"Kaibigan, Lumaban ka!"Buhay
Dalawang pantig at limang letra
Na bigay ng ating Dakilang Lumikha
Tayo ay nabuhay para umunawa
Nang mga bagay na ating nakikitaNgunit 'di madali ang buhay sa mundo
Mundong basehan ay ganda at talino
Mundong basehan ay pagkaperpekto
Mundong hindi tanggap ang mahinang taoBawa kalungkutan na nararamdaman
Bawat pagsubok na ating naranasan
Sa kagustuhan mong ito'y takasan
Sumagi sa isip, buhay ay wakasanNgunit huwag malungkot aking kaibigan
May mga taong iyong masasandalan.may mga taong handang-handa kang damayan
At mag-uudyok na ituloy ang labanAlamin mo kung bakit ka narito
Hanapin mo ang dahilan mo sa mundo
Huwag magpapaapekto sa ibang tao
Dahil hindi sila ang huhusga sayo
BINABASA MO ANG
Scrap of Thoughts
PoetryCompilation of literature pieces originally made by yours truly.