko at hinawakan yung bewang ko. Luh kanina pa tong mokong na to a.
"Ano ba?! Tigilan mo nga ang kakahawak sa akin!" bulong na sita ko sa kanya, saka tinatanggal yung pagkakahawak niya sa bewang ko. Buti naman at nakinig siya, tinanggal na rin niya yung pagkakahawak niya pero nakaupo pa rin siya sa likod ko, hindi niya yata alam ang salitang personal space. Nakipaglaro nalang ako kay athena at hindi na siya pinansin. Napatingin kami sa may pinto nung may pumasok, si ly lang pala.
"Haay tapos na rin ako magluto, tara na kain na tayo." yaya sa amin ni ly, niligpit muna namin ni athena yung mga dolls niya saka tumayo at lumabas na para pumuntang dining area nila. Dadaanan muna namin yung sala nila bago kami makapunta sa may dining area nila, pagpasok namin nakita ko napakalaking lamesa nila bali good for 12 person ang kasya sa lamesa nila, hindi ko alam anong trip nila bakit ganito lamesa nila, yung sa amin kasi maliit lang kasya ang 8 person. Dumercho ako dun sa madalas kong upuan sa pangatlong upuan sa may right side. Si ly naman umupo sa katapat kong upuan, katabi niya si athena na inaalalayan niyang makaupo. Umupo naman si asher sa katabi kong upuan, inusog niyo konti palapit sa akin yung upuan niya saka umupo ng maayos. Natakam ako nung makita ko yung mga pagkain na nakita ko sa lamesa, merong sinigang na baboy, chopsuey at pansit bihon lahat paborito ko sira nanaman ang diet ko nito hahahaha. After namin magdasal kumain na rin kami, kukuhain ko na sana yung bowl na may kanin ng maunahan ako ni asher. Nagsandok siya at nilagyan ang plato ko bago niya nilagyan yung kanya, pinagsandok niya rin ako ng mga ulam. Napatingin tuloy ako sa pinggan ko na puno na kakalagay ni asher.
"Tama na, ang dami na niyan nilagay mo baka hindi ko maubos yan lahat." awat ko sa kanya kahit na kaya ko naman talaga ubusin, kekeheye leng se kenye hahaha.
"Teka teka! Anong nangyari? Para kayong mag jowa ah." nagtatakang tanong ni ly sa amin.
"Nako ly! Hindi no! Friends lang kami ng kuya mo." todo tangging sabi ko sa kanya habang may hand gestures pa.
"Talaga lang huh." nag-uuyam na sabi niya sa akin, kinalabit ko naman si asher na tahimik na kumakain.
"Diba asher? Friend lang tayo diba?" nandidilat mata na sabi ko sa kanya. Makuha ka sa tingin!
"Oo." sagot ni asher at bumalik na sa pagkain, napa-hinga naman ako ng maluwag dahil sa sinagot niya.
"O-kaaaay." nagdududang sagot sa amin ni ly saka sinubuan si athena ng pagkain, kumain na rin ako para makaiwas sa mga tingin ni ly sa akin. Grabe naman kasi tong kuya niya e, kakakilala lang namin hinalikan na ako tapos like pa daw ako, hanep sa bilis!
Nagkwentuhan nalang kami ni ly sa buong duration ng lunch namin, naubos ko nga rin yung pagkarami-raming nilagay ni asher sa pinggan ko eh hahahaha. After namin kumain nagpunta kami ni ly sa may garden nila para mag tea, habang nilalagyan niya yung tasa ko naguusisa siya kung bakit ganoon daw yung kuya niya kung makaasta daw parang mag boyfriend kami.
"Sige na te, sabihin mo na may nangyari ba habang nagluluto ako kanina ha?" pangungulit pa rin niya.
"Wala ngang nangyari. Naging close lang kami ng kuya mo dahil kay athena."sagot ko sa kanya saka uminom ng tea. Napairap nalang si ly sa sagot ko sa kanya.
"Alam mo te, hindi naman ganoon si kuya e. Tignan mo nga hindi manlang kami pinagsandok nun kanina saka hindi niya rin kami masyadong pinagkakausap."
"Ha? Bakit kanina nakakausap ko naman siya ah." nagtataka kong tanong sa kanya.
"kinakausap naman kami niyan dati kaso nga lang may nangyari 2 years ago kaya naging ganoon si kuya, naging tahimik at cold." kwento ni ly sa akin.
"Ano naman yung nangyari 2 years ago?" nagtataka kong tanong. Nacucurious tuloy ako.
"Sa totoo lang hindi ko rin talaga alam kung anong nangyari nun e, nag study kasi ako nun sa italy eh. Sila mama lang ang nakakaalam kung ano ang nangyari, pero sa tingin ko grabe yung nangyari kay kuya kaya naging ganyan siya sa amin."napa buntong hininga nalang si ly matapos niyang sabihin yun saka uminom ng tea. Ano nga kayang nangyari sa kanya para maging ganyan siya ngayon sa kanila ly, pero bakit ganoon? Iba pinapakita niyang ugali sa akin, winaksi ko nalang yun sa isipan ko at uminom na ulit.
"I-eenroll mo na ba si athena this semester?" tanong ko kay ly, lagi kasing sinasabi sa akin ni athena na gusto na daw niya pumasok sa school kaso nga lang ang gusto ni ly pag 5 years old na so athena saka papasok. Kinakausap ko lang talaga siya na magandang 4 palang si athena papasukin na niya.
"Oo te i-eenroll ko na lagi akong kinukulit ni athena na gusto na daw talaga niya pumasok, pero pwede ba I-request na sa class mo siya ipapasok?
"Oo pwede naman, ako na bahala doon." sagot ko sakanya, nilapag ko na yung tasa na wala ng laman sa may lamesa saka tinignan ang relo ko 3pm na pala kailangan ko ng umuwi. Nagpaalam na ako kay ly na uuwi na ako kasi may tatapusin pa akong lesson plan.
Cold personality plus badboy look. What a combination.
----------------------
Okay lang po ba readers tong chapter na ituuu? 🤔Please support me po and follow. ❤️
Vote na rin. 🙏
Comment/opinions are very much appreciated. 👍
Please share this din po. 😊Might update it again pag may naisip na ulit akong idugtong dito. 😊
BINABASA MO ANG
Forever with You
Ficção GeralNo Boyfriend Since Birth or NBSB yan ang status ng Relationship ni Misha Jane Bernardo. Marami naman nanliligaw sa kanya kaso nga lang hindi naman tumitibok ng sobrang bilis ang puso niya sa kanila. Naniniwala din siya na matatagpuan din niya ang so...