Shout-out!

56 2 0
                                    

(DARA'S P.O.V )

" I LOVE YOUUUU RAYVEEEEEEER!!!"

"Uy Ke-Keilah.. N-nakakahiya na oh..."

Ano ba kasi 'tong si Keilah!

"Sandali lang Cuz ! Last na lang!"

Eeeeeh.... /(>\\\\\<)\

Nakakahiya... Halos lahat ng taong naiwan sa campus tumitingin sa lugar kung nasaan kami.

Buti na lang nagsi-uwian na halos ng estudyante.

Huminga siya ng malalim tsaka...

"I LOVE YOU XANDEEEER!!! SA AKIN KA NA LANG PLEEEEAAAASE!!! SESERYOSOHIN KITA!!!! DI KITA PAGLALARUAAAN!!! PROOOOMIIIISEEEE!! "

"Oh? Tapos ka na?"

Tanong ko sa kanya.

"Hehehe! Oo! Salamat 'Cuz ha?"
-pahingal niyang sabi

"Haynaku! Kung di lang kita mahal hindi talaga ako sasama sayo eh.."

"Oo nga eh! Buti na lang love mo ako." - pangiti-ngiting sabi niya sa akin.

"Tara na nga! Bumaba na tayo! Baka mamaya bigla na lang tayo mahuhulog dito."

"Eh? Ang O.A mo naman 'Cuz nasa second floor lang naman tayo tsaka matibay ang pagkakagawa ng building na ito eh.."

'Matibay nga pero luma na... May possibilities kaya na bigla na lang masisira ang building na to! Keilah talaga eh!'

"Ah basta! Bumaba na nga lang tayo! Baka nandyan na yung sundo ko." - sabi ko.

"Oh? Diba friday ngayon? 'Kala ko every friday malelate ang pagsundo sa'yo? Asuuuus! Aminin mo lang! Takot ka sa heights! Ahhahahaaha!"

"Hindi ah! Nagiging maingat lang ako." -pagtatanggi ko.

Aish! Naalala niya pa! (>_<)

"Weh?"

'Bakit? Ganun na ba talaga kahalata na nanginginig na ako sa takot?'

"Oo nga sabi eh! Hmp! Bahala ka nga diyan!"

Tsaka ako nanginginig na bumaba sa hagdan habang nakahawak ng mahigpit sa railings.

Nakatapak na lang ako sa lupa pero di pa rin siya pababa ng hagdan.

"Last na 'toh! MAHAL NA MAHAAAA----"

"BAHALA KA MAKIKITA MO SI THE GRUDGE DIYAAAAN!"
-putol ko sa isisigaw niya tsaka tumakbo palayo sa lumang building na pinanggalingan ko.

'Hihirit pa eh!'

"WAAAAAH!!! 'CUZ HINTAAAAAAAY!"

Tsaka siya nagmadaling bumaba sa hagdan at sumunod sa akin.

'HAHAHAHAHA!!! KAHIT KELAN TALAGA TAKOT PARIN SIYA SA THE GRUDGE!!'

MONDAY na ngayon! At maaga kaming pinauwi ng prof kasi may meeting sila.

Hinahanap ko nga si Keilah sa may lobby eh! Working kasi siya kaya kailangan niya pang mag-linis.

Ewan ko ba dun! Kaya naman nilang bayaran yung tuition pero sabi niya for "experience" daw..

Pfft-- Sa sobrang tamad 'nun nagsumbong na din sa akin pati mama niya na di daw tumutulong sa gawaing bahay tapos nagworking? Kamusta naman yun diba?

~Ring~ ~Ring~ ~Ring~

'Sino naman kaya itong tumatawag?'

Hinanap ko nalang yung cp ko sa loob ng bag ko habang naglalakad.

Shout-out!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon