Kabanata 4

8 0 0
                                    

"Bibeeeeeeeeh!"

"Sa lahat ng sinabi mo masasabi ko lang ay arigatu"

"Hahahahahahaha"

"Basta't may alak may balak"

Napatingin ako sa sala dahil sa ingay ng nga mokong, para kasing mga tanga kanina pa tawa ng tawa.

Yung mga tanga parang taga bundok na wala talagang tigil sa pagtawa habang nagmu-musical.ly.

"Tsssssss"

Nilagay ko sa round table yung mga niluto namin ni angel, sino pa ba aasahan ng mga ugok dito kundi kami lang, wala kasi yung mga maid kaya kami nagluto. At syempre utu-uto naman kami tsssss.

"Hoy kain na, tama na yan para kayong mga taga bundok eh"

"Hala ang angas kaya! Oh dali sarino try mo"

Inirapan ko lang si Miel at dumiretso na sa kusina.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng biglang may nagdoor bell.

Nagkatinginan kaming lahat at sabay sabay na tumingin kay Angel.

"Bakit?" Inosente niyang tanong.

Tinaasan namin siya ng kilay at sabay sabay na ngumuso sa walang sawang pindot ng pindot sa doorbell.

"Oo na! Kainis tong mga to!" Padabog na umalis si gaga at sabay sabay kaming natawa.

"KYAAAAAAAAAAAAHHHHH!"

Nagtinginan kaming lahat at dali daling tumakbo papunta sa labas. Sht.

"Angel!!!!!!" Aniya ni Miel

Pagkalabas ko literal akong napanganga sa nakita ko. Bakit siya nandito?????!!!

"Letse! Akala ko kung ano na nangyare!" Sigaw ni Miel sa hindi maipinturang mukha, mukang galit na gusto maghamon ng suntukan.

Anong ginagawa ng lalaking ito dito? At bakit nakayakap sakanya si Angel????

"Uyyy bro!! Kamusta?" Aniya ni Tuck.

Kilala niya tong gagong to?

Lahat sila lumapit sa dumating at kinamusta at ako nanatiling nakatitig sakanya.

"Kelan ka pa dumating? Hanep wala bang pasalubong diyan?" Sigaw ni Patrick na puno ng saya. Bakit ba nila kilala to? I mean sino ba to? Bakit kilala siya ng mga gago?

"It's been a couple of weeks I guess? Haha" sambit ni pakyu-man.

Oo pakyu-man! Eto yung lalaling namakyu sakin!!

Nagkamustahan sila hanggang sa pumasok kami sa loob, putcha! ako lang ata ang mukang tangang walang alam dito

Napasulyap ulit ako sa lalaking dumating, siya nga, siya talaga yung namakyu sakin!!!

"Oo nga pala! Eto si Sari, Sarino for short" at nagtawanan sila, bobo talaga neto ni Tuck kahit kelan!

"Oh kamusta kana? Buhay ka pa pala?" Sambit niya at ngumisi. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, Sinadya talaga yun!!!

Nagtataka namang tumingin saming yung lahat.

"Magkakilala kayo Bi?" Tanong ni Angel na lalong nagpalaki ng Mata ko

Bi??? Boyfriend niya tong si pakyu-man????

Sa hindi inaasahan, umalis si Miel sa living room at dumiretso sa kusina, problema ni ugok?

Ngunit hindi niya pinansin ang sinabi ni angel at nanatiling nakatingin at nakangiti sakin si pakyu-man.

"Oy oy may hindi ba kami alam dito? HAHAHAHA ikaw sarino ah! May tinatago ka samin ah!" Aniya ni Patrick sabay kindat sakin. Bigla ko siyang sinuntok  sa braso.

"Oh? Bakit tahimik ka? Di mo man lang ba ko kikilalanin San Marino? Este Sarino?" Puno ng halaklak ang nayanig sa loob ng bahay. Na mas lalong nagpainit ng ulo

Namula naman ako sa kahihiyan, lumapit ako sakanya na nakangiti na siyang nagpatigil sa kanilang tawanan. Lumapit ako sakanya na yung tipong 4 inch nalang ang pagitan.

"Sari Fortunato nga pala, Sari for short" nginitian ko siya ng sobra yung tipong makalaglag brief

Napatigil siya ngunit binalik niya agad ang kanyang mga ngiti na mas lalo kong kinainisan! Bwiset to

Inilahad ko sakanya yung kamay ko na may malademonyong ngiti.

Inabot niya yung kamay ko "The name is Fritz, Nice meeting you" kaya kinuha ko na yung pagkakataon, ngumiti ako sakanya ng napakalawak at hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay na siyang nagpatigil sakanya.

"Im not pleased to meet you" tinanggal ko yung ngiti ko at tinignan ko siya ng sobrang sama. Sabay suntok sa sikmura niya.

Napaurong siya sa ginawa ko, kaya tumitig ako sakanya sabay pakyu din.

Kinuha ko na yung mga gamit ko sa wooden bench at umalis ng hindi nagpapalam sakanila.

Sinira mo yung umaga ko pakyuman! Sa sobrang inis natagpuan ko yung sarili kong pumara ng taxi at dumiretso sa Paradise.

———————————————

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected Lifetime Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon