XII

57 1 0
                                    

XII

VINCE 

Hindi ko alam kung ano ang mas iiisipin ko sa ngayon.. ang gagawing surprise ni Calix at pagkontsaba niya sa amin o ang maayos na pagmamaneho ko papunta sa bahay ni Miri. Today is the College Night, and I'm heading to Miri's house to pick her up. 

Kinapa ko ang phone ko sa dash board nang umilaw ito at nag-vibrate. Pagka-angat ko ay nakita ko agad ang pangalan ni Miri na may naiwang text para sa'kin. Agad ko iyong binuksan habang nagi-slowdown sa pagmamaneho. 

From: Miri

San ka na? 

"Oh. Shit." Nalate na ba ako? Tinignan ko ang oras sa phone ko at 6pm pa lang naman. The party will start at 6:30. Inagahan ko na nga ang pagbibihis ko para hindi ako ma-late sa pagsundo ko sa kanya. 

If I continue texting her, I might not get to her house safe. I dialed her number at sinaksak ang earphones sa aking tainga. Just two rings then she pick up. 

"Hey." 

"Oh, Hey! Uhmmm, malapit ka na ba?" Naririnig ko ang ingay mula sa hair blower na siguro ay ginagamit niya. 

"Give me 10 minutes and I'm there. Am I late?" I stopped at the red light. 

"No, no!" Nagpa-panic na siya sa kabilang linya at narinig ko ang pagpatay ng blower. "I just asked kasi nabo-bored ako and I don't have anything to tell you... kaya, ayun." 

I bit my lower lip. My Miri is too cute. "What are you doing?" Pinaandar ko na ang sasakyan nang nagkulay berde na ang ilaw. 

"Just sitiing. Inaayusan kasi ako dito sa bahay, and I don't have anyone to talk to." Tumango ako kahit na alam kong hindi niya ako nakikita. 

"Is that so? Do I have to speed up? I can be there on five," Binilisan ko pa ang pagpapatakbo. Miri is bored, it's evident in her voice. I don't want her bored. 

"Ano ka ba!" She spat. "I want you here safe! I just... I just want to talk to you." I bit my lower lip to prevent myself from smiling. 

"You miss me already?" Nanunuya kong tanong habang nakangisi. 

"No!" Mabilis niyang sagot ngunit binawi niya rin ito kaagad. "I mean, yes! Ugh. Hindi pala! Aish! Bahala na nga! Bye!" Akala ko ay papatayin na niya ang linya nang may idagdag pa siya, "Ingat!" 

Napatawa ako nang pinatay niya ang tawag. I shook my head a lot of times to get the smile off my face but I just can't help but smile. 

Habang papaliko ako sa subdivision kung nasaan ang bahay ni Miri ay umilaw ulit ang phone ko. Dinampot ko ito nang tumigil ako sa tapat ng guard house. Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan at tinanguan ko siya. Ngumiti lang siya sa'kin, kilala niya na rin ako dahil madalas ko nang ihatid si Miri pauwi. Bago paandarin uli ang sasakyan ay binasa ko muna ang text ni Calix. 

History [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon