"May gusto ko sa pinsan mo."
Gulat na gulat si Marc sa sinabi ko, nanlaki talaga yung mata niya't natulala siya. And he didn't say any word.
"Uy, Be!" Pinipilit ko naman magpapansin sa kanya kasi hindi siya kumibo bigla, may mali ba sa sinabi ko? "Be.. Marc! Uy naman." Niyugyog ko yung braso niya para pansinin niya ko pero wala parin, "BE! Ano ba? Bakit ka nana-"
Hindi ako natapos sa sinabi ko ng biglang magsalita si Marc, "Bakit? Kelan pa?" Walang siglang pagtatanong niya sakin.
"Ahm, hindi ko alam kung bakit. Pero matagal na. Bago pa man maging sila ni France, may gusto na ko sa kanya."
Ngumiti naman siya, "Ah, bakit mo sinikreto?"
"Natatakot ako sa magiging reaksyon mo saka baka sabihin mo kay Drei eh."
"All this time, wala ka palang tiwala sakin?"
"Hindi sa ganun Be, may tiwala ako sayo. Malaking malaki pa nga eh."
"Eh bakit ganun?"
"Yun nga natatakot nga ko na may makaalam.na kahit sino. Ayoko kasing dumating sa point na pati si France malaman niya. Ngayon pa ba na, okay na okay na kami. Parang nakakaloko naman yun diba."
"Naintindihan ko na." He plainly said while looking away from me.
"Be? Eh ba't ganyan ka? Galit ka ba?"
Nagfake laugh naman siya sa'kin, "Hindi ah, bakit naman?"
"Eh bigla kang nagiba e, parang nagalit ka sakin."
"Hindi, hindi ako galit. Walang dapat ikagalit. At wala akong karapatan."
"Eh.. Be naman..."
Kinurot niya yung pisngi ko, "Hindi ako galit. Wag mo na isipin yun, ubusin mo na yang pagkain mo. Malalate ka na eh."
"Sige. Be?"
"Mmm?"
"Sorry ah. Kung hindi ko agad sinabi sayo..sorry talaga Be."
"Be, okay nga lang." Nginitiin niya ko, "kumain ka na."
"Pero be? Hindi pa yun yung dahilan kung ba't ako nabadtrip kanina eh."
"Ah hindi pa ba yun? Akala ko dahil lang sa nakita mo buong araw na magkasama si France at Drei eh. Ano pa ba talagang dahilan?"
"Ahm.. ganito kasi yun. May partner partner kami sa D.A kanina tapos yung hayup naming Prof. Alam mo ba ginawa?"
"Ano? Pinartner ka kay Perk?"
"Ay nako! Sana nga kay Perk nalang eh!"
"Ah ba't kanino ba?"
"Kay Drei."
Napatahimik nanaman ng sandali si Marc pero nagsalita rin siya agad, "Oh? Ayaw mo nun? Chance mo na yun."
"Chance ka dyan! Gusto ko na ngang kalimutan yung nararamdaman ko dun sa lintik mong pinsan eh. Tapos napapaglaruan pa ko ng tadhana."
"Eh bakit ba si Drei naging partner mo? Maharot ka din minsan eh no?"
"Hoy di no! Si Ma'am nga yung epal. Dapat kasi si France at Drei ang magpartner tapos kami ni Perk, aba! Alam mo ba sabi? 'Ay ayoko ng magnobyo yung magkapartner. France at Chesca magswitch kayo ng partners niyo.' Yun ang sabi niya! Bwisit diba?"
"Bwisit nga. Pero di kayo umapela?"
"Umapela. Todo todo na nga yung pagapela ko kaso wala eh. Ayaw ni Ma'am tapos si France naman, okay lang daw sa kanya. O edi ano pang magagawa ko?"
"Wala, wala ka na ngang magagawa. Hayaan mo na, isang araw lang naman yata yung gagawin niyo eh."
"Buti sana kung isang araw lang eh. Eh hindi! Buong sem, Be! Buo!"
"Ohh sh*t nga. Pero hayaan mo nalang Be. Macocontrol mo naman sarili mo diba? Aalalayan din kita."
"Oo be, sige..salamat."
"Kaya wag ka na diyan mabadtrip ha?
"Opo na po Sir! Hay! Sana lang talaga.."
"Sana ano?"
"Sana wag akong mabaliw at sana makayanan ko makipagtrabaho ng one on one sa pinsan mo. Yung hindi ako lalong mafafall sa kanya. Sana may makita akong mali sa kanya para masabi ko sa sarili ko na maling mali na nagkagusto ko sa kanya..sana talaga Be."
"Sana nga." Sabi ni Marc n kitang kita ko yung pagaalala at kalungkutan sa mata niya.
BINABASA MO ANG
The Love Triangle
RomanceA triangle? I'll make sure to be on top, even if it's just a night.