Lianne's POV
Kanina pa pala nagsimula ang party at LATE ako. Paano ko nalaman? Maganda kase ako eh. Anong konek? psh.
Nang papasok na ako ay nakita kong napalingon ang lahat, as in LAHAT talaga sa akin. Napaka-dramatic naman ng entrance ko oh. Parang tao naman yung itsura ko eh bakit kaya sila tumitingin? Nakita ko ang mga bruha kong mga kaibigan at agad silang pinuntahan.
"Gosh! Lianne! You look GORGEOUS!", sigaw ni Kate. Kaya mas lalo pang napatingin ang mga tao rito. Malapit na nga yata akong matunaw rito eh
"Oo nga Kate!", pagsang-ayon naman nina Dana. Himala, nagkasundo yata ang dalawa ah.
"Naku, kaya naman mahal na mahal ko kayong mga bruha eh! Magaganda naman kaya tayong tatlo! haha", sabi ko.
Baka sabihin niyong ang kapal-kapal ng mga pagmukha namin, pero totoo naman talaga. Bawal kase ang sinungaling. We're just being honest noh! As in capital H-O-N-, okay, alam ko namang magaling kayo sa spelling eh.
"Tara na girls! kumain na tayo, baka nagugutom na kayo eh!", Kate.
"Hoy! Kate Lyn White! Wag mo na nga kaming idahilan kung nagrereklamo na ang mga alaga mo dyan!",Dana
Kailan pa ba matitigil ang palaging pag-aaway ng dalawang ito? Parang kanina eh magkasundong-magkasundo sila ah
"Oh, tama na yan. Kumain na nga lang tayo", Ako. Mabuti nga at andito ako na palaging nag-aawat sa dalawang yan.
Pati ba naman sa pagkuha namin ng pagkain ay hindi pa rin titigil ang mga taong ito sa kakatitig samin?
Teka, eh parang hindi naman kaya kami ang tinitingnan nila ngayon eh. Napatingin ako sa gilid namin at nakakita ng tatlong naggwawgwapuhang nilalang. Napatitig ako dun sa pinakagwapo sa kanilang tatlo at napansin ang piercing nya.
AN (Nasa right yunh picture ni Gwapo!)
"What are you looking at?!", sigaw nung lalaki.
Aish. nakakahiya naman to. nahuli ba naman akong tumititig sa kanya? At sinigaw nya pa talaga kaya naman napatingin ang lahat dito sa amin. Sa tingin nya ba, bingi ako? magkatabi lang nga kami eh. Sisigaw pa! Baka akalain nyang pinagnanasaan ko ang macho nyang katawan at napakaganda nyang mga mata na parang hinihigop ako.
"A-ah. W-wala", sagot ko. Gosh, bakit ako nagstutter?
"Hey Liam, calm down bro. Kawawa naman si Miss-?" sabi nung kasama nya
"Lianne.", sagot ko. So, Liam pala ang pangalan ng suplado.
"Pasensya ka na Lianne sa kaibigan namin ha? ako nga pala si Darrel at si Kaiser naman itong kasama namin. Mga transferees kami dito", Darrel.
"Ako pala si Kate at siya si Dana.",bigla namang sulpot ni Kate. Ang kaibigan ko naman talagang ito, ang landi-landi. haha
Naalala ko na lang tuloy yung sinabi kong sana may transferee rito. See, nothing's impossible talaga!
Nagbatian naman kami sa isa't isa maliban na lamang sa gwapo at supladong si Liam. Teka, anong sabi ko? GWAPO? Ang pangit kaya nito. YUCK! joke lg. Gwapo naman talaga eh. haha. Napatingin na naman ako sa kanya.
"Whatever.", Liam. At tiningnan nya ko nang masama. Naku, mukhang may PMS tong lalaking ito eh. Buti pa yung mga kaibigan nya, ang babait.
"Oh cge girls, mauna na kami ha? Nice meeting you all", Kaiser na nagwave naman sa amin.
"Same to you boys.", sabi ni Dana. Teka, mukhang may Chemistry itong mga to ah? Physics lg yung sa akin. XD
Paalis na rin sana kami nang biglang. . .
*BOOGSH!*
AN
ok lang po ba?
-MsNightdreamer

BINABASA MO ANG
Red String of Fate
Teen FictionDestiny? uso pa ba yan ngayon?? Ang Pulang Tali ng Kapalaran :) Take time to read. First story ko po ito :D