"LARAWAN NG NAKARAAN"Nang minsan kong linisin ang aking aklatan
Hindi ko inaasahan na makita ang mga nakaipit na larawan
Napangiti ako ng ito'y aking masulyapan
Ito pala'y larawang kuha sa aming silid-aralanLarawan na parte ng aking masayang nakaraan
Larawan na nagsisilbi kong ala-ala na kailanman ay hinding-hindi ko malilimutan
Ako at ang aking mga nakangiting kaibiganHindi ko inaasahan na may iba pang larawan
Kuha sa iba't-ibang lugar na aming madalas puntahan
Hindi mawala ang aking mga ngiti habang ito'y pinagmamasdan
Ang kukulit kasi ng aking mga kaibigan habang sila'y kinukunanBiglang bumalik sa aking ala-ala ang masayang biruan at tuksuhan
'Yung mga walang kwentang bagay na aming pinagtatawanan
Tawanan na hindi mawala-wala ang walang humpay na batukan
Na minsan pa nga'y nagiging dahilan ng tampuhanSa loob ng silid-aralan na iyon,
Nabuo ang aming samahan
Noong unang araw ng pasukan
Natatandaan ko pa na ang bawat isa'y nagkakahiyaan at ilangan
Mga hiyang-hiya pa ngang magpakilala sa unahanNgunit nang tumagal-tagal na
Nawala na ang hiya ng bawat isa
Nalaman na ang tunay na makakapal ang mukha
At ang mga hindi nahihitang sumayaw mag-isa sa gitnaSila ang pamilya ko sa labas ng tahanan
Sila ang nag-ukit ng ngiti sa aking katauhan
Sila ang nag-iwan sa akin ng magandang aral at karanasan
At higit sa lahat,
Sila ang bumuo ng aking masayang nakaraanAng dami ko pang guatong sabihin
Ang dami ko pang gustong alalahanin
Subalit ramdam ko na ang bigat sa aking damdaminUmalis ako ng walang paalam
Ni hindi nakapagpasalamat sa aking matalik na kaibigan
Noong araw na ako'y lumisan
Ay ang parehong araw na ngiti ko'y tuluyang nabura sa aking katauhan
At kailan ma'y hindi na maibabalik pa ang dating kasiyahan
Dahil magmula ngayon,
Sila'y larawan na lamang ng aking masayang nakaraan
BINABASA MO ANG
Scrap of Thoughts
PoetryCompilation of literature pieces originally made by yours truly.