Ang sakit-sakit ng tiyan ko! Parang any time masusuka nalang ako. Lintek na pagkain kasi yan, nakakaganang maigi. Ugh! Feeling ko tuloy baboy na baboy nanaman ako.
"Huy, Chesca!" Bulalas ni Marc na patawa-tawa parin sakin.
"Heh! Bwiset! Tigilan mo ko, wag mo ko kakausapin."
Bukod sa nakakabadtrip yung sakit ng tiyan ko, isa pa tong si Marc na nakakabadtrip. Kung pagtripan ako ganun ganun nalang! Kala niya! Gagantihan ko din siya balang araw.
"Bakit ba kasi nagagalit ka sa'kin?" Sabi ulit ni Marc habang kitang-kita naman sa mukha niya yung pagpipigil niya ng tawa.
Tinignan ko lang siya ng masama at saka iniripan.
"Uy, sorry na. Saka, di ko naman kasalanan na isinigaw mo yung pangalan ng pinsan ko eh."
Tinignan ko nanaman siya ng masama, na nagdulot ng pagtatanong niya, "Bakit?" Pero, dahil hindi na ko makapagtiis sa nakakabwisit niyang pagmumukha, pinaghahampas ko siya sa braso niya. "Aray! Hahahaha-aray! HAHAHAHA- Aray ko! So- Hahahaha- sorry-na-BWAHAHAHAHA!"
Matapos ko siyang palupaluin ay kinurot ko naman siya sa tagiliran niya "Tarantado ka talaga! Tatandaan ko yung ginawa mo sakin kanina."
Habang pahimas-himas siya sa tagiliran niya muli nanaman siyang nangasar. "HAHAHAHA! Kasalanan ko ba yun? Tinawag lang naman kita kasi muntik ka ng mauntog sa poste, tapos bigla mong sinigaw yung pangalan ni Drei. HAHAHAHA! Oh? Kasalanan ko pa ba yun? Niligtas na nga kita sa kapahamakan eh. HAHA."
"Leche! Feeling mo naman may gusto ko sa pinsan mo? Porket ba nasabi ko yung pangalan-"
"Sinigaw."
"Urgh!! Fine! Sinigaw ko yung pangalan niya, may gusto na ko agad sa kanya?"
"Eh, bakit mo yun masasabi kung di mo siya iniisip?"
"Hindi ko siya iniisip sabi! Si France iniisip ko."
"Lokohin mo lelang mo. Hahahaha! Ayaw mo pa kasing aminin sakin eh, halata namang may gusto ka kay Drei."
"Ewan ko sa'yo." Yan nalang sinagot ko sa kanya, hindi ko kasi alam kung pwede ko bang sabihin sa kanya na may gusto ko kay Drei, e samantalang, pinsan niya yun tapos close pa sila ng kapatid ko. Nakakairita!
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at pinilit kong hindi pansinin yung pangaasar at pangungulit ni Marc sakin. At buti nalang, bago pa ko mapikon sa kanya, nakita ko na si Maymay.
"May!" Pagtawag ko sa kanya habang tumatakbo ako papalapit kay Maymay.
"Ate." Malaki ang ngiti nito at bigla akong niyakap sa legs ko. Habang tumatagal yung pagkakayakap niya saki'y pahigpit din ito ng pahigpit hanggang sa naramdaman kong nababasa na yung pantalon ko.
"Uy be? Umiiyak ka ba?"
Tumango lang si Maymay.
"Bakit? Anong nangyari?"
"Si-si-Ana-po-kasi," muli nanaman siyang umiyak bago pa niya matapos yung sasabihin niya sakin, "si Ana po kasi, nasa ospital."
"HA?! Bakit? Anong nangyari?"
"Nabangga po kasi siya ng jeep kagabi." Tugon ni Maymay habang patuloy padin siya sa pagiyak.
"Ano?! Bakit?! Paano?!"
Umiling siya, "Hindi ko po alam, pagkadating ko nalang po dito nilalagay na siya sa ambulansya eh."
"Saang ospital?"
"Diyan lang po sa malapit na Ospital dito."
Bago pa ko sumagot kay Maymay, tumingin muna ako kay Marc. Siya naman um-oo siya na tila nagkaintindihan na kami sa ginawa naming tinginan.
BINABASA MO ANG
The Love Triangle
RomanceA triangle? I'll make sure to be on top, even if it's just a night.