KABANATA 4 - I LIKE YOU

6.1K 317 30
                                    

"Domo Arigatogozaimasu!" Thank you so much! Sabay-sabay nilang saad nang matapos na silang kumain at nagpaalam na sa matandang babae. Maaga pa sila bukas at malalim na rin ang gabi.

Kaniya-kaniya silang kuha ng kanilang besikleta at walang ingay siyang nagpepedal. Malamig ang simoy ang paligid at ang totoo niyan, winter pa rin sa Japan. Siya lang naman itong naglakas-loob na lumabas na hindi nagsuot ng jacket at scarf dahil sa pagmamadali kanina. Ngayon parang bigla niyang naramdaman na nanlamig ang kaniyang buong sistema kahit makapal ang kaniyang ternong pantulog na suot.

Sunod-sunod siyang napabuntunghinga. Hindi siya naniniwalang walang kapalit ang gabing ito kaya bukas na bukas din ay kakausapin niya ang kanilang Team Leader at baka sakaling may alam ito. Napahugot siya ng hangin. Hindi siya pwede matanggal sa trabaho, kailangan ng magulang niya at kapatid ang kaniyang perang nakukuha sa pagiging fruit picker.

"Happy Birthday."

Napatingin siya sa lalaking crush ni Judith na ngayon ay nakalagpas na sa kaniya sakay sa besikleta. Kumunot ang kaniyang noo at 'di pinansin ang pagbati nito. Kanina pa siya asar sa mga titig na binigay nito habang kumakain sila. Samantalang ang kaniyang mga kasamahang babae ay naghagikhikan na sa kilig habang kasama itong kumain sa mahabang mesa. Sana, hindi madisgrasya ang mga kasamahan niya sa kalandian.

"Ayyy!"

Pero siya itong nag-swimming sa sementong daan. Napaigik siya sa inis nang madisgrasya siya sa kaniyang sinasaktyan bisekleta. Bigla lang nanigas ang kaniyang paa at dahil yata sa lamig ng panahon kahit my medyas naman siyang suot.

"Marie, okay ka lang?" Si Fidel ang unang bumaba sa sinasakyan nitong bisekleta at dinaluhan siya pero agad niyang winakli ang kamay ni Fidel.

Ang iba nilang kasamahan nila ay napahinto at napatingin sa kaniya. Napansin niya ang ibang tumawa at umismid pero hinayaan niya ang mga ito. Naging mabait lang ang mga ito sa kaniya kanina dahil kaharap nila ang kanilang Superior at Team Leader.

"Ang arte. Isang kembot na lang, lagpas na sa kalendaryo 'yan. May gana pa magmaganda."

Nagkunwari siyang 'di narinig ang sinabing iyon nang kasamahan niya. Kahit kailan hindi siya nagpapaapekto sa mga pinagsasabi ng mga ito dahil mas kilala niya ang kaniyang sarili keysa sa mga ito.

"Maria naku sabi na nga ba!" Si Judith ang mabilis na bumaba sa bisekleta nito at akmang tutulong sa kaniya pero tumayo na siya at nagkunwaring walang masakit sa kaniya.

"Okay lang ako. Tayo na."

Tumango ito at bumalik sa bisekleta nito. Habang ang iba nilang kasamahan ay nauna na lalo na ang mga ibang kababaehan.

BAHAGYA siyang napangiwi nang magsimulang kumalat ang sakit sa kaniyang tuhod. Tiniis na lang niya at pinilit matulog sa gabing iyon. Kailangan pa nilang gumising ng umaga.

Paika-ika siyang naglakad papuntang farm kinabukasan. Bahagya siyang napangiti nang maalalang sa katangahan niya ito kagabi pero masaya siya na may nakaalala sa kaniyang kaarawan. Hindi man nakikita sa kaniyang mukha na masaya siya kagabi, sa puso niya, masaya siya. Pero nababahala siya sa pinakitang kagandahang asal ng kanilang Superior. Naglalaro pa rin sa utak niya ang posibleng mangyari. Baka kakausapin niya mamaya o bukas si Mrs. Ajinomoto nito. Hindi siya pwedeng umuwi ng Pinas.

Napapikit siya sa lamig ng temperatura ng Japan. Kahit ang sarap matulog at magtalukbong sa kama, hindi pwede. Hindi natutulog ang mga bayarin niya sa Pinas at tuition ng mga kapatid niya. Kaya kailangan doble trabaho siya kung maari dahil siya lang ang inaasahan.

Makapal ang kaniyang suot sa araw na iyon para 'di niya maramdaman ang lamig. Nasa Green House siya at sinimulang i-supervise ang mga strawberry. Minsan naman 9 AM sila nagsisimula pero minsan, 6 AM 'pag andiyan ang may ari na si Mr. Yakoto. Lahat sila ay takot sa matanda kahit ang kanilang Superior.

"Maria!

Sinulyapan lang niya si Judith at muling binalik ang tingin sa mga strawberry. Nagtatanggal siya ngayon ng tuyong dahon at sobra-sobrang bulaklak. Kahit papaano, nakakatulong ang init na dala ng temperatura ng Green House.

"Ay snob ka agad sa 'kin. Heto oh, kape ka muna." Inabutan siya nito ng instant coffee.

"Tapos na ako. Ubusin mo na lang 'yan."

Napaingos ito sa kaniyang sinabi. "Binigay 'yan ni Superior 'no. Bahala ka d'yan. Ikaw managot sa tanong niyang bakit 'di mo tinanggap ang kapeng binigay niya."

Agad siyang napalingon dito at hinablot ang kapeng hawak nito sa kabilang kamay. Ang totoo niyan, mamaya pa ang plano niyang magkape para mainitan ang kaniyang sikmura. Mabilis niyang ininom iyon at napapailing sa isipin mukhang may plano si Mrs. Ajinomoto na tanggalin siya sa trabaho. Napabuntunghinga siya.

"Nga pala Maria, nalaman ko na Gheron ang pangalan nung crush ko." Humagikhik ito. "Gheron nang buhay ko! Parang nakatadhana na talaga kaming dalawa. Gheron and Judith Nuptials." Humampas-hampas pa ito sa kaniya na kilig na kilig.

Napahugot siya ng hangin at hinayaan itong maging madaldal si Judith. Araw-araw naman itong hyper at naiintindihan niya na specialty yata ng kaniyang kaibigan ang bagay na iyon.

"May nasagap akong balita nga pala Maria. Narinig ko lang ito sa kasamahan natin." Nakasunod sa kaniya ang kaibigan.

Hindi siya nakinig. Patuloy siya sa pagtatanggal nang tuyong dahon. Mahaba ang Green House at apat lang silang nando'n. Kasama nila ang dalawa nilang kasamahan na hindi niya matandaan ang mga pangalan.

Mayroon silang sampung varieties na mga strawberries. Iba't ibang klase at laki pero iba't ibang lasa pagdating sa sarap. Doble ingat sila sa pag-aalaga ng strawberries at ini-import pa nila ang iba niyon sa ibang bansa.

"Alam mo ba, may ipapakilala raw sa'tin si Mr. Yakoto na bagong amo—"

"Busy ako Judith. Kung wala kang gagawin, mamaya na tayo mag-usap. Alam mong mas importante sa 'kin ang trabaho."

"Hay ang KJ mo talaga as usual 'no? Kaya wala kang jowa dahil sa pagiging KJ mo." Napaismid ito.

Nagkibit lang siya ng balikat at iniwan ang kaibigan. Marami siyang gagawin at iniisip niya kung saan siya at paano siya makakahiram ng perang ipapadala sa Pinas. Kakatapos lang niyang bayaran ang utang niya kay Judith na 50 thousand at alam niyang walang pera ito ngayon dahil pinadala nito lahat ang sweldo sa pamilya nito sa Bulacan.

Nang umabot ang tanghali, sa pwesto lang niya sa Green House siya kumain. Nagbaon lamang siya ng sandwich na may jam at isang malaking tumbler. Nagpapasalamat siya na nasa kabilang Green House ang maraming turista na nagsasawaga ng fruit picking.

Siya lamang mag-isang kumain nang tanghalin. Sumama sa mga kasamahan nila si Judith at walang problema naman iyon sa kaniya. Hindi niya pinagdadamot ang babae. Wala sa loob na kinagat niya ang sandwich nang may nagsalita sa kaniyang likod.

"Kumusta ang tuhod mo?"

Nagtama ang mata nila nang lalaking pinagkaguluhan ng mga kasamahan niyang babae. Tinignan lang niya ito nang ilang segundo at binalik ang atensyon sa kinakaing sandwich.

"Ayaw mo ba akong kausapin?"

Hindi niya ito pinansin. Isa sa tinatak sa isipan ni Marie, hindi makikipag-usap sa mga lalaking kasama niya sa farm. Kung naging babae pa ito, baka sakaling ngitian niya ito saglit.

"Hindi ka sumama mag-lunch sa mga kasamahan mo?"

Wala pa rin sagot sa kaniya. Inabot niya ang kaniyang tumbler at binuksan ito. Tinungga niya halos lahat ng laman ng tubig.

Narinig niyang natawa ito sa kaniyang likuran. Walang emosyong sumulyap siya rito. Hinihintay niyang sabihin nito kung bakit ito natawa.

"I like you."

Nagulat siya sa deritsahang saad nito at ang lawak ng ngiting binigay sa kaniya. Panglimang lalaking nagsasabi sa kaniya na gusto siya kaya 'di na siya masyadong nag-react.

Tumayo siya mula sa kinauupuan at inayos ang bag na nilagyan niya nang kaniyang baon. Nagpanggap siyang 'di narinig ang sinabi ng lalaking siya yata ang napiling pag-tripan. Sorry na lang, dahil tama si Judith. Matanda na siya at wala na siyang panahon sa ganiyan stage ng buhay.

DOMINANT 8 : Indestructible (Completed) Gallagher SvenssonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon