para akong tanga dito , nakahiga lang ako sa kwarto ko habang nakatingin sa kisame , ngumingiti magisa .
hindi ko kasi makalimutan yung kanina eh , yung ngiti niya ? nakakakilig talaga . pero bakit kaya naging ganoon siya bigla ? hindi ko rin alam . haha ! basta ang mahalaga nginitian niya ako ^______^
naputol yung pagmumuni-muni ko noong may nag doorbell . si mama na siguro yun , bumaba ako at binuksan yung pinto .
ma ! ginabi ka na ? -
masyado kasing maraming ginawa sa shop anak , kumain ka na ba ? -
opo , ikaw ma kumain ka na ba ? teka paghahanda kita -
ay naku huwag na ! magpapahinga nalang muna ako , napagod talaga ako -
umakyat na si mama sa kwarto niya .
kawawa naman si mama halatang pagod na pagod siya , sinara ko na yung pinto , then umakyat na din ako sa kwarto ko .
======================================================================================================================================================
Natapos na din ang Christmas vacation , wala namang magandang nangyari sakin eh , bukod sa ako nanaman nag celebrate mag isa , na lagi namang nangyayari , wala si mama , madami daw kasing customer sa shop kaya hindi na siya nakauwi , si papa naman , may business trip nanaman . nag movie marathon nalang ako magdamag . at dahil mababait naman sila celine at riz sakin , ayun dinamayan nila ako , nagdala pa nang sangkatutak na snacks . masaya parin naman ang bakasyon ko dahil sa kanila . Si tita nga tawag ng tawag sakin eh , doon na daw ako mag celebrate , pero tumanggi na ako , ayoko namang magmukang kawawa ako sa harapan nila .
Ngayon , naglalakad na ako papuntang room ko . kahit alam kong wala namang gagawin kundi maglinis lang ng room pumasok parin ako , kaysa naman nandoon lang ako sa bahay nakatunganga .
Pag pasok ko sa room , sobrang ingay . kwento dito , kwento doon sila .
Umupo na ako sa upuan ko , maya maya lang nagsidatingan na sila Celine , at Riz .
katulad ng inaasahan ko , pinaglinis lang kami ng classroom .
pagkatapos pwede nang umuwi .
alas tres palang ng hapon , uuwi na agad tayo ? - celine nakanguso pa
Gala nalang tayo saan niyo gusto ? - ako
sige sige ! mag mall nalang tayo ? - riz
OKEY ^__________^
=================================
(SA MALL)
Pumunta kami sa may Fun house bumili kami ng maraming token , halos lahat yata ng laro nalaro namin eh , sinubukan pa naming kumuha ng stuff stoy doon sa may isang machine (nakalimutan ni author tawag doon pagpasensyahan ^^ ) kaso sa kamalasan hindi kami nakakuha kahit isa , haha ! nung mapagod na kami kakalaro kumanta naman kami sa may quantum doon , feel na feel pa namin akala mo mga singer talaga eh . ubos na token namin , HAHA !!
Gutom na ako - riz
Ako rin , kain na tayo ? celine
sige ! - ako
then ayun kumain na kami , nakakapagod naman mga pinagagawa namin >;))
-------------------
--------------
-------------------
tapos na kami kumain , busog much !
Naglalakad na kami palabas ng Mall , kaso may nakita lang akong parang familiar sakin ?
![](https://img.wattpad.com/cover/3431271-288-k110357.jpg)