16 years. Yes, 16 years na akong nabubuhay sa mundong ito but sa 16 years na yun, ngayon lang ako nagkaganito. Ngayon lang ata ako nagkamalay at ngayon ko lang narealize kung ano talaga ang life. Nung bata ako, para sakin ang life ay ang bagay na meron tayo na bigay ng diyos. Yun lang. Wala sa isip ko yung mga "challenges, trials, failures, hope, never give up", yung mga ganon. Akala ko life is just life, but simula nang naging highschool ako, don na nagbago ang pananaw ko sa salitang yan. Kakapagod pala ng life. Minsan boring, pero most if the time puro nakakapagod na.
" Jes, andyan na si ma'am!"
Bulong ng katabi ko na si Mica. Salamat sa bruhang to, teacher detector ata. Dali-dali kong tinanggal ang earphones ko at tinago pati phone ko sa bag ko.
Tsk. Physics class na naman. Hatest subject kasi bobo yung teacher. Wala akong maintindihan, napakaboring pa magturo. Kung tatanungin mo, ewan ba. Sasagutin ka ng mga bagay na kung saang lupalop pa nanggaling, and in the end, di pa rin nya nasagot ang mismong tanang mo. Tsk.
I'm Jessica Sardona. Anak ng mama at papa ko. Nag-aaral sa paaralang bawal ang bullies, bawal ang mga maarte, bawal ang mga playboys at playgirls. Boring di ba? Walang thrill ang life. Puro seryoso ang mga tao. Sana nga lang may totoong majic. Susubukan ko sanang itransform tong school nato sa isang bagong school na gaya nung mga nababasa ko o napapanood sa movies. Yung may brat, may nerd, may weird at may bullies. Saya sana ng buhay. Pero joke lang. Ganda kaya ng school nato, mga seryoso nga pero masaya naman kasama. Walang OA, walang KJ, walang arte. Chill lang lahat. May masusungit pero mabait naman most of the time. May mga mayayabang pero talo naman pag debate na ang pinag-uusapan. Hayy. Sarap ng buhay pag ganito kasaya ang mga kasama mo.
Discuss lang nang discuss yung teacher as if nakikinig kami. Huhulaan ko, magrereklamo na naman tong mga taong to paglabas nitong teacher namin.
"Okay, I hope may bago na naman kayong natutunan sa araw nato. Goodbye class."
At lumabas na siya and in 5, 4, 3, 2---
"Sh*t! Ano ba yun! Self study na naman bagsak ko nito."
Reklamo pa ni Mica. Close friend ko tong bruhang to. Wala akong best friend, close friends lang para fair lahat.
"Tss. Di ka pa nasanay."
Sabi ko nalang tapos nagsnob at kinuha ulit yung phone at earphones ko. Ang ingay kasi. May iba di pa nakaget-over sa physics class, may nagpapaturo pa kung ano ba yung diniscuss kanina. Bahala nga sila. Matutulog nalang ako ulit.
Yes, matutulog. Ito lang naman ang lagi kong ginagawa. Kapag walang klase, pumupunta ako sa isang sulok, either natutulog, nagbabasa, nagtetext o wala lang. Soundtrip lang.
Ganito talaga ako, laging bored kaya ganito lang ang gusto kong gawin. Pero kapag nasa mood ako, madaldal ako pero kapag close ko lang ang mga kasama ko. I hate socializing with people na di ko naman masyado kilala. Wala akong trust sa kanila. Kaya nga nagpagkakamalan akong masungit, hindi friendly, at higit sa lahat mataas daw ang tingin sa sarili. Tsk. Ewan ko ba sa kanila. Kung makajudge as if kilala talaga nila ako. Isa ako sa mga maiingay at jolly sa bahay pero kapag may bisita na hindi ko naman close o di ko kilala, di ako lumalabas ng kwarto. Kapag naman pinilit akong lumabas, tahimik lang ako with a poker face showing na wala akong pakialam sa mundo. Totoo rin naman.
BINABASA MO ANG
I Don't Know What Happened
Novela JuvenilIto ang unang story na mababasa sa public. I'm really not good sa ganito, hayaan niyo na lang. Haha. This story is all about a girl and a guy, syempre halata naman siguro. Sa edad kong to, sino bang makakaisip na gumawa ng story na patayan, horror o...