May pasok na bukas! Paano nako Magbibike? Magbabasketball? Magska-skate? Katapusan na ng mundo! Libing niyo na ako. Hindi ko na kaya yung paghihirap nato! Mas matindi pa ang hihirap ko kesa sa mga taong nagtatago sa mga Hapon dati, Sa mga magsasaka na nag-aani ng gulay sa bukid ng tanghaling tapat, tsaka sa aling labandera na tatlong basket ng damit ang lalabhan! at pwede na din akong mabaliw kagaya ni Sisa sa NOLI ME TANGERE. Kailangan kong ipaglaban to! Hindi pwedeng may pasok!
BOOOOOGSH!!!!!!!!
Aray! bastos yun ah? napalingon ako sa nagbato ng royal na walang laman .
Nakita kong nakangisi si Tuck habang nakatingin sakin, tapos yung tatlong Itlog tinatawanan ako. Loko tong Tuck-in na to ah? Istorbohin ba naman ako sa Day Dream ko? Aish!
"Hoy Tuck-in inaano ba kita?!!!" kunot noo kong sigaw sakanya.
Tinawanan niya lang ako kasama yung tatlong itlog."Hoy sumagot ka Tuck!!!!!"
"Muka ka na naman kasing tanga! Kinakausap mo pa sarili mo! Malala kana! hahaha" At tumawa siya ulet, muka ba talaga akong tanga? Parang di naman. Babatuhin ko na sana ng mineral water si tuck ng biglang ...
Ringgggggggggg!
Kinapa ko yung phone ko sa back pocket ko, di ko na tinignan kung sino yung tumawag. Basta ko nalang sinagot "Hello?"
"Hoy Sarinoooooo! nasan ka? tinawagan ako ng mommy mo! Hinahanap ka! Di ka daw nila macontact" napataas naman ako ng kilay, natawagan niya nga ko tas di macontact? ano to lokohan
"Nandito ako sa plaza, Nagska-skate board. Anong hindi macontact? Pano mo ko natawagan kung di nila ako macontact? Utak nga Gel" iritadong sagot ko. Minsan talaga ang luwag ng turnilyo neto sarap sabunutan eh. Pasalamat siya bestfriend ko siya at kapwa babae ko siya kung hindi.. nako
Tawag saken ng mga barkada ko ay Sarino, kasi daw ang boyish ko daw masyado manamit at gumalaw kaya di bagay yung Sari
"Ou nga no?— ah basta umuwi ka na! Nako nako lagot ka na naman sa mommy mo!" Pasigaw niyang sabi saken. Ini-imagine ko na yung muka niyang namumula sa galit hahaha, priceless hahaha
"Oo na sige na, ako na bahala doon. Bye Panget hahaha—" Binabaan ko na siya.
Bestfriend ko yung tunawag si Gel, Full name niya ay Angel Reyes. May taglay siyang pagkatanga pero at the same time matalino.
Pero paano na to? di pa nga ko tapos sa isang kong problema meron na naman. Yung una pano ko mapapatumba yung presidente ng pilipinas para mapatupad na wala ng pasok at Yung pangalawa kung pano ako mag-eexplain kay mommy? Bahala na nga letse. Bakit ba kasi ang aga umuwi ni mommy? nakakainis naman! mapapauwi ako ng maaga neto. Ayoko pa naman sa bahay sobrang boring dun'
Tinawag ko yung mga barkada ko para magpaalam na mauuna nako. Nagsilapitan naman sila isa- isa..
"Aga mo naman ata eneng?" bisayang sabi ni Mike, badjao talaga to kahit kelan
"Ou nga bay! Mamaya na. Kj naman neto!" sigaw naman ni Daniel habang palapit gamit yung skateboard niya. Isa pa tong badjao eh
"Ganyan yan mga dre, Mangiiwan bigla sad no?" madramang sambit naman ni Patrick habang kunyare nagpupunas ng uhog.
"Umalis ka na! Di ka na namin kailangan dito!" Mapangasar naman na sabi ni Tuck. Tinignan ko siya ng masama kaya binelatan niya ko
Parang mga bakla
"Mga Baliw! tinatawag nako ng nanay ko, Urgent daw haha. Sige na, sa sabado naman bike tayo ah? Oy ikaw tuck tara na!"
Kinuha ko yung tenga ni tuck at umalis na kami. Kumaway nalang sila.
