Chapter 2

6 0 0
                                    

Kinagabihan ay nag bihis na kami ni Araceli ng swimsuit sa aking silid kasama si ate Thalia. Sinuot namin ni Araceli ang two-piece high-waisted black swimsuit na binili ni mommy para sa amin samantalang si ate Thalia naman ay nagsuot ng spaghetti strap at swimming shorts.

Nang makabalik kami sa kubo ay naroon sina kuya, si kuya Jake, at si Kelsey. Napansin ko kaagad na biglang napasimangot si kuya.

"Anong klaseng suot yan bunso? Gabing gabi na. Kapag ikaw nagkasakit dyan," Saway ni kuya.

"Tol hayaan mo na dalaga na yang mga yan saka bagay naman sa kanila," sabat ni kuya Jake samantalang sina Araceli, Kelsey, at ate Thalia naman ay tahimik lamang at hindi nangingialam sa amin ni kuya.

"Bagay nga, magkakasakit naman. Bukas ng umaga na kayo mag swimming. May bukas pa naman." Mahinahon niyang tugon.

"Kuya---" tawag ko sa kanya.

"Bahala ka kapag nagkasakit ka! Ang tigas ng ulo mo!" Padabog na tugon ni kuya bago tuluyang umalis at pumasok sa loob ng bahay.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni kuya Jake.

"Opo kuya Jake hindi na po muna ako mag si-swim." Medyo sumama ang loob ko at parang ayoko na lang mag-swim.

"Edi hindi na din muna ako mag si-swim," sabat ni Araceli.

"Cel, sige na mag swimming ka na okay lang ako wag mo akong isipin. Tutulog na lang ako. Goodnight." Dali-dali naman akong umakyat sa aking kwarto para matulog na lang.

"Astra." Hinihingal na tawag ni Araceli sa akin. Sinundan pala ako paakyat.

"Cel, mag swimming na kayo, tinatamad na ako. Buti pa si kuya Jake, mabait sa'yo. Samantalang si kuya ni minsan hindi pinakinggan yung side ko."

Minsan ay naiinggit ako sa kanila ni kuya Jake dahil parang magkaibigan lang sila. Lahat nasasabi niya kay kuya Jake ng walang pangamba samantalang kami ni kuya hindi ganon, close din naman kami pero hindi ko siya masabihan ng problema at sikreto dahil nangangamba ako na baka mapagalitan pa ako o di kaya'y isumbong ako kay mommy o kaya kay daddy. Kadalasan ay sobrang istrikto niya na mas mahigpit pa kaysa kay daddy. Kaya madalas bukod kay mommy ay si Araceli at kuya Jake ang takbuhan ko kapag may problema ako.

"Sabi na nga ba, hindi ka okay. Sige magbibihis na din ako, kung hindi ka magsi-swimming edi hindi na din ako. Matulog na lang tayo." Akmang magbibihis na si Araceli nang pigilan ko siya.

"Wag na. Mag swimming na tayo. Unfair naman kung madadamay ka pa sa kadramahan ko. Magiging okay din naman siguro ako."

Paglabas namin ng kwarto ay nakasalubong namin si mommy.

"Mga anak. Kanina pa namin kayo hinahanap. Halina kayo. Gusto nila kayong batiin dahil sa pag graduate niyo." Sumama na kami ni Araceli kay mommy papunta sa mga writer at editor. Kagaya ni tita Jane, anak din ang tawag ni mommy kay Araceli dahil parang anak na din naman niya si Araceli.

"Pinagsabihan ka pala ng kuya mo. Hayaan mo na pinoprotektahan ka lang nun. Sinabihan ko din naman siya na hayaan ka na mag desisyon dahil dalaga ka na. Taga gabay na lamang kami upang matulungan ka sa mga desisyon mo at dadamay sa'yo, sakaling magkaproblema ka dahil sa maling desisyon." Dagdag pa niya. Napangiti na lamang ako ng bahagya. Ang mahalaga ay alam kong suportado nila ako bukod doon ay masaya rin ako dahil alam ko na wala ng magagalit sa akin kapag nag swimming kami ngayong gabi.

"Congratulations Astra! Congratulations Araceli!" Sabay sabay nilang bati sa amin ni Araceli.

"Thank you po," pagpapasalamat ko sa kanila.

"Salamat po sa inyo," pagpapasalamat naman ni Araceli.

"Sige na mga anak, bumalik na kayo doon sa kubo. Enjoy! Kumain na din kayo at gabi na."

The Star In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon