Kabanata 1

30 5 3
                                    

"I love you both so much. Someday, we'll meet again. I promise." Hinalikan ako sa ulo ni Daddy habang yakap-yakap kami ng kapatid ko.

Si mama ay nasa kwarto umiiyak. Things had been rough since the bankruptcy of our business here in Manila. And now, hindi ko alam kung saan kami pupulutin ngayon naghiwalay na si Daddy at Mama.

Tinulak ko siya nang bahagya, hindi matanggap ang nangyayari. "Why would you leave us?! Don't you love us anymore?! How about Mama?!"

"This is not working anymore. I promise, I'll contact you. I'm sorry."

Our dad is an American, which made us Fil-Am. He met our mom sa isang island in mom's province. Eventually they clicked and had me, and then Treston. They didn't got married so I think it is easy for my dad to cut ties. But doesn't he have us? Sana inisip man lang niya kaming mga anak niya, paano na kami?

Nineteen lang ako samantalang ang kapatid ko, kinse anyos! College na ako at ngayong wala na si Daddy ay 'di ko alam kung paano matutustusan ang pag-aaral ko.

"Ma, kain na po tayo."

Kinatok ko ang pintuan ni mama para ayain siyang maglunch. Hindi pa siya lumalabas simula kahapon nang umalis si dad. I'm also very emotional but I needed to be strong for this family.

"Hoy! Lumabas kayo riyan! Ilang buwan na kayong hindi nagbabayad!"

Sinilip ko sa bintana ng sala ang sumisigaw nang makitang si Aling Bebang iyon, ang landlady namin. I bit my lower lip at umupo sa sofa, getting anxious.

"Lumabas kayo riyan! Magbayad kayo! Asan na 'yung kano niyo ha?!"

I heard the door opened. Iniluwa nito si mama na nakapuyod at maayos na ang itsura.

"Ma, si Aling Bebang," she gave me a reassuring smile before coming out of the house.

Sumilip ulit ako sa bintana at nakitang may inabot na envelope si Mama sa landlady. Probably the payment.

I was just relieved dahil wala si Treston dito sa bahay. I don't want him to witness our situation dahil ayoko siyang mag-alala. He texted me na maghapon sila ngayon. Not his usual schedule dahil half-day lang naman ang high school sa private school na pinapasukan niya. Atleast he's not around today.

Gabi na nang dumating si Treston. Tahimik kaming kumakain, nagkakatinginan kami paminsan-minsan ng kapatid ko. Both of us are worried what might happen starting today.

"Saan galing ang pinangbayad mo kay Aling Bebang, Ma?"

I got curious dahil wala na kaming pera, ilang buwan nang hindi nababayaran ang renta ng bahay at wala namang trabaho si Mama.

"Ipon ko 'yun, anak. Hayaan mo na, may pera pa naman ako para makabalik tayo ng probinsya."

Tanging kalansing lang ng kutsara at tinidor na tumatama sa plato ang maririnig sa hapag kainan. Neither me and Treston had courage to open a conversation about our situation. Si Mama na ang naunang magsalita.

"Tingin ko mga anak bumalik na lang tayo sa probinsya namin. Hindi ko kakayanin ang sabay kayong pag-aralin kung dito sa Manila."

I caressed her hand and smiled. Ganoon din ang ginawa ni Treston, "Kahit saan, ma. Basta magkakasama tayo."

Mama was teary eyed while looking at us. Hindi man niya masabi, alam kong nahihirapan na siya. Dalawa kaming papag-araling, aalagaan,at papakainin nang walang katuwang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Suddenly and ForeverWhere stories live. Discover now