SULLI'S POV
2months later..
After two months maraming nangyari, maraming nagbago.
Hindi ko alam na sa simpleng joke, mangyayari 'to.
Hindi ko na alam kung paano pa lalagpasan 'to. Ayoko mang tuluyang mainlove sakaniya pero, i know na malapit na.
Naaasar ako kasi pafall siya kaya eto ang sitwasyon ko ngayon. Ang hirap kasi alam ko na hahantungan ng nararamdaman ko. Kasi everytime I fall inlove, nasasaktan lang ako dahil hindi naman nila ako kayang mahalin rin.
Never ko pang naranasan na mahalin ng taong mahal ko.
Takot ang nararamdaman ko dahil takot na akong masaktan katulad ng nangyari saakin nung mga panahong mahal na mahal ko si Chanyeol.
Ayoko. Yun ang una akong nasabi nung naramdaman kong nafall inlove na ako sakaniya. Iiyak lang ako, alam ko.
Hindi ko alam kung aaminin ko ba sakaniya kasi ayoko ng itago pa 'tong feelings ko.
Kagabi pa ako nakapagdesisyon na aamin na ako eh pero kasi parang umaatras yung katawan ko at lakas ng loob ko.
Sa huli, tinext ko siya at pinapunta sa rooftop ng school. Aamin na ako at sure na ako dun.
Umakyat na ako sa rooftop. Gusto ko siyang unahan sa pagpunta doon dahil baka pag nauna siya, mawala nanaman lakas ng loob ko.
Nanginginig yung paa ko habang umaakyat at parang lalabas na yung puso ko dahil palapit ako ng palapit sa rooftop.
Pagdating ko dun wala pa naman siya at walang tao dito. Naupo ako sa gilid tsaka nagisip kung tama ba 'tong gagawin ko.
Dapat lalaki gagawa neto tapos heto ako, aamin sa taong mahal ko na hindi ko alam kung mah--
“Sulli?” Natigil yung pagiisip ko nung marinig ko boses niya. Ang anghel niyang mga boses na talagang gustong gusto ko.
“Hi” Sabi ko at parang ewan ako kasi parang umaatras dila ko.
“Ano yung sasabihin mo? Ako rin pala may sasabihin” Sabi niya.
“Ako muna!Kasi pag di ko 'to nasabi ngayon baka di na ako makapagsalita mamaya. Makinig ka lang tsaka wag kang magsasalita. Nung una, alam kong hindi naman ako mafafall sayo kasi lagi tayong nagaaway. Alam ko sa sarili ko na joke lang lahat ng sinasabi ko na 'crush kita' kasi si Chanyeol ang mahal ko. Pero kasi nagiba yung ihip ng hangin, nagiba yung nararamdaman ko. Hindi naman talaga dapat mangyayari 'to eh. Jungkook, kasi ano-- Jungkook ano gusto ko lang sabihin na ano-- kasi Jungkook--” gusto kita. Naputo yung sinasabi ko ng magsalita siya.
“Ang dami mo namang sinabi Sulli *tawa* Malalate ako sa date ko eh. Ang gusto ko lang sabihin na kami na ni Taeyeon. Ang galing diba? Last week lang. Di kasi kita mahanap kaya ngayon ko lang nasabi eh. Sorry naputol yung sinasabi mo ah? Excited na kasi akong sabihin sayo eh tsaka may date pa kami. Sige ituloy mo na yung sasabihin mo” Sabi niya. Nararamdaman ko na yung luha ko kaya yumuko ako.
“JUNGKOOK!NYETA!PAFALL KANG LECHE KA!MAHAL KITA HA!? TAPOS YAN ANG SASABIHIN MO SAKIN NGAYON? MAMATAY KA NA! MABULOK KA NA SANA! MASYADO KA KASING MALANDI, AKO NAMAN SI TANGA NAGPALANDI! TANGNA JUNGKOOK KUNG HINDI DAHIL SA ILONG MO HINDI MAGKAKAGANTO! TAENA MO JUNGKOOK PAKAMATAY KA NA” Sigaw ko sakaniya tsaka nagwalk out.
Maganda na sana yung pagwawalk out ko kaso.. Nadapa pa ako.
“Sulli! Ok ka lang!? ” Sabi niya tsaka ako nilapitan at tinulungang makatayo. Pinabitaw ko sakaniya yung kamay ko.
“Bitawan mo ko. Oo ok lang ako sobraaaang ok!Alis diyan” Sabi ko tsaka siya pinaalis sa harap ko tumakbo na ako pababa tsaka umuwi na.
Sinasabi ko na nga ba. Alam kong masasaktan lang ako kay Jungkook eh. Tangina bakit kasi siya pa? Ang daming lalaki diyan oh? Lecheng puso 'to. Ayoko na talagang magmahal, natatakot na ako.
Never na akong magmamahal sa ngayon, magfofocus muna ako sa studies ko. Ayokong mabigo sila Daddy at Mommy sakin.
Magmomove on na lang ako kahit alam kong mahirap. Mas minahal ko si Jungkook kesa kay Chanyeol. At alam kong mas masakit 'to. Sana mas mapabilis yung pagmomove on ko kahit alam kong imposible.
---
A/n: THE END. OH YIZZZ~
SORRY SA TYPOS AT WRONG GRAMMARS AT KUNG ANO ANO PANG ERROR~ TINATAMAD AKONG MAGEDIT :P THANK YOU ATE SAMMU FOR THE BYUTIPUL COVER :* JUNGKOOK SA MULTIMEDIA = ̄ω ̄=VOTE x COMMENT.
-otor na asawa ni Kim Taehyung
