Chapter 1

6 0 0
                                    

"Condolence dani"

Upon hearing those words dun ka na talaga natanto na wala na nga talaga si tatay. Kami nalang dalawa ni tatay ang namumuhay para saamin dalawa. Ang nanay ko naman ay hindi na namin ma contact sa paglipas ng taon ng pumasok siya bilang kasambahay sa isang mayamang pamilya. Sabi ng tagabantay dun sa bahay ay umalis sila sa ibang bansa bitbit ang nanay ko.

Maiintindihan pa sana namin ni tatay kung sana nagpaalam siya saamin. Pero ni text o tawag ay hindi niya nagawa. Kaya ng magkasakit si tatay ay parang naging mahirap para saakin. Kinakaya ko basta may makain lang kami at makapagtapos ako sa pag aaral ay hindi ko iniisip kung ilang trabaho ang magagawa ko pagkatapos ng eskwela at mga araw na walang pasok.

Nagkasakit si tatay dahil sa stroke. When I saw him lying, I was so eager to stop the time.Kung pwede lang sana. Kung kaya ko lang sana.Madami kaming pangarap. Pero paano na natin matutupad lahat ng iyon 'tay kung wala ka na?

"Dani meron gustong makausap ka" tumalikod ako ng kalabitin ako ng kapitbahay namin

"Sino po?" siguro may dumating na kamag anak ni tatay

"Puntahan mo nalang" sabi ni aling cecile

Sabi kasi ni tatay ay matagal na siyang walang komunikasyon sa mga kamag anak niya nung tinanong ko siya dahil kahit minsan ay wala siyang pinapakilala sakin na mga pinsan ko.

Tumayo ako para alamin kung sino iyon. Nang may nakita akong dalawang babae na parang naka uniporme at napatanto ko na taga DSWD sila.

"Condolence sayo danica" sabi nung isang babae

"Alam kong mahirap sa'yo ngayon na magdesisyon pero bago namatay ang tatay mo ay pumunta siya samin upang ipaalam na kung may mangyari man sakanya ay hahanap kami ng mag aampon sa'yo" hinaplos niya ang aking buhok

Hindi ko mapigilang umiyak. Hindi sa bigla akong ipapaampon kundi yung bago mamatay si tatay ay ako pa rin ang iniisip niya. Ayaw niya kong mapag isa.

Tumango nalang ako sa kanila at bumalik sa aking upuan. Tiningnan ko lang ang nakangiting litrato ni tatay.

Kaya pagkatapos ng kanyang libing ay pinatira muna ako sa bahay ampunan bago dumating ang mag-asawa na aampon sakin. Sabi dito ay mayaman daw sila at walang anak.

Isang araw ay dumating sila at inasikaso ang mga papeles. Hanggang lumipas ang buwan na naging legal guardian ko na sila. Kaya sa edad na labing apat ay namuhay ako na naging mabuti ang aking buhay at  nakakatanggap ng mga bagay kahit hindi ko man hinihingi sakanila.

"Omaygash dani you won't believe what I saw kanina" may humampas sakin kaya umangat ako ng tingin

Nagstretching pa ko galing sa pagtulog. I glanced in my watch and 20 mins palang simula nung natulog ako. Lunch time namin ngayon kaya natulog muna ako dahil tinapos ko pa ang kdrama na pinapanuod ko kagabi. Pano ba naman lagi akong nabibitin. Kaya sa kaka- last episode ko umabot na ko ng alas tres ng umaga.

"Inaantok pa ko eh. Ano ba nakita mo?"

"Zombie sis" turo niya sakin "I saw a zombie dahil sa lalim ng dark circles around your eyes" tine trace niya pa gamit nung index finger niya.

"Yan sige kdrama pa more" sulpot ni Lia

"Nabibitin ako sa susunod na mangyayari eh. Teka nga ano na ba sasabihin mo?" tanong ko kay maisie

Naging kaibigan ko si maisie dahil hindi daw ako nagreklamo o nagtanong sa pagiging conyo niya. Akala kasi ng marami kapag conyo ka ay maarte ka na. Pero hindi naman sila maarte. Meron siguro na ganon pero hindi lahat. It is just their style of talking. To say what they want to say. To express what they want to express. Kaya wag natin silang ijudge na porket conyo sila ay ma aarte na.

"I was like nagulat kasi nga diba your crush from other section went here and sis may sinundo siya na classmate natin habang natutulog ka"

"Diba transferee yun? Baka pinsan lang niya yan na napagutusan lang ng mama niya na alagaan muna siya habang first day. Don't jump into conclusion kaagad" sabi ni lia

Si Lia naman yung parang nanay samin tatlo. We always hear sermons or mga parangal na alam namin na tama naman.

"Why? Akala mo ba pag kamag anak niya gagawa siya ng time for that?" patuloy sila nagdidikusyon

It's been 2 years since I became part of the family to the two couple who adopted me. They always been well and they always spoil me especially mom. Nakapasok na din ako sa magandang paaralan. But after those things, I would never forget to the one person who makes me a better person and always been there for me since then. My tatay.

"Teka nga lang, kung makapagsalita kayo parang kilalang kilala niyo siya?" singit ko sa usapan nila

Tumigil sila "Sabi ko nga" kilala lang naman nila yan sa mukha at pangalan. Hindi naman siya sikat dito sa campus kaya walang akong kaagaw. Charot.

"Sabihin mo nga kung pano mo ba yan naging crush at anong ugali meron siya" sabi ni Lia

Ewan ko bakit pumipigil siya ng ngiti tsaka tumitingin sa likuran ko. Parang mag aagawan pa kami ha? Tiningnan ko siya ng masama. Tiningnan niya na ko kaya napansin niya ang masamang titig ko.

"Anong tingin yan? Dali sabihin mo na"

"May pagnanasa ka ba sa crush ko?" tanong ko sakanya at sumandal ako sa aking upuan. Umupo naman siya sa harapan ko sa may armchair kung saan ka nagsusulat.

"ogag hindi sabihin mo na dali"

"He's responsible, gwapo, mabait at matulungin kasi one time nahulog mga gamit ko sa hallway tinulungan niya ko tsaka pag angat ko ngumiti siya sakin omayghad grabe na love at first sight yata ako" hinampas ko si maisie tsaka nagsigawan kami na kinikilig

"Araguy" sabi ni lia. Siguro nasagi namin siya ni maisie pero hindi ko na napansin yun dahil hindi matigil ang pagyugyog ni maisie.

Magsasalita pa sana ako ng may umubo sa likod namin. Basa ang sahig kaya nabilaukan siguro habang umiinom ng tubig.

Ngumiti samin si Levi kahit umuubo at nagpeace sign. Yung lalaki naman na palagi niyang kasama na tahimik sa klase ay hinahampas siya sa likod ng napakalakas. Parang gusto niyo na pumunta sa kabilang buhay 'tong kaibigan niya sa lakas ng hampas niya.

Naririnig ko naman na tumatawa si Lia sa likod ko. Tinatanong ko naman siya pero hindi niya ko pinapansin dahil natatawa pa rin siya.

"Ambobo mo naman levi hindi ka ba marunong uminom ng tubig" sabi ni lia kay levi

Nang mahimasmasan si Levi ay sinagot niya si Lia.

"Ngumiti kasi 'tong kumag sa harapan ko kaya nagulat ako" turo niya sa kaibigan niya habang natatawa din kaya hinampas siya ulit ng napakalakas nung kaibigan niya. 

Nagtataka akong tumingin din kay Lia at Levi dahil tawa sila ng tawa na para bang may alam sila hindi namin alam. Weird.

Yesterday's UnfoldWhere stories live. Discover now