Tiningnan ko lang sya with an expressionless look.
"Nainlove ka na ba?"
Tanong nya. Tsk. Ako? If she only knows kung gaano ako kaallergic sa word na yan.
Tumayo ako at nagplanong umalis na. Walang saysay kung sakin naman nya ibabalik ang mga tanong niya. Tsk.
"May class pa ako. Got to go."
Wala lang syang sinabi at wala naman rin akong hinihintay na kahit anong sasabihin nya kaya umalis na lang ako.
Ito na nga ba pinakaiinisan ko sa lahat. Isa sya sa mga sinasabi ko sa inyo ng FC. Pasalamat sya mabait ako kaya sinamahan ko siya sa pagluluksa nya.
Inlove-inlove kasi. Yan napala niya. Last week, kinilig pa yan kasi ang sweet daw ng boyfriend nya. Feel daw niya pwede na niya itong pakasalan. Tapos ano ngayon? Iiyak-iyak sya. At ako pa talaga ang nilapitan ha? Ang kapal ring tanungin ako tungkol sa love-love na yan.
Yes. I'm good sa pagbibigay ng advice but pag sa buhay ko na napunta ang usapan, yun ang ayaw ko. Ayoko lang pag-usapan buhay ko. Paulit-ulit lang naman ang sagot ko. Paano kasi, napakaboring ng buhay ko.
Bumalik na ako ng classroom. Nagtaka naman ako kung ba't mas umingay ang lugar nato.
"So noisy. Ano bang pinag-uusapan niyo?"
Tanong ko pagpasok ko pa lang. Di naman sila deadma lang kaya pansin parin nila ako.
"May ililipat daw dito. From section 1 ata."
Sabi pa ni Ash, one of my close friends again. Section 2 kasi kami. At sa dinamidami nga namin, 8 sections kami, batch lang namin. At Hindi lahat kilala ko. Di naman ako mahilig lumabas ng room kaya wala akong masyadong nagiging kaibigan kundi mga naging classmates ko lang.
Kung galing yung taong yun sa section 1, either nagiging low ang performance nyan o madaming absent o walang respect sa teacher pero matalino parin. Ayan naman talaga ang rule dito.
"Baka may topak kaya pinalayas ng teacher nila."
Sabi ko sa kanila. Tsk. Madadagdagan na naman siguro tong kaingayan sa room nato.
Napatahimik kami nang may pumasok.
"Bwisit!"
Sabi nung lalaki na parang naiinis pa sabay hagis ng bag nya sa isang table... Ay mali! Sa table ko pa. Umupo pa sa upuan ko.
Walang galang na nga kung pumasok, di pa nagtatanong kung nay nakaupo ba sa uupuan niya.
Hinayaan ko nalang at sumama sa grupo. Di naman ata nya kami nakita sa dami namin. Tsk.
"Ayy. Parang walang tao lang sa room?"
Pagpaparinig ni Ash. Tiningnan lang siya nang masama nung kakasok na lalaki. Binalik naman ni Ash yung tingin niya samin.
"Gwapo sana. May topak lang ata."
Sabi pa ni Ash at nagtawanan lang kami. Nagharutan nalang kami na parang walang bagong pasok na nag-eexist. Paki ba namin sa kanya.
"Tumahimik nga kayo! Ang iingay niyo!"
Napatigil kami saglit but ilang sandali, tinawanan lang namin siya. Tss. Kapal ng mukha.
Pagkatapos naming tumawa, nagsimula na kaming bumalik sa mga seats namin.
"Hey dude. Bagong lipat? Let me guess? Di nakaya ng teacher natin yung ugali mo no? Balita ko from section 1 ka."
Kinausap na ni Maikko, kaklase kong loko-loko yung bagong lipat.
Tiningnan sya nito ng masama.
"Paki mo ba? Alis ka nga sa harap ko. Weirdo."
BINABASA MO ANG
I Don't Know What Happened
Teen FictionIto ang unang story na mababasa sa public. I'm really not good sa ganito, hayaan niyo na lang. Haha. This story is all about a girl and a guy, syempre halata naman siguro. Sa edad kong to, sino bang makakaisip na gumawa ng story na patayan, horror o...