Chapter 2

58 2 1
                                    

*Angel Is Back!*

"A-Angel? I-ikaw ba talaga iyan?" Hindi na nga mabilang kung ilang beses siyang umiling-iling at pikit ng pikit upang matiyak niyang isang panaginip lang ang lahat.

Pero sa pagdilat niya ng mga mata, nandoon pa din si Angel na nakaupo sa kanilang kama, nakatitig sa kaniya habang nakangiti ng pagkatamis-tamis. "N-nananaginip ba ako?" Pinagsasampal niya ang sarili. "Okay! Okay! I'm just dreaming." Ipinikit niyang muli ang mga mata at huminga ng malalim bago inidilat ang mga mata.

"BOO!" Pananakot sa kaniya ni ANgel ng pagdilat niya ay malapit-malapit ang mukha nito sa kaniya. Napaupo siya sa sahig.

"Huwag Angel! Huwag mo akong multuhin! Alam kong nagkulang ako pero please! huwag mo naman akong takutin!" Dere-deretsong sabi ni Derick na halos hindi humihinga, para itong bata na natatakot.

"AHHAHAHA!" Tumawa na lang si Angel na halos walang ng bukas. "Nakakatawa ka talaga Derick. Bakit naman kita mumultuhin? Atsaka, hindi naman ako galit sayo dahil hindi ka naman nagkulang." She strated walking towards him.

"Huwag kang lalapit!" Natatakot pa din si Derick sa kaniya. Paatras ng paatras siya.

"Huwag ka ngang matakot! Hindi kita kakainin 'no" She sighed at umupo sa kama nila at hinarap niya si Derick na nakaupo naman sa sahig. Magkaharap sila ngayon. "Paano ko ba maipapaliwanag sa iyo? O sige ito na lang. Naniniwala ka ba sa...Miracle?" Tumanga-tango lang si Derick. "Eh sa..fairytale?" Umiling si Derick. "Haay, sige ito na lang. Bago ka kasi natulog humiling ka na..sana bumalik ang oras. Pero dahil sa it's impossible to go back in the past. Ako na mismo ang bumalik to grat your wish!"

Ang pagbabalik mo ba ay hindi imposible? Sa isip ni Derick. Nagsalubong ang mga kilay ni Derick. He is still confused. "I don't understand."

"Derick, sabi mo kung mabuhay ako ulit,gusto mong palitan ang lahat ng mga pagkukulang mo sa akin. That's why I'm here." Now he understand.

"Ibigsabihin ba non, makakasama kita ulit?" Halos pigil-hininga ang ginawa ni Derick ng magtanong siya. Tumanga-tango lang din si Angel at biglang lumapit sa kaniya si Derick at yayakapin siya kaya lang ay pinigilan niya ito.

"You can't touch me Derick. I'm a ghost right now and...ikaw lang ang nakakakita sa akin." Nalungkot naman si Derick.

Your Guardian AngelDonde viven las historias. Descúbrelo ahora