Chapter 3

11 0 0
                                    

Tinanghali ako sa pagbibihis. Hindi ko alam kung anong isusuot ko, usually kasi maraming bawal isuot sa school. Hindi ko pa alam ang patakaran sa aking magiging school kaya nagsuot na lang ako ng fitted white t-shirt na medyo manipis at high waisted jeans.

Kahit na tinanghali ako ay maaga pa naman kaming nakarating sa school pero dahil sa dami ng nag eenroll, punuan na rin ang maluwag at malaking parking lot na parang yung sa mga mall. Mabuti at nakadiskarte at nakahanap pa ng maayos na parking space si kuya Nikko. Wala pa sina Araceli kaya nanatili muna kami roon sa loob ng sasakyan.

"Malaking paaralan ito anak, pagbutihin mo. Maganda ang magiging kinabukasan mo bilang isang manunulat ng ating publishing company at alam kong magiging magaling ka sa larangang iyon dahil bata ka pa, iyon na ang hilig mo," nasasabik na sabi ni daddy.

"Nagtext si Jane, mauna na daw tayo. Tinanghali daw ng gising si Araceli," sabat ni mommy.

"Hintayin na natin, madali na lang yun. Itanong mo kung kumain na sila, tapos kung hindi pa, sabay sabay na tayo kumain ng breakfast sa loob. I heard marami daw silang fast food chain at restaurant sa loob for their students and visitors," saad ni daddy habang patuloy ang pag-scroll sa kanyang cell phone. Agad namang tumalima si mommy at tinawagan si tita Jane para sabihan sa gusto ni daddy.

Nang matapos ang pag-uusap ni mommy at tita Jane sa cellphone ay napagkasunduan na sa isang fast food na lang kakakain para nasa campus na kami at hindi na gaanong malayo pa ang pang gagalingan nila Araceli at kuya Jake.

Nauna nang bumaba si kuya Nikko upang hanapin kung saan ang daan palabas ng parking lot. Hindi naman siya nabigo, agad niya itong natagpuan kaya't pag balik niya ay pinatay na niya ang makina ng sasakyan at agad namin siyang sinundan papasok ng school. Malawak na sports complex ang bumungad sa amin. Kabi-kabila ang court at gym sa lugar na iyon. Pagkalabas namin doon ay bumungad naman ang malawak na grounds na parang plaza sa laki. May fountain sa gitna nito at nakapaligid dito ang mga bench at fast food sa school. Sa sobrang ganda nito ay hindi mo aakalaing isa itong paaralan at tila isa ito sa mga sikat na pasyalan dito sa Manila.

Tumuloy kami sa gilid ng plaza kung nasaan ang mga kainan. Si mommy ang namili ng makakainan. Napili niya ang isang kainan na nag seserve ng pancakes, waffles, sandwich at iba pa. Maganda ang interior ng kainang ito at parang coffe shop ang design, masarap tingnan at maaliwalas ang ambiance dito.

"Good morning ma'am, sir, what would you like to have for breakfast?" Magalang na tanong ng waiter nang maka upo kami sa isang table malapit sa bintana kaya tanaw na tanaw pa rin ang plaza.

Nag order ako ng Chocolate-chips pancake, bacon waffles naman si kuya Nikko, at bacon and cheese pancake naman ang kina mommy, daddy at kuya.

"Paki-ulit ng order, salamat," may awtoridad na sabi ni daddy. Agad naman siyang sinunod ng waiter.

"Sige tama iyan, to follow na lang yung order ng mga kasama namin. Pakireserve na din ng kabilang table," dagdag pa ni daddy.

Ilang sandali pa at dumating na din ang pamilya ni Araceli kasama si Kelsey.

"Kayo na ang bahalang umorder, hindi namin alam ang gusto niyong kainin," ani mommy.

Nag order si Araceli ng Chocolate-chips pancake kagaya ng sa akin, si tita Jane at tito Aljon naman ay tuna sandwich, habang sina kuya Jake at Kelsey naman ay nag order ng baked mac para daw kung mahaba man ang pila, ay busog sila.

Habang kumakain ay masayang nag kwento ang aming mga magulang kung gaano kasaya ang highschool life at kung anu-ano ang mga kalokohang kanilang nagawa noong panahon nila. Bukod doon, ay pinaalalahanan nila kami na huwag kaming gumaya sa mga kalokohang kanilang ginawa dahil mali daw iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Star In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon