"Hindi ko nga alam!" sigaw ko kay maisie
"Ikuwento mo kasi ng maayos yung detailed talaga!" pagpipilit niya sakin na ikuwento kung ano nangyari sa pagkikita namin ni zayden.
Andito kami ngayon sa locker namin para kumuha ng PE uniform dahil maglalaro kami ng basketball. Yung boys naman yung maglalaro ng volleyball. Requirement namin sa last sem namin na maglaro talaga ng totoong game ng basketball yung hindi practice nalang, ganon din sa mga boys. Kaya ngayon practice lang muna ginagawa namin.
Kinuha ko yung blue na PE short namin tsaka v-neck blue t-shirt na may maliit na logo ng school. I grabbed my white tennis shoes tsaka lumayo na kay maisie. Hinabol niya pa rin ako at pumasok na kami sa ladies room.
Nauna akong pumasok at kasunod siya
"I swear kapag naging kayo ni zayden. I'm gonna libre you and lia the foods that you want" sabi niya habang papasok ng cr.
Nanlaki ang mata ko ng may mga babae sa harap ng lababo at naglalagay ng liptint. Hula ko mga taga grade 9 sila. Napatingin sila samin ng marinig ang pangalan ni zayden. I knew it. Basta mga bata hatakin talaga ang lalaking 'yon sakanila.
"Close po kayo ni zayden, ate?" tanong nung isa. Todo ngiti pa siya habang tinatanong.
Wow galing hindi siya nagkuya kay zayden pero sakin may ate.
Ngumiti lang ako sakanila "Hindi kami close" tsaka pumasok sa cubicle para magbihis.
Paglabas ko ay wala na sila at si maisie nalang natitira. Nag susuot siya ng sapatos niya habang ako ay ganun din ang ginawa. Hinintay niya ko matapos at pumunta na kami sa gym namin.
Nagtali muna ako ng buhok. Hindi naman masyado mahaba buhok ko lampas lang siya ng shoulder ko pero maiinitan ako mamaya pag naglalaro.
Nakita na namin si Lia na nag wawarm-up. Pumunta kami sakanya tsaka nag warm-up. Nilibot ko ang mga mata ko hanggang sa nakita ko si zayden na nag wawarm-up din sa kabilang side. Bigla siya tumingin sakin kaya nagtugma ang mga mata namin. Nagulat siya kaya napatigil siya sa ginagawa niya. Muntik na ko matawa.
Nagsidatingan na din ang mga kaklase namin. Nagstart na kami magpractice. Nakakatuwa lang kasi hindi kami masyado marunong pero todo laro lang kami. Akala mo naman mga magagaling.
"Sige elise i-dribble mo pa!"
"Pasa niyo sakin dali!"
"Ouch! Ang sakit naman"
"Ay nahulog. Sipain mo bilis!"
"Danica crush mo ba yun?" sabi ni Lia sakin kaya napalingon ako sa likod. Paglingon ko ay wala naman. Bigla niya lang inagaw sakin ang bola tsaka tumakbo ng mabilis. Naisahan niya ko dun.
Nang matapos ang laro namin na hindi ko maintindihan kung basketball ba yun ay nagpahinga muna kami. Kinuha ko yung bag ko at pinatong sa lap para kumuha ng tubig at towel.
Kapagod. Sana volleyball nalang nilaro namin mga girls. For sure mataas grades namin sa PE kapag ganyan.
"I would never play that game after our last semester ever. Nakakapagod" sabi ni Lia
"Me too!!" sabat ni maisie
Pagkatapos namin magpahinga ay napagdesisyonan namin na kumain muna sa canteen. Sino ba naman hindi magugutom pagkatapos ng laro? Bumili lang kami ng spaghetti tsaka orange juice. Masarap kaya spaghetti na niluluto dito. Favorite ko 'to palagi bilhin.
Pasubo na sana ako ng pagkain nang may pumunta sa lamesa namin na mga taga lower years. Ito yung kanina sa cr na nagtanong sakin.
"Hi ate! Tanong ko lang sana kung alam mo nasaan si zayden?"
Kanina dalawa lang yung kasama niya tapos ngayon ang dami na nila. Nadagdagan ng tatlo.
Kita ko nagtaas ng kilay si Lia sakanila. Napansin niya din siguro na di sila nag kuya.
"Hindi ko alam eh sorry" sabi ko nalang
"You could tell us ate alam ko pong close kayo eh dine-deny niyo lang. Kaklase niyo po siya diba?" this time ako na nagtaas ng kilay sakanila. wow ha.
"I told you already hindi nga okay?" pinalibot libot ko nalang ang spaghetti sa tinidor dahil hindi ako makakain habang may istorbo.
"Okay girls, if wala na kayong itatanong you can go now" mahinang sabi ni lia pero iritado na
"Ang rude niyo naman po. We just want to ask something" sabi nung isa
What? Are we rude? We just want them to go so that we can eat peacefully. We also answered their questions. In what part are we rude?
"Danica already answered your questions sana naman kuntento na kayo dahil iyon ang totoo and in the first place crush niyo lang naman si zayden. I bet all of you hindi niya kayo kilala so you don't have the right to know where he is kung wala naman kayo kailangan sakanya" pagtataray ni Lia sakanila.
"Stop asking us too many questions. We already gave you the answer" sabi ko
Masama na ang tingin nila samin. Grabe na talaga ngayon. Kung sino pa ang mas bata sila pa yung mas matapang.
"Oh ayan na hinahanap niyo. Zayden hinahanap ka daw nila!" nataranta sila nang dumating si zayden kasama si levi.
Hindi nila alam kung aalis sila or hindi. Pagdating ni Zayden ay nakayuko sila. I smirked. Sino kaya kanina ang nagtatapangan? Wala pala sila pagdating ni zayden eh.
"Why?" tanong niya. Tumingin siya samin specifically saakin at tumingin din sa mga bata.
Nagtataka siya sa nangyari. Nakapagbihis na sila. Samantalang kami pawisan pa galing sa game.
"Hinahanap ka daw nila tapos kami ginugulo dito."
"Si danica ginugulo nila" sambit ni maisie. Hinampas ko ang paa niya sa ilalim ng mesa kay napa 'ouch' siya
"We were just asking if friends kayo ni ate danica, kuya" sabi nila
Napasapo nalang ako sa noo ko. May kasama na kuya ngayon? Parang kanina first name lang tawag nila.
"Why would you even ask? Ano naman ngayon kung magkaibigan kami" he said
Napatabon si levi ng bibig niya sa palad niya. Tapos nag apir sila ni lia.
"Ano kayo ngayon? Narinig niyo naman mismo sa crush niyo, ok? So shoo" pagsaway ni maisie
"It's okay lang naman po na friends kayo" sabi nung babae na nasa harapan na parang leader nila. Mahaba yung buhok tapos morena. Hindi naman kagandahan, magaspang pa ang ugali. Todo pa cute pa siya kay zayden.
"Pero are you sure po na friends lang kayo?" tanong nung nasa likod na naka ponytail.
Hindi ko alam ba't natatawa ako sakanila. They really went over this just to ask baka girlfriend ako ni zayden? Porket magkaibigan kami? Sabagay wala akong kilala na may ka close siya na babae. Kaya ganyan siguro sila magreact.
Patayo kaya sila fansclub ni zayden tapos siyempre leader yung naka mahabang buhok.
'Zaydenatics' perfect!
Naghihintay kami ng sagot ni zayden. Napaisip siya. Parang hindi pa siya sure na friends kami?
"I never said that we're friends..."
He pressed his lips "..we will never be friends"
YOU ARE READING
Yesterday's Unfold
RomanceDanica Jayce Mendez is persistent to have a good life even before she was adopted to a good family until he met Zayden Alde. One day as they discovered one thing, their relationship slowly grew apart. Is that enough reason for them not to stay? or t...