"Hi, twin sister!"
What the France?!?! At DREI?!? NANAMAN? Bangungot na ba to? Kahit saan ako magpunta nandun din sila?! Kung bangungot to, gusto ko ng gumising! Uggghh!!!
"Hey." Tumayo si Marc at nakipag-appear kay France. Samantalang kay Drei, nakipaghand fist siya. Ganun? Kamay kamay nalang? "Anong ginagawa niyo dito?" Thank you Marc! At ikaw na ang nagtanong niyan. Baka kasi magiskandalo nanaman ako dito pag ako pa ang nagsalita.
"Ito kasing si France eh, gusto din daw niya mag-Steak. Nabanggit kasi ni Chesca na kakain siya dito."
"Yah, that's right! Saka, kilala mo pala si Marc sistah?" Sarcastic na tanong sakin ni France.
Pero hindi ko siya sinagot, tinignan ko lang siya at tinaasan ng kilay. Mukhang napansin naman ni Marc na may tensyon na sa paligid kaya siya nalang ang sumagot for me. "Actually, ngayong araw lang kami nagkakilala."
"OH?! TAPOS DATE AGAD? Wow! Fast mover ka, Ches ha!" Sabi ni France pero di parin ako sumagot. Nananatili lang akong nakatingin sa lamesa para makapagtimpi ako.
"Ah, hindi. More like, acquaintance namin to. May kasalanan kasi ako sakanya tapos gusto kong makabawi."
"Ah, so date nga." Ngumiti naman ang atribida kong kapatid na kitang kita ko sa kutsara. "May natatago ka din palang landi eh."
"France..." Sabi ni Drei.
"What? I'm just kidding. Haha. Saka alam ko naman anga baho ng kapatid ko eh."
"Sinabi na ni Marc na hindi to DATE diba? Saka kung sakaling date to? May masama ba? Ikaw nga e, ilang linggo mo palang kilala kung kumerengkeng ka kala mo, buong buhay mo na yan makakasama."
Natahimik silang lahat sa sinabi ko, hanggang sa nagsalita si Marc na pumutol sa tensyong nagaganap.
"Easy, papangit kayo niyan. Nandito tayo parepareho para kumain ng mainit na pagkain at hindi para maging mainit ang ulo. Kaya chill lang kayo please." Sabi ni Marc.
"Oo nga naman. Wala namang dapat pagtalunan eh." Dagdag ni Drei.
"Oo nga, wala naman talaga eh. Itong girlfriend mo lang yung may problema eh." Sagot ko.
"Excuse me? Wala akong problema, IKAW! Ikaw, Chesca ang may prob-"
"Stop Franchesca!" Drei shouted.
"WHAT NOW? Ako pa may kasalanan?"
"Tama na nga, wala ng magtatalo. Tara na dun sa isang table. Tumigil ka na."
"Ano?!"
Hindi na sumagot pa si Drei at hinigit nalang si France papunta sa kabilang table. Habang kami naman ni Marc naiwan sa table namin, tahimk, walang nagsasalita.
-
Lumipas ang ilang minutong katahimakan hanggang sawakas, nagsalita na si Marc.
"Huy sungit...huy..."
"Ano?!"
"Oh, ang sungit talaga. Wag kana masungit, saka wag ka na diyan matulala."
"Hindi ako masungit, hindi din ako tulala'"
"Sus. Talaga lang ha? Eh samantalang, di mo nga napansin na nandiyan na yung pagkain natin." WHAT? Dumating na yung pagkain? Tinignan ko naman yung table namin para maconfirm pero wala akong nakitang pagkain.
"Liar, wala namang pagkain."
"Liar? Wala pa naman talaga. Hahaha!"
"Sinungaling, sabi mo nandito na yung pagkain"
BINABASA MO ANG
The Love Triangle
RomanceA triangle? I'll make sure to be on top, even if it's just a night.