Forgive me for all the typo and grammatical errors that you may encounter while reading. Please love my story as much as I love writing it. Thank you!
-ely
------
Prologue
"Ate! Akala ko ba hindi ka uuwi?"
"Pwede ba naman 'yun? I wouldn't miss my brother's graduation 'no!" I rolled my eyes and hugged my brother.
Pinakawalan ko siya at pinagmasdang mabuti. Marami na ang nagbago sa kanya, napansin ko na tumangkad siya kumpara sa huli namin pagkikita. Freshly-shaved ang mukha at bagong gupit! He's wearing a barong at ang kanyang balatik na nakasash.
"Sobrang namiss kita, ate. Teka, alam ba ni mama na andito ka?"
Marahan ko siyang kinurot sa tagiliran at sinenyasan na 'wag siya maingay. Although hindi naman siguro kami maririnig ni mama dahil sa dami ng tao rito sa quadrangle ng university.
Inabangan ko pang umalis si mama kanina bago ako lumapit. Siguro ay may bibilhin saglit. I want to surprise her!
We were catching up when I felt someone pulled my hair. Pagharap ko ay tumambad sa akin ang nanggigigil na mukha ni mama na parang anytime ay mangsasakmal.
"Aray ko naman! Grabe ha, ganyan mo ba ako namiss?"
"Bwisit ka! Kaya pala hindi ka nagpaparamdam at nagpapadala ha!" I chuckled and hugged her after. Surprise failed.
"Para may thrill lang," at hinampas pa nga ako ng pamaypay niya.
"Thrill thrill, ang thrill kapag sinunog ko mga bags at sapatos sa closet mo!"
Pinanlakihan ko siya ng mata at tinuro, warning her not to touch my babies habang ang kapatid ko ay natatawa na lang sa amin habang nagvivideo.
"Oh ano 'yan, Treston John! Nagbibidyo ka?! Tapos ipopost mo na naman sa facebook facebook na 'yan?! Lintik ka talaga babasagin ko sa pagmumukha mo 'yan!" Tinuturo pa ni mama ang cellphone ni Tres while blocking the camera.
"Graduates and parents, please get ready for the graduation march! Thank you!"
Impit akong napatili at tinulak nang bahagya si Tres at mama na pumila na para sa entrance of graduates. Lumakad sila pero 'di palang nakakalayo ay huminto at bumalik sa akin ang kapatid ko.
I was caught off guard when he suddenly hugged me very tight. "Salamat, Ate. I wouldn't be able to get here without you."
It made me tear up but I smacked her arms, "Sira! Kaya ka nandito kase nagkotse kayo, sakin ba kayo sumakay?"
My brother just smiled, "Sige magjoke ka pa, tingnan ko lang kung makatawa ka pa kapag nakasalubong mo dito si Kuya Sven."
Right. Her sister's also graduating today, I suddenly remembered the time when she asked me to come to her school dahil na-guidance raw sila. Senior high school lang sila noon, she didn't want to tell her Kuya so she called me instead. Of course, Sven found out and scolded us both.
'Di ko na namalayan na nawala na sa paningin ko ang kapatid ko. I watched him take his graduation march like a proud mom. I know masayang-masaya si mama sa achievement ng kapatid ko, pagkatapos ng lahat ng nangyari nairaos namin si Tres sa kolehiyo.
"Dawson, Treston John Lopez! Summa Cum Laude!"
"Ay jusko marimar! Ano raw?! Summa Cum Laude?!" Halos mahimatay si mama sa tabi ko dahil sa narinig. I guess hindi lang ako ang may surprise kay mama.
Pati ako ay nasorpresa, sobra-sobra pa ito sa gusto kong maabot niya sa college. Kahit ano, basta makapasa at makagraduate siya masaya na ako. Pero ito ang ibinigay niyang kapalit!
"Ma, Ate, tara na sa stage oh. Pinagtitinginan na tayo."
Hinampas-hampas ko siya habang lumuluha. Pati si mama ay naiyak na dahil hindi namin ito inexpect!
Nakipagkamay kami sa faculty and executive staffs ng university na nasa stage. Inabot nila kay Treston ang diploma, and kay mama ang certificate, and gold medal na bigay daw ng Governor.
"Congratulations po Ma'am! Ang galing po ng anak niyo!"
"Nako, Mr. President! Hindi nga po namin alam na summa cum laude 'tong si Treston! Inilihim pa sa amin!"
It was so surreal. They were all chanting, "Master Tres! Master Tres!" I guess they were from same department as his.
I smiled as we took photos. "Saya ka? I-enjoy mo baka may kapalit." I joked in between shots.
"Ha?" He asked, hindi siguro ako narinig.
"Hakdog."
"Pansin ka 'te! Ang ganda nung kasama ni Kuya Sven kita ko kanina."
"Nasaan?"
"Sila Kuya Sven?"
"Ang paki ko." Pambabara ko sa kanya.
And just when I was about to crack another joke to my brother, I saw someone from the crowd. Thousand of people but he always stands out. Or maybe it was my eyes to blame, they only focus on him. Thousand of people talking from side to side but I can only hear my heartbeat.
Tama nga ang kapatid ko. Pagdating kay Sven, natatahimik ako.
YOU ARE READING
Suddenly and Forever
RomanceTherese Jade Lopez Dawson's convenient world collapsed when their father left. They are forced to go back to their mom's province and live a simple life, opposite to what she's used to. However, living a plain life in the province can also be exciti...