Prologue

7 2 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, organizations, locations, events, places, and incidents are either the product of the imagination of the author or used in a fictitious way. It is merely coincidental to have some similarity to real people living or deceased, or actual events.

Naglalakad kami ni mommy sa ilalim ng mga kumikinang na bituwin sa kalangitan ng malawak na liwasan sa Tagaytay habang inaayos nila daddy at kuya Aiden ang tent na gagamitin namin.

"Mommy, what are we doing here?" tanong ko kay mommy habang hawak niya ang munti kong kamay.

"We are going to have a stargazing party with Araceli and her family," paliwanag naman ni mommy.

Nang makarating kami sa campsite natanaw ko kaagad ang best friend kong si Araceli kasama si kuya Jake at sila tito at tita na best friend din nila mommy. Nagsama-sama na ang aming mga magulang sa campfire at nagkwentuhan habang kaming mga bata ay naiwan sa tent naglalaro.

"Kuya magtaguan tayo? O bato bato pick na lang," tanong ni Araceli kay kuya Jake.

"Bato bato pick na lang," tugon ni kuya Jake.

"Kuya pang dalawa lang yun eh. Edi hindi makakalaro si Astra at kuya Aiden" pangangatuwiran ni Araceli.

"Alam niyo, pumunta na lang tayo sa campfire para makapag stargazing na din tayo," suhestiyon ni kuya Aiden.

Sama-sama kaming pumunta sa aming mga magulang dala-dala ang aming mga kumot na panlatag sa damuhang hihigaan namin para makapagstargazing.

"Sabi ni daddy, sabi daw sa balita may mga shooting star daw mamaya hindi lang nila sinabi kung anong oras," pahayag ni kuya Aiden nang makarating kami sa campfire.

Naglatag na lang kami ng kumot at kani-kaniyang pag posisyon na doon habang tinatanaw ang kalawakan.

"Mga bata! Kain muna tayo at ang sabi ng mga taga dito mamaya pa daw magsisimula mga 9 pm," pagtawag ni tita Jane sa amin.

Agad naman kaming naglapitan at kumain. Matapos kumain ay bumalik na kami sa campfire at umupo lang doon habang hinihintay sila mommy.

"Mommy ang tagal," inip na saad ko kay mommy habang nakatitig sa nagbabagang apoy sa harap ko.

"Anak, may mga bagay na matagal talaga makamtan pero worth it hintayin kasi pag nandiyan na, sobrang ganda ng kalalabasan. Hintayin mo lang. Have patience baby," pagpapaalala ni mommy.

Maya-maya ay humiga na lamang ako sa nilatag ko at matiyagang naghihintay ng shooting star katabi si mommy.

"Anak, yun na oh the stars are starting to fall na. Make a wish baby,"

Hiniling ko lang noong mga panahong iyon na sana humaba ang buhay ng aking mga magulang at pag laki ko ay maging kagaya ako ni mommy matatag, matalino, at mapagmahal at dahil palagi niya akong binabasahan ng mga storya ng mga prinsesa at prinsipe, hiniling ko na magkaroon ng prinsipe na kagaya ni daddy na maalaga, mapagmahal sa pamilya at matagumpay sa kaniyang napiling larangan. Limang taong gulang pa lamang ako noong mga panahong iyon pero hanggang ngayon ay sariwang sariwa pa rin sa aking ala-ala ang dahilan kung bakit napakahilig ko sa mga bituwin at sa kalawakan.

Araw ng sabado pero abala si mommy sa kanyang opisina habang nagbabasa ako ng isang kwentong pambata. Mejo makapal din ang aklat na ito at ang kwento nito ay tungkol sa isang prinsesang napaibig sa isang prinsipe na kalaban ng kanilang kaharian.

Napahinto ang aking pagbabasa nang ako ay tawagin ni mommy para mananghalian.

"Anak, mamaya mo na ituloy iyan, let's eat first," wika ni mommy. Agad ko namang ibinaba ang aklat nabinabasa ko at tumayo para sumunod kay mommy.

Hinawakan naman ni mommy ang aking kamay habang naglalakad kami papunta sa opisina ni daddy. Wala namang tigil ang pagbati ng mga empleyado kay mommy kapag nakakasalubong namin ang mga ito.

"Daddy!" masiglang bati ko kay daddy nang makarating kami sa kanyang opisina. Agad naman akong niyakap ni daddy.

"Si Aiden?" tanong ni mommy kay daddy nang mapansin niyang wala si kuya.

"Hinatid ko na kanina kila Aljon, gusto daw makipag laro ng video games kasama si Jake," pagpapaliwanag ni daddy.

Sinundo namin si Kuya kila kuya Jake at namasyal matapos kumain sa labas.

Mula noon ay nakagawian na namin ang ganoong gawi tuwing weekends kaya nahilig ako sa pagbabasa ng mga aklat dahil iyon ang aking ginagawa habang iniintay na matapos si mommy sa kanyang mga gawain at hinangaan ko na rin ang mga manunulat ng mga kuwento at nangarap na maging isa sa kanila sa aking paglaki.

"Mommy I want to be a writer like them and like you also," banggit ko kay mommy isang araw matapos kong basahin ang isang aklat na hiniram ko muli sa opisina ni mommy.

"You can be whoever you want to be if you will work hard for it," sambit ni mommy.

Mula noon ay ginaawa ko ang lahat ng makakaya ko, nag-aral ng mabuti upang maging magaling sa pagsusulat. Sumali ako sa mga essay writing contests sa school maging mga school paper na inilalathala ng aming paaralan. Dahil din dito ay ako na rin ang inilalaban ng aming paaralan sa mga interschool competition sa writing.

"Anak, pagbutihin mo ha, alam kong iyan ang pangarap mo, pagbutihin mo lang balang araw, maaabot mo din ang pangarap mo at lahat ng paghihirap mo ay mauuwi sa tagumpay," nakangiting sambit sa akin ni daddy isang araw matapos niya akong sunduin sa paaralan nang gabihin kami sa isang interschool competition.

Doon ko nadama ang pagsuporta sa akin ni daddy kaya't lalo kong pinagbuti ang lahat ng aking pagsisikap upang lalo ko pa silang mapasaya ni mommy. Mabilis na lumipas ang panahon at hindi naman ako nabigong mapasaya sina mommy at daddy. Marami akong nakuhang parangal sa aking mga sinusulat maging sa mga kompetisyong aking sinalihan.

"Anak, saang school mo gustong pumasok sa high school?" tanong ni daddy sa akin isang araw habang kumakain kami.

Nakatingin lang silang lahat sa akin dahil maraming magandang paaralan ang nag-offer sa akin ng scholarship dahil sa aking talento. Pero paano naman si Araceli? Hindi ko naman pwedeng iwan 'yon.

"Bahala na po daddy. Kung saan po papasok si Araceli ay doon na lang din po ako," hindi ko pwedeng iwan ang kaibigan ko, dapat sabay naming abutin ang mga pangarap namin, walang iwanan. 

The Star In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon